Chapter 5

1270 Words
Cait Kanina pa tawag ng tawag sakin si Lovely. Ngayon kasi ang birthday celebration ni Mr. Stephen. "Hey, Cait wag kang malelate ha." sabi ni Lovely sakabilang linya. Excited na excited ang gaga. "Oo, wag kang mag-alala." "Excited na ko mamaya." Kinikilig na sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako . Nahuhulaan ko na kung bakit kinikilig ang babaeng 'to. Haharot nanaman siguro. "Magpaganda ka mamaya ha." aniya. "Oo, alam ko. O siya, kita nalang tayo mamaya. Bye." ani ko. ... We're now at Stephen's private yacht. Maraming bisita ang dumalo sa birthday party niya. Mostly mga mayayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan. Marami ding naggagandahang models at sikat na actresses ang nandito. I'm with Cassie and Lovely. My two close friends na model. Cassie is one of those Stephen's flings. Mga magagandang model kasi ang type ni Stephen. And I know Cassie is such a flirt too. She's pretty and sexy kaya marami siyang nabibihag na mayayamang fafa. "Cait! Lovely! Come with me. I'll introduced you guys to Stephen and his friends." sabi ni Cassie. Nagpatianod naman kami sa paglalakad ni Lovely. There are group of five guys drinking champagne at the table with women beside them. Para silang mga griyegong diyos. Ang gugwapo at ang hot nila. Mas gwapo pa nga sila sa mga artistang nakikita ko sa TV. Aside from their looks, they're rich and powerful too. Mayaman ang angkang pinagmulan nila. Sa itsura palang maaangas na. Mukang mga spoiled brat billionaire. Saka mukang mga f**k boy. Eeww...Kaya hindi sila ang tipo ko kahit pa sabihing mayaman at gwapo sila. Pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki.  He's wearing a versace black blazer and white v-neck fitted Balenciaga shirt. Sa baba naman ay skinny jeans and he's wearing a gucci sneakers. There's a gorgeous, young model beside him. So tama nga ako ng nalaman na isa din siyang playboy. Pero ano naman bang pake ko eh hindi naman kami. Ni hindi niya nga ako kinakausap eh. Alam ko namang hindi siya interesado sakin. Ewan pero bigla nalang akong nainis. Cassie introduced us to those guys. "Oh, so you're Caitlyn Nicole Lopez. I saw your billboard along Edsa. You're stunning." sabi ni Stephen na kaylawak ng pagkakangiti. Nginitian ko siya at binati ng happy birthday. Napansin ko ang pag irap ni Cassie. Halata naman na ayaw niya ng nasasapawan siya. Gusto niya siya lagi ang stand out ang beauty. She's such a famewhore. Mabait naman siya pero yun nga lang ang ugali niyang nakakainis. We shook hands to each of them. From Stephen Garcia, Jake Villarama, Sebastian May, Jace Davidson and...Nathan James Ramos. Napansin ko na kanina pa sakin nakatingin ang mga mata ni James. Bigla tuloy akong nailang at nag-iwas ng tingin sakanya. Ano bang problema ng lalaking yun? May magandang model na kanina pa siya hinaharot pero sakin siya nakatingin. Kapag nakikita ko naman siya sa company niya ni hindi niya naman ako matapunan ng tingin. Kaya napasimangot nalang ako. Ewan baka lasing na, kanina pa kasi sila umiinom ng alak. I only drunk one glass of wine. Hindi naman ako nakatanggi. Baka sabihin nila ang kj ko at walang pakisama. Nawala na sa tabi ko si Lovely. Hinila siya ni Jake sa tabi niya. Ang bilis ah. Napaismid nalang ako. Si Cassie naman ay ayun at nakikipagharutan kay Stephen na mukang may tama na ng alak. Kulang na lang maglagay ng kama sa harapan nila. Wala kasi silang pakialam sa paligid. What should I expect? Napabuntong hininga nalang ako.  Bakit pa kasi ako sumama sakanila. Sayang lang ang oras ko. Eh di sana nagre-review na ko ngayon para sa darating na exam. Nagpaalam lang ako na pupunta sa comfort room. Paglabas ko ng comfort room ay humanap ako ng pwesto na malayo sa ingay. I really need to review for our upcoming exam. Tutal nasa cellphone ko naman ang mga reviewer ko. Nagme-memorize ako ng reviewer ko dito sa roof deck ng yacht. Maganda ang tanawin sa paligid. Makikita mo ang liwanag ng City. Naglalakihan ang mga gusali. It's such a beautiful scenery. Nakasalampak ako sa sahig habang nagbabasa. Nang biglang may nagsalita sa likod ko. Naamoy ko ang mabango niyang mamahalin na perfume.  He's still wearing the same woodsy fragrance. Paborito niya siguro. "Why you're here alone?" nagtatakang tanong niya. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha. Tiningala ko siya. Matangkad siya at maganda ang pangangatawan. Nasa 6 ft ang height. Hindi nalalayo ang height nilang magkakaibigan. Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. He have those mesmerizing brown eyes. Malalantik ang mga pilik mata nito. Matangos ang ilong. Mamula mula ang labi. And he have those perfect jaw lines. Mala adonis talaga ang lalaking ito. Nakakagigil, sarap kagatin. Charr! "Ah wala lang. Nagre-review kasi ako. Finals na kasi namin sa school. Maingay kasi sa baba kaya humanap ako ng pwesto." "Really?" manghang-tanong nito. Nagtataka siguro siya kasi bakit ba naman naisipan ko na dito pa magreview. "Nakakapagconcentrate ka sa pagrereview sa ganitong lugar?" aniya. "Oo naman, kahit nga sa jeep nagre-review ako eh." "Talaga? Galing mo naman." nakangiting sabi nito. "Eh ikaw, bakit nandito ka? Bakit mo iniwan ang girlfriend mo dun sa baba?" tanong ko sakanya. "What?" tanong niya habang nakakunot noo. "She's not my girlfriend. And I just want to have some fresh air. Kaya umakyat ako dito." kalmanteng sagot nito. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa tanawin. Nakapamulsa siya sa suot niyang pantalon. Tumayo narin ako at bago ko pa makalimutan ang sasabihin ko. Nagsalita na ulit ako. "Ahm...T-Thank you nga pala." Bigla akong nautal na ipinagtaka niya. "For what?" nagtatakang sabi nito. "For saving me 6 months ago." I said. "Ginawa ko lang ang nararapat. Because you needed help that time. Kahit sino namang mapadaan ng mga oras na iyon ay tiyak na hindi magdadalawang isip na tulungan ka." aniya. "By the way, how are you now?" "O-okay naman." tipid kong sagot. Kahit pa kung minsan naalala ko parin ang nangyari sakin. Mabuti nalang talaga natakasan ko ang dalawang lalaki ng mga oras na iyon. At hindi natuloy ang maitim na balak nila sakin. "Mabuti naman kung ganun. Saka hindi ka dapat umuuwi ng ganung oras. I'll send you home later." "Ha?" "Eh may kasama ako sina Cassie at Lovely. Baka hanapin ako ng mga yun." "Don't worry hindi ka nila hahanapin. They're with my friends." pagkasabi nun ay ngumisi siya. Tinanggal niya ang suot niyang blazer at sinuot yun saken. Napansin niya sigurong nilalamig ako sa suot kong dress. I'm wearing a sleeveless, front split, halter, mini black dress. Kita ang malulusog kong dibdib at ang  mahahaba kong hita. Bilang modelo kasi kailangan ko rin matutunan ang magsuot ng daring na mga damit. Pero hindi naman kabastos bastos itong suot ko dahil bumagay naman sa okasyon. Nakita ko ang pag alon ng kanyang adams apple ng mapatingin siya sa dibdib ko. Sabay iwas ng tingin at biglang namula ang mukha niya ng mapansin ko kung saan siya nakatingin. Mukhang nahuhulaan ko na kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang hindi na ko hahanapin nina Lovely. Nakainom pa naman ang mga babaeng yun ng alak. Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang uuwi nga ako ng mag isa. Hindi ko na namalayan ang oras. 12am na pala. Takot na akong umuwi ng ganitong oras kapag mag-isa. Pumayag akong ihatid ni James sa tinutuluyan kong apartment. Hindi na ko nakapagpaalam kina Cassie at Lovely. Hindi ko narin sila nakita sa pwesto namin kanina. Saka lowbat na ko kaya hindi ko na sila matatawagan. Bahala sila sa buhay nilang umuwi. May maghahatid naman sakanila pauwi si Jake at Stephen malamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD