THE DOWN FALL OF KING SHADOW... Joven's POV.... Napangisi ako nang makitang dumating na ang hinahanap. Hahaha king Shadow sino kaba talaga? Maling-mali ang ginawa mong paglantad ngayon dahil dito kana magtatapos. Kailangang mawala ni Jarred pero uunahin kita. Kung totoong isa kang imortal ay makikita ng lahat ngayon. "L-labanan mo kami!" Nais kong mapamura sa kaduwagan ni mateo. Kitang -kita na nanginig ito sa takot pagkakita kay King shadow. Mabuti nalang at ipinasama ko sa kanila si Bon. Ang lalaking puno ng tattoo sa katawan. "Ikaw ba ang nagpatumba sa grupo nila Mateo non?" Matapang na tanong ni Bon dito. Hahhh. ..pinakamalakas kong tao si Bon. Ilang beses na itong nakipaglaban at ni minsan ay hindi pa ito natalo. Lihim kong iginala ang paningin sa paligid. Napangiti ako n

