James
Nasa isang sikat na bar ako ngayon sa Quezon City dahil birthday celebration ng one of my closest friend and business partner too.
His name is Jake Villarama. A young, handsome billionaire in his mid-twenties.
"Happy birthday bro," bati ko sa lalaki.
"Thanks man! Wala ka yatang kasamang chicks ngayon." aniya.
I used to be a playboy. Pero nagsawa nalang ako sa mga babaeng lapit ng lapit sakin. I used to date models and actresses. Na naghahabol lang naman sakin dahil sa itsura ko at pera and nothing more.
I never got into a serious relationship before. And I don't want a commitment.
I smirked. "Ah, pass muna ko dyan dude."
Kilala rin si Jake sa pagiging playboy. At marami ring nagkakandarapa na babae sakanya. Pero ngayon, ay puro lalaki lang kaming nagce-celebrate ng birthday niya. Kumbaga mga close friends lang at business partners.
"Look who's here," usal ng isang lalaki sa likod ko.
"Yeah, the bastard is here." Maangas na sabi nung isang kasama niya.
Kilala ko ang boses na ‘yon! Hindi ako maaaring magkamali!
Napalingon ako sa grupo ng lalaki sa likuran ko.
I know them. Isa sa kanila ay kinaasaran ko sa pagiging mayabang at arogante.
That guy is no other than Riley Samson. A rich spoiled brat bastard. Nagkaroon kami dati ng alitan. Sinamaan ko sila ng tingin habang kuyom ang aking kamao.
"Hey, easy man. We're not here looking for a fight." sambit ng isang kasama niya.
Napansin ni Jake ang tensyon sa paligid. "Hey bro, chill. Hwag mo nalang pansinin." usal ni Jake at tinapik ang balikat ko.
Kilala niya ako. Hindi ako umuurong sa away kapag inagrabyado ako.
"Tsk...Kelan pa naduwag ang kasama mo Jake?---" sarkastikong tugon ni Riley.
Hindi niya na natapos ang gusto niya pang sabihin dahil sinuntok ko na siya sa mukha. Gumanti rin siya ng suntok sa akin hanggang sa awatin na kami nina Jake at ng tropa ni Riley.
"May araw ka rin sakin gago!" Gigil na sambit ni Riley habang hawak ang kaliwang pisngi na namumula ngayon dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko.
"f**k you!" inis na sambit ko. I was literally pissed seeing him here. I wasn't expecting to see this arrogant asshole here tonight.
Matapos ang pangyayari ay nagpaalam na ako kay Jake na mauuna na. I should stay away from here. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at mabasag ang mukha ng gagong yun kung hindi pa ko aalis.
Napatingin ako sa mamahaling wristwatch na suot ko. Kailangan ko ng umuwi. Nakailang baso din ako ng alak. Medyo may tama na pero nasa katinuan parin para magdrive.
I was heading to my villa when I saw a lady asking for help. I feel that something terrible happened to her. Takot na takot ito habang umiiyak.
Walang sapin ang mga paa nito. Pawis na pawis at hinihingal. Bakas sa mukha ng magandang babae ang pagkabalisa. Parang may kung anong humahabol sakanya.
Agad akong bumaba ng kotse at nilapitan ito. Pinasakay ko siya sa kotse ko at agad na pinaandar ang sasakyan. Walang tao sa lugar ng mga oras na iyon.
I asked her kung anong nangyari sakanya. Pero ilang minuto rin siyang nakatulala at umiiyak.
I raked my gazed down her beautiful body. Her skin was milk-white. Then I glanced up at her beautiful face.
I was mesmerized by her blue eyes. I don't know if she's wearing a contact lense though. Her lips scarlet red. Makinis siya. Matangos ang ilong. Malaki ang boobs at may katangkaran na babae. Atleast 5'8 or so.
Nakakaakit ang kanyang itsura. Damn! She was so f*****g gorgeous! Pero pinawi ko rin ang mga iniisip ko dahil wala ito sa tamang oras.
This is not the right time to think such stupid thoughts about her.
But goddamn! I was turned on! She's like a goddess of beauty. Sa itsura niya ay mukha siyang may ibang lahi.
I felt hard down there. Pasimple ko nalang tinakpan ang nagwawala kong sandata ng maliit na towel na nakalagay sa ibabaw ng kotse ko.
I sent her home matapos naming mag report sa police station.
...
One week had passed and still, I haven't got a chance to talk to her. I want to ask her if she's okay now after that incident. But we never exchanged contact numbers. Pero may nilagay akong business card sa bulsa ng leather jacket na suot ko nung araw na yun. Para kung sakaling maisipan niya kong kontakin eh mahahanap niya ako. Kahit alam ko kung saan siya nakatira I never dared to visit her.
What for? Hindi ko naman siya girlfriend. At kahit pa nag-aalala ako sakanya eh wala namang dahilan para puntahan ko siya.
But it seems my mind was occupied by her angelic face and with that awesome body of her.
Damn! Bakit ko ba siya iniisip?
Cait
Isang linggo na ang lumipas mula ng mangyari ang isang bangungot sa buhay ko. Nakiusap narin ako sa Team Leader ko sa trabaho na ibalik ako sa dati kong schedule dahil sa nangyari sakin.
Kasalukuyang nakatambay kami sa canteen at nagmemeryenda ni Jess. Wala kasi kaming Prof sa isang subject ngayon.
"O, bakit tulala ka nanaman dyan. Ang lalim ng iniisip mo gurl." Nag-aalalang tanong ni Jessica sakin.
"Wala. Iniisip ko lang ang pamilya ko sa Olongapo." walang emosyong sagot ko sakanya.
Napahalukipkip siya. Mukhang hindi kumbinsido sa dahilan ko.
"Magsabi ka nga sakin ng totoo Cait. May nangyari bang masama sayo? Isang linggo na kitang napapansin na natutulala. Parang may nangyari sayo na ayaw mong sabihin sakin."
Nag-iwas ako ng tingin sakanya.
"Wala talaga Jess. Alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon diba? Pagod lang ako sa trabaho."
Wala pa kong pinagsasabihan ng nangyari sakin. Ayaw ko na may makaalam kasi natatakot ako na baka balikan ako ng mga lalaking yun.
Pagkatapos ng klase ay nagtungo ako sa isang mall. Gusto ko munang mag ikot-ikot, pampalipas oras lang. Saka kaya naman mahilig ako tumambay sa mall kasi malamig dun, may aircon, hindi kasi ako makatagal sa apartment na tinutuluyan ko dahil sa sobrang init. Kailangan pagnatutulog ka bukas magdamag ang electric fan, kulob kasi.
Mag-isa lang ako ngayon. Humanap ako ng makakainang restaurant dahil nakaramdam na ko ng gutom. Habang kumakain ako ay may lumapit sakin na lalaki.
Beki pala.
Nagpakilala siya sakin na isang talent agent. Inalok niya ako kung gusto ko bang maging model. May potensyal daw kasi akong maging modelo lalo na may ibang lahi daw kasi ako.
Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan yun. Hindi naman sumagi sa isip ko na maging model dati, because I have low self-esteem.
Marami rin kaming napag usapan ni bakla, este ng talent agent. Hanggang sa napapayag niya na ako na tanggapin ang kanyang offer. Bakit ko naman tatanggihan? Magandang opportunity yun saka gusto ko namang maka experience ng iba. Balak ko narin namang magresign sa callcenter company na pinagtatrabahuhan ko.
I want to grab every single opportunity na ipagkakaloob sakin. Lalo na kailangan ko ng pera ngayon. Gusto kong mag-ipon para di ko na poproblemahin ang tuition fee ko sa susunod na sem. Saka kinakapos narin kasi ako ng budget sa araw-araw, madami kasing project sa school.