Cait Nasa classroom kami ngayon nina Macey at Jess. Magkakatabi kami ng upuan. Naghihintay ng kasunod naming Prof sa subject namin na BLAW. Business Management kasi ang course namin kaya may ganito kaming subject. Yung una kasi naming Prof sa subject na ito ay lumipat na sa ibang University kaya bago na ang Prof namin ngayon. Balita ko nga sa ibang section ay Lawyer talaga itong bagong Prof. Strikta raw. Kapag hindi ka daw nakasagot ay kailangan mong tumayo hanggang matapos ang klase. "Nakapagbasa ka ba ng notes mo sa BLAW?" tanong ni Jess kay Macey. "Hindi. Wala naman tayong exam ngayon eh." Sagot ni Macey. "Eh paano kung biglang magparecitation yung bago nating Prof? Eh di nganga ka dyan." Sambit ni Jess. "Luh siya. May stock knowledge ako." Mayabang na wika ni Macey. Kinakabahan n

