Kabanata 21 "Pasensya ka na, Jay. Hindi kami makakarating diyan. Magkita na lang tayo sa ospital kasi isasama raw ng mommy mo si Saharah doon." Bumagsak ang mga balikat ni Jay nang marinig ang sinabi ni yaya Violly. Halos isang oras silang naghintay ni Saki sa park. Nahiya na nga siya kay Kanor dahil sinamahan sila nito kahit panay ang taboy ni Saki. Kahit ganoon, naaliw naman siya sa mga ito kaya hindi rin niya masyadong napansin ang oras. Saki and Kanor seemed...attracted with each other. There was this certain twinkle in their eyes everytime they're looking at each other. Minsan ay nahuhuli rin niya si Kanor na nakatitig kay Saki kapag kausap siya ng kaibigan. Si Saki naman ay namumula kapag binibiro na ni Kanor. That's a weird thing, alright. Dahil ni minsan ay wala pang nakabuhay

