Nakokornihan si Mariel sa reaksyon ni Cindy matapos makita na si Andrew ay nasa kanilang section.
“Gulat ka gurl?” – ani ni Mariel
“Uhmmmm slight”
Napatingin nalang si Mariel at napangiwi at sabay silang naghanap ni Cindy ng mauupuan.
“Di mo ba nabalitaan? Pasaway kaya yan last year, di ko sure ang bali-balita pero nagbreak daw sila ng girlfriend niya na tiga ibang school kaya parang nawasak ang mundo pati pagiging varsity niya sa basketball eh muntik ng naapektuhan” – bulong na pagkukwento ni Mariel kay Cindy…
Sumilip bahagya si Cindy kay Andrew na kinakatabi ng mga haliparot niyang kaklase..
Saka naman dumating si Mrs. Cruz
“Good Morning Class
“Good Morning… Mrs. Cruz”
Okay please stand up get your bags at pumunta sa likod… may protocol tayo galling sa principal na ang magkakatabi na ngayon ay according sa apelyedo Alphabetically.
May ilang natuwa
Meron naming magjowa na dati magkatabi ay tila katapusan na ng mundo nung sila ay maghihiwalay nan g upuan
“Ang OA naman” – Mariel
“Castro Mariel” – Mrs. Cruz
“Yes Ma’am” – Mariel
Papunta na sa letrang S at naghihintay naman si Cindy
“Cindy Sandoval… sit on the fifth row”
“Yes maam”
Natapos na ang pagtatawag na ang pagtatawag ni Mrs. Cruz para sa seating arrangements.
At kanila ng sinimulan ang klase
Ang subject ay English
Una ay discussion
Hanggang sa nagpagawa ng group activity si Mrs. Cruz na kung saan ay kailangang mahati sa limang grupo ang bilang ng estudyante.
Ang basehan ng pagbuo ng grupo ay depende sa kung ano ang napuntang bilang sa isang estudyante.
Mariel- Group 2
Andrew-5
Cindy- 5
Medyo nag-blush ang dalaga …. ngunit hindi nagpapahalata….
Naging natural lamang ang kilos nito kahit medyo distracted sa tingin ni Mariel sa kanya…
“ Cindy ikaw ang magdiscuss ng number 1 dalawa kayo ni Andrew
Ako sa number 2 kasama ko si Jenny “ sabi ni Maxine na leader ng grupo
“Anabelle and Rose- kayo ang sa example for number 1 …. Lenard at James kayo naman ang sa number 2”
dagdag pa nito
Sa pag-uusap nila ni Andrew at Cindy sa kung anong gagawin or panu maghahati sa reporting ay di makatitig si Cindy ng diretso sa mukha ni Andrew
Tila pinagpapawisan itong lalo…. At di alam kung pumuputok na ba ang mga tigyawat nito sa taas ng pressure
Kaya naman….
“La…Last group naman tayo di ba?” – Cindy
“ Ahh oo” - Andrew
“Ok then sayo ang paragraph 1 akin ang paragraph 2…..” nakangiting pinagpapawisan si Cindy
“Sure” – sumang ayon naman si Andrew
“Uhmmm sige.. punta muna ako CR…. Hehehe” – nahihiyang paalam ni Cindy
“Sige”- Andrew
Nagpaalam din si Cindy sa kanyang leader at kay Mrs. Cruz
Sa cr ay nakahinga ng maluwag si Cindy
“Hay buti di pa puno… atleast may extra akong napkin”
.
.
.
Bigla namang natulala si Cindy na tila malayo ang iniisip ……
Ng biglang……
Makalipas ng ilang minuto ay natapos na ang grupong 1,2, at 3 sa pagrereport. Malapit na rin ang Group 4 na matapos sa pagrereport.
“Bakit wala pa rin si Cindy? Kanina pa siyang nagsabi na magsi-CR ahhh?” tanung ni Maxine sa mga ka-grupo nito
“Baka naman sobrang hirap sa pag-ere” -biro ni Lenard sabay tawa at tinapik si james na tawang tawa din.
“Hayst” – badtrip na lumakad si Maxine papunta sana kay Mrs. Cruz para magpaalam pero
“Ako na…. tapos na rin naman na kami magreport ehh” aniya ni Mariel
“ Oh sige “
Nagpaalam si Mariel kay Mrs. Cruz
Sa pagpunta ni Mariel sa CR ay napansin nito ang hibla ng buhok na masisilip sa baba ng pintuan ng isang cubicle ng cr…
Unti unti- itong dumapa ng bahagya para masilip since ang pintuan ay naka-lock
Ng bigla itong nabigla sa nakita….
.
.
.
“CINDYYYYY”