WHO IS ELLAINA?. .... Nikki's POV.... Masaya akong nahiga sa sariling kama ko ng gabing yon.. Na-miss ko ang higaan ko.. Halos dalawang buwan na rin nang umalis ako dito para magaral sa MU. Parang taon na agad yon sa akin. Sobrang namiss ko ang kinikilalang pamilya lalo na si Joshua. Nalungkot lang si Mama Anita ng malamang nawawala ang bracelet ko. Hindi ko na kase nakita pa yon sa school. Baka sa ibang lugar ko naiwala... "Paano na ngayon yan anak, don nakasalalay ang tunay mong pagkatao. Bakit mo iniwala yon? " sabi ni Mama sakin kanina. Hindi ko naman kase kayang magsinungaling sa kanya kaya ng tanungin nya ako kung nasaan iyon ay inamin kong naiwala ko. San ko ba kase yon hahanapin? Sa lawak ng MU ay daig ko pa ang naghanap ng karayom sa gitna ng dagat. Sinabi ko nalang kay mam

