WENNA POV umuwi akong magkahalong malungkot at masaya, malungkot dahil sa nalaman ko tungkol kay Gwendolyn, masaya dahil kahit papaano ay nakausap ko siya at nalaman ang lahat Halos paliparin ko ang aking kotse ng pauwi na ako sa bahay, may pagtatalo na nagaganap sa aking isipan, pagtatalo kung sasabihin ko kay Nero ang lahat, isang mahaba at malalim na paghinga ang aking pinakawalan, kay hirap magdesisyon, pero alam ko sa sarili ko na tutuparin ko ang akong binitawang salita at tulad ng sinabi ko kay Gwen, wala akong isa mang sasabihan. Madilim na masyado ng nakarating ako sa bahay pero may ilaw pa sa salas, napangit ako malamang si Nero ay siguradong gising pa at naghigintay sa akin. Inilagay ko ang kotse sa may garage at agad na lumabas ng maayos ko itong ipinarada. Kinuha ko a

