Kabanata 24 Malakas ang tawa ni Saharah habang kinikiliti ito ni Stilyan. Naroon sila sa roof deck ng mansyon kung saan tanaw nila ang buong Sagada, at kung hindi pa sila umakyat doon, hindi malalaman ni Jay na mayroon pala roong hot swimming pool. Hindi kasi niya iyon natanaw noong unang pumasok siya sa silid ni Steel. Kaya pala may isang bahagi ng third floor na tila hindi okupado kung sa baba mo iyon titignan ngunit mula sa silid ni Steel, sa bahaging hindi niya napagtuonan ng pansin, naroon ang sliding door patungo sa pool. "Ate, help!" Humahagikgik na iniaabot ni Saharah sa kanya ang kamay kahit pa isa rin siya sa nangingiliti rito. Nasa gilid sila ng pool at pare-parehong balot na ng roba ngunit nang akmang tutulungan na niya si Saharah, niyakap sila ni Stilyan saka ito tumalon sa

