ITINIGIL ni Elyes Williams ang Ducati sa labas ng gym ni Ryan, ang kaibigan niyang half-Turkish, half-Filipino. Kasosyo niya ito sa ibang negosyo sa iba't-ibang panig ng mundo kaya naman naging malapit silang magkaibigan. He considered Ryan his best friend. Alam nito ang lahat ng tinatago niyang kadiliman sa pagkatao niya. Bukas pa ang gym pero wala namang tao. Nakasara na rin ang ibang ilaw pero ayos lang. Alam niyang naroon pa sa loob si Ryan. Dito kasi ito naglalagi pagkatapos ng trabaho nito sa Law Firm nito. Mabilis siyang tumakbo patungo sa pinto ng gym at kaagad niyang hinubad ang basang leather jacket ng makapasok siya. Sunod niyang hinubad ang t-shirt niya at mabilis na lumapit sa punching bag na naroon. With no gloves to protect his fist, he started punching the bag. Lahat ng

