Kabanata 13 "Jelyne." Napairap si Jay nang makita si Steel sa may fountain. Hapon na natapos manguha ng final shots sa bahay ni Steel ang Kueva Magazine team at buong araw ding wala si Steel kasama ang kapatid, asawa at anak nito. Hindi tuloy mapaliwanag ni Jay ang pagkairita. Maging sa mga biro ni Roldan ay talagang hindi siya nakakasabay. Kinantyawan tuloy siya ni Britney na baka nagjejelly fish na siya dahil magkasama si Steel at mag-ina nito kaya napagpasyahan niyang pumunta sa fountain para magpalamig ng ulo ngunit mukhang lalo lamang palang masisira ang mood niya. Nakasimangot niyang tinalikuran si Steel. Balak na sana niyang umalis na lamang tutal ay naroon na pala ang taong kinaiinisan niya pero may parte ng kanyang puso na nanabik makita ito. She had to admit that Steel looked

