HUMINGA siya ng malalim saka tumayo. Nanlalamig ang kamay niya dahil sa pinaghalong galit at kabang nararamdaman. Nang buksan niya ang pinto ng opisina at lumabas siya, hindi niya nagawang ihakbang ang mga paa lalo na nang makitang nakatingin sa gawi niya si Kyle at ang sekretarya nito. Nagbaba siya ng tingin at akmang tatalikod at babalik sa loob ng opisina nang may brasong yumakap mula sa likuran niya saka may bumulong sa tainga niya. "Go on." It was Elyes. He caressed the side of her waist as though to tell her it would be fine. "Nasa tabi mo lang ako. Ipakita mo sa kanila na hindi ka apektado. Because the more you show them that they have an effect on you, the more they will show up here just to get into your nerves." Bahagya siyang bumaling kay Elyes at nakagat niya ang pang-ibaban

