WARNING: This chapter contains sensitive scene and only for mature readers. Expect grammatical errors, Spelling and typos.
MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
Ngayon ang araw ng aking pagtatapos, hindi ko napigilan ang aking kasiyahan sapagkat ito na ang pinakahinihintay ko ang makapagtapos ng pag aaral at makahanap ng magandang trabaho.
Para ito kay nanay at tatay, kahit ganito ang aking hitsura hindi nila pinaramdam sa akin na pangit ako, kasi para sa kanila ako ang pinaka magandang nangyari sa buhay nila, ako lang ang mayroon sila.
Abot langit ang kagalakan ng aking mga magulang, sapagkat ako ang isa sa nakasungkit ng may pinakamataas na karangalan. Ganoon din naman ako at pinaghirapan ko talaga ito para sa kanila.
Samantala sa mansiyon ay nagkagulo sa biglaang pagpanaw ni senyora.Pauwi pa lamang kami, nang may tumawag sa aking na isang katulong at ibinalita ang hindi magandang nangyari kay senyora, nag paalam na muna ako kay nanay at tatay na dideretso ako sa mansiyon at sila na muna bahala sa mga bisita namin, pumayag naman ang mga magulang ko, kaya dali dali akong nag punta sa mansiyon lakad takbo ang aking ginawa, nag mamadali ako habang nag lalakad napapa-isip ako, nagugulohan kung bakit ganoon na lamang kabilis ang mga pang yayari, malakas pa kaninang madaling araw nang iniwan ko ang senyora. Pagdating sa mansiyon, nandoon ang mga katulong, nag tanong tanung ako kung anung nangyari.
"Nadulas ang senyora sa banyo, nabagok ang ulo sinugod ni senyorito Aquil sa hospital, dead o arrival daw Brigette."" ani ni aling Martha na mayor doma sa mansiyon,
Napahagulhol ako, dahil napamahal na sa akin si senyora, sa apat na taon na inalagaan ko siya, para ko na siyang tunay na lola.
"Dadating daw mamaya ang anak at iba pang mga apo ni senyora"..ani nanay Martha.
""B bakit ganoon ka bilis nay Martha maayos pa siya kanina, saglit lang ako umalis, pag balik ko wala na siya. Hindi nalang sana ako dumalo sa aking graduation para hindi siya napahamak."" humahagulhol na sambit kay nanay Martha..
"Anak wag mo sisihin ang sarili mo, walang may gusto sa nangyari" ani nay Martha na umiiyak din.
"Ang diyos na ang bahala sa kanya Briggete, tumahan ka na wag mo na sisihin ang sarili mo". Pag papatahan ni nanay Martha sa akin.
""Nakita namin kung gaanu mo ka mahal si senyora kahit hindi mo siya kaanu -ano, naging mahinahon at kalmado siya, hindi katulad noong mga nag daang taon na wala ka pa. Kahit may sakit palaging aburido at pinapatalsik niya kaagad ang mga bagong katulong, pati mga nurse na pinapadala ng anak niya hindi nag tatagal ng isang lingo, noong dumating ka naging masayahin siya at mapag mahal na sa katulong niya"" mahabang litanya ni nanay Martha.
"Kaya tumahan ka na, sayang ang ganda mo, naka make -up ka pa naman"dagdag pa ni nanay Martha.
"S sige po nay, uuwi po muna ako, babalik po ako mamaya para tumulong po dito sa mansiyon."" ani ko kay nanay Martha.
" Sige anak mag ingat ka" ani ninay Martha..
Pag dating ko sa bahay, nakita ko si nanay at tatay, inaasikaso ang mga bisita. Hindi ko na sila pinansin maraming bumati sa akin nginisihan ko lang sila, tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad patungong silid. Dito nalang muna ako, gusto ko mapag isa, nalulungkot ako sa biglaang pag panaw ng senyora, kahit hindi ko kaanu -ano ang matanda, napamahal na ito sa akin, siya din ang dahilan kung bakit nakapag tapos ako..Maya maya kumatok si nanay.
" Briggete anak! nandito ang mga kaibigan mo, bumaba ka muna marami kang bisita dito.." ani ni nanay.
"Opo nay bababa na po".... ani ko.
"CONRATULATIONS! beshy sa wakas graduate ka rin." ani ni Christine.
Bestfriend ko siya simula elementary, nauna lang siyang grumaduate sa akin dahil natigil ako ng dalawang taon..
"Thanks beshy! maikling sambit ko.. pati mga classmates ko noong high school nandito, ininvite ni nanay, proud lang ang mga magulang ko, kaya kahit hindi masyadong kakilala ay iniimbita...
Hapon na nang nag siuwian ang mga bisita,. Gumayak na ako para magpunta sa mansiyon at paniguradong dumating na ang ka isa isang anak ni senyora at iba pa niyang mga apo. Pag kadating ko sa mansiyon tinulungan ko sila nanay Martha para mag handa ng hapunan. Hindi pa daw nakarating ang anak ni senyora at mga apo. Maya maya pa ay may mga sasakyan na pumarada sa labas, sa tantiya ko ay tatlong sasakyan.. Sinalubong sila ni nanay Martha, hindi talaga maipagkaila na may dugong bughaw itong pamilya na ito dahil sa ang guguwapo at ang gaganda nila. Si ate Allie ang panganay na anak ni madam Aurora, bitbit niya ang dalawa niyang anak at ang German niyang asawa. Si Arthur naman ang pangalawa, si Aldin pangatlo at si Aquil naman ang bunso, siya na rin ang nag asikaso sa mga labi ni señyora.
Nasa kusina ako nang may kumalabit sa akin, napatili ako sa sobrang gulat nang may biglang lumipad na laruang ipis sa aking palad, si senyorito Arthur, siya ang close ko sa lahat, hindi niya alintana ang aking hitsura, basta kaibigan ang turing niya sa akin, magaan ang loob ko sa kanya kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin..
"Senyorito Arthur kumusta ka na? mas lalo kang gumaguwapo," ani ko,
Ganito kami ni Arthur kahit noong mga bata pa kami, Ako ang beast siya ang beauty,. kasama ko pa siya dati naliligo sa ilog, siya din ang tagapag tanggol ko sa bunso nilang si Aquil, mas matanda sa akin ng dalawang taon si Arthur, kaya naman matured siya kung mag salita at mabilis makaisip ng paraan..
"Okay lang ako, namiss kita ang sexy mo na, siguro maraming nanliligaw sayo."" ani ni Arthur sabay tapik sa aking balikat.
" Naku! sa hitsura kong ito, walang nagkakamali, alam mo naman isa akong beast diba, "" ani ko kay Arthur.
"Anu ka ba wala sa hitsura yon nasa loob iyan,. ika' nga nila, "don't judge the book by it' s cover" ani ni Arthur.
"Hmm sabay ngiti ko, alam mo yan mga litanya na iyon, mahigit dalawang dekada mo na iyang inuulit-ulit sa akin, hangang ngayon iyon pa rin." mahabang litanya ko..
Napasarap ang kwentuhan namin ni Arthur hindi ko namalayan na isang oras na mahigit kami nag kukwentuha, napabalikwas kaming dalawa nang may biglang bumagsak sa aming likuran, hindi malaman kung sinadya or accidenteng nalaglag lang. Sabay namin nilingon kung anu man yun..
"Aquil!" sambit ni Arthur
"f**k! habang nag luluksa kami kuya ikaw nakikipag landian sa monster na iyan"! ani ni Aquil habang dinuduro duro niya ako.
"Aquil! sobra na yang bunganga mo, kaibigan ko si Briggete alam mo yan, nagkakamustahan lang kami"" mahinahong ani ni Arthur..
"Arthur sige na gumayak ka na, mag hahanda lang kami susunod kami doon nila nanay Martha para sa ihatid ang mga pagkain".. sambit ko naman.
""Ayan dapat lang jan ka nababagay monster.""galit na sambit ni Aquil.
" Sige Bree unahan ka nanamin, nandoon na rin sila mommy at daddy."" paalam ni Arthur..
Pag kaalis ni Arthur gumayak naman kami kasama ang mga kasamahan kong katulong hinanda na namin ang mga pagkain para maihatid na ng mga kasamahan kung katulong doon sa chapel. Hindi na ako sumama sa kanila sapagkat nagpresenta na ako na mag linis ng silid ni senyora, ngayong wala na si senyora, wala na rin akong dahilan upang mananatili dito sa mansiyon, baka mas lalo pang magalit sa akin si sir Aquil kung mananatili ako ng matagal dito. wika ko sa aking sarili.
Hayys!! nakatulala na lamang ako sa kawalan, iniisip ko kung paanu siya nadulas, alam ko maingat ang senyora at hindi siya basta bastang madulas ng ganoon lang pwera na lang kung may tumulak sa kanya, o kaya sinadya ang mga nangyari. Iwinaglit ko iyon sa aking isipan, siguro nga hanggang doon na lamang ang buhay ni senyora.
" Senyora maraming salamat, dahil sayo ito ako nakapagtapos ako ng aking pag aaral, pangako gagamitin ko sa maayos ang aking kaalaman at aayusin ko rin ang buhay ng pamilya ko, diba iyan po ang gusto niyo, ang iahon ko sa kahirapan si nanay at tatay." humahagulhol kong wika, nanatili ako ng ilang oras pa sa silid ni senyora, wala namang katao tao sa mansiyon kaya tuloy malaya kong mailabas ang aking emosyon.