Cait Mabilis lang lumipas ang mga araw at hindi ko na namalayan na tapos narin ang maliligayang araw naming mga estudyante. Dahil back to school nanaman! I already enrolled in school. We're now in third year college. Malapit narin kami sa finish line. Konting tiis nalang at makakapagsuot narin kami ng itim na toga. We all look forward to that day. "I miss you guys." ani Macey saming dalawa ni Jess. Nasa student park kaming tatlo. Hindi pa naman nagsisimula ang klase dahil on-going pa rin ang enrollment. Marami pang magiging pagbabago sa class schedule na nakapost sa bulletin board ng Department of Management. "Kumusta naman ang bakasyon niyo mga beshie?" ani Macey. Hindi kasi kami nakapag kamustahan nitong bakasyon dahil busy naman ako sa trabaho. Si Jess naman ay nag out of the cou

