" Upon ka, nak, ipinag-luto kita ng makakain mo." masigla at ngiti sa labing saad ni Manang Pasya ng maka punta kami sa loob ng kusina. " Inuluto ko ang lahat ng paborito mo." dagdag pa nito habang isa-isang hinahain ang mga potaheng kanyang niluto para sakin. Nanuot agad ang mga halimuyak ng mga pagkain sa ilong ko pag-kalapag pa lang niya ng mga iyon. Namiss ko ang mga pag-kain na ito. " Oh? Bakit tinititigan mo lang ako, nak? Hindi mo ba gusto ang lahat ng pagkain na inihain ko?" tanong nito ng matapos nitong mag-hain ay napansin nito ang paninitig ko lamang dito habang hindi ko pa din ginagalaw ang mga pag-kain kanyang niluto. " Gusto ko po at nakakatakam po, pero mas masarap po kung sasabayan niyo po akong ubusin ang lahat nang to. Pwede po ba? Malungkot po kumain mag-isa." saad

