Anak Ng Callboy
Chapter 4
Kuya X, sino iyong kausap mo kanina?" usisa ni Lexus, pauwi na sila ngayon ng kuya niya. Masaya siya dahil naibenta agad nila ang mga sampaguitang tinitinda nilang magkapatid.
"Si Calum Chua, kakilala ko lang siya." simpleng sagot ni Raddix, sa kanyang kapatid. Ayaw niyang ipaalam kung sino ba si Calum, sa buhay niya at kung paano niya nakilala si Calum. Bata pa si Lexus, hindi pa niya maintindihan ang mga bagay-bagay. Nakita niyang napatango lang ang kanyang kapatid. Walking distance lang naman ang simbahan ng Isidro hanggang sa bahay nila kaya hindi na sila nag-abalang sumakay pa ng jeepney. Sayang din kasi ang walong pisong pamasahe ng bawat isa sa kanila. Bumili na sila ng ulam sa tindahan ni Mang Thomas, para hindi na siya magluto pa ng ulam. Wala naman naman din sila iluluto sa bahay nila. Sa pagdating nila sa bahay ay nagulat sila ni Lexus, dahil naglilinis ng bahay ang kanilang ama. Kitang-kita nila na pawis na pawis ang suot na puting t-shirt ng kanilang ama. Nagkatinginan pa silang dalawa ng nakakabatang kapatid niya na si Lexus.
"Oh!? Ano pang tinatanga ninyo dyan? Pasok na kayo sa loob." sabi ni Eduardo, kakatapos lang niyang linisin ang kuwarto ng kanyang dalawang anak. Hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit siya naglilinis ng bahay? Parang ito yata ang unang beses niyang naglinis ng bahay.
"Tay?! Bat ka naglilinis ng bahay?" takang tanong ni Raddix.
"Ah? May masama ba kung maglinis ako ng bahay natin? Wala naman ako ginagawa o lakad ngayon kaya naglinis na ako ng bahay." sabi ni Eduardo, nakangiting nakatingin siya sa kanyang dalawang anak. Napaisip-isip niya na gusto na niyang magbagong buhay. Gusto na niyang magpaka-ama sa kanyang dalawang anak na sila Raddix at Lexus.
"Kain na muna tayo tay magtatanghali na." sabi ni Raddix, napapatanong siya sa kanyang sarili kung bakit bigla-bigla na lang naglinis ng bahay ang kanyang ama. Bigla niyang naalala na hindi pa pala siya nakapagsaing ng kanin. Pumunta na siya sa may kusina pero laking gulat niya dahil may nakasaing nang kanin sa may kaldero.
"Nagsaing na ako para pagdating ninyo ni Lexus, ay kakain na lang tayong tatlo. Bibili na sana ako ng ulam pero nawili ako sa paglilinis ng bahay nawala sa isip ko na bumili ng ulam. Sige na umupo na kayo sa lamesa ako na ang sasandok ng kanin. Tsaka akin na yang binili mong ulam isasalin ko na yan sa mangkok." ngiting sabi ni Eduardo, ngayong araw na ito ay sisimulan na niya ang pagkakaama niya sa kanyang dalawang anak. Alam niyang nagtataka sila Lexus, lalo na ang panganay na anak niyang si Raddix. Naalala niya kung paano dumating sa buhay niya ang panganay na anak niyang si Raddix, nung una ay sobra siyang nagulat ng malaman niyang may anak siya sa isang babae na regular customer niya. Isang babaeng minahal niya ng lubusan. Isang babaeng akala niya ay makakasama niya habang buhay. Ngunit nagbago ang lahat ng ipinanganak na nito si Raddix, na ikinasawi nito. Hindi kinaya ng katawan ng ina ni Raddix, ang panganganak nito. Walang magawa si Eduardo, kundi tanggapin niya ang pagkawala ng babaeng minamahal niya pero nagpapasalamat siya dahil may naiwan itong isang guwapong batang lalaki sa kanya. Sa totoo lang labag sa kalooban niya na iwan minsan si Raddix, sa bahay kasama si Jamison, na kinakapatid niya. Kailangan niya magtrabaho bilang callboy dahil iyon lang naman ang alam niyang madaling trabaho at madaling kumita ng pera. Kailangan niyang ibenta ang kanyang sarili para lang mabuhay silang dalawa ni Raddix. At isang araw na lang pagkadating niya sa bahay mula sa Tagaytay ay meron na naman isang batang lalaki dumating sa buhay niya na anak pala niya kay Nympha, na ilang beses din niyang nakatalik. Sa ikalawang pagkakataon ay wala siyang nagawa kundi tanggapin ang bata. Kahit na loko-loko siya ay may puso naman siya. Hindi niya kaya na pabayaan na lang si Lexus, kaya nagdouble kayod siya para mapakain niya ang dalawang anak niya. Kung noon ay hindi siya basta-basta na sumasama sa mga gustong kumuha sa kanya pero nang magkaroon siya ng dalawang anak ay sumasama na siya kung kani-kanino basta malinis at walang sakit. Pero isang araw na lang ay nagbago lahat ng takbo ng buhay niya.
"Tay, kain na po tayo." sabi ni Lexus, nakatingin siya sa kanyang ama na nakatulalang nakatingin sa pagkain sa lamesa.
"Ah? Sige kain na tayo. Pasensya na kung natulala ako medyo napagod siguro ako dahil nanibago ang katawan ko sa paglilinis ng bahay. Hahaha!" pabirong sabi ni Eduardo, na siya lang ang tumawa sa sinabi niya.
Napailing na lang si Raddix, sa hirit ng kanyang ama. Ito yata ang unang beses na kumain silang tatlo ng sabay-sabay. Natapos agad siyang kumain si Lexus, na ang naghugas ng mga pinagkainan nila. Samantalang ang kanilang ama ay nagpatuloy ito sa paglilinis. Pumunta na muna siya sa kuwarto nila para makapagahinga para may lakas siya mamaya sa kanyang trabaho bilang crew service sa isang fastfood chain sa bayan ng Isidro. Isa rin ito sa pinagkukuhanan ng pera ayaw naman niya na umasa lang sa pagiging callboy niya. Napagod siya kagabi dahil nakadalawa siyang customer. 'Di niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sobrang pagod. Pagkagising niya ay agad siyang nagpalit ng damit at kinuha niya ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang uniform na sinusuot niya sa trabaho niya. Pagkalabas ng kuwarto ay nakita niyang abala sa panonood ng telebisyon ang kanyang nakakabatang kapatid. Wala sa sala o sa kusina ang kanyang ama kaya tinanong niya kay Lexus, kung saan ang kanilang ama.
"Nagpaalam siyang aalis kuya. Hindi ko lang alam kung saan siya pumunta dahil 'di naman sinabi sa akin kung saan siya pupunta." sagot ni Lexus, ibinalik na niya ang tingin sa pinapanood niyang anime sa telebisyon. Nagulat pa nga siya kanina dahil biglang nagpaalam sa kanya ang kanilang ama. Dati rati ay basta-basta na lang itong umaalis at iniiwan siya mag-isa sa bahay.
"Bihis na bihis ba siyang umalis kanina?" tanong ni Raddix, nakita niyang napatango ang kanyang nakakabatang kapatid. Nagpaalam na siya kay Lexus, kampante naman siyang iwan itong mag-isa sa bahay dahil sigurado siyang walang magtatangkang magnakaw sa bahay nila. Tsaka kinakausap naman niya ang mga kapitbahay nila na pakitignan ang kanyang nakakabatang kapatid. Mamaya-maya lang pagkatapos ng pinapanood nitong anime ay lalabas na si Lexus, para makipaglaro sa mga kalaro nito. Sinasabihan din niya ito lagi na bago lumabas ng bahay ay siguraduhin na nakasara ang bahay at walang nakasaksak na kuryente tulad ng telebisyon at electric fan. Nakalabas na siya sa eskinita at papunta na siya sa sakayan ng jeepney papunta sa trabaho niya. Sa paglalakad niya ay maraming napapatingin at tumatawag sa kanya. Kilala siya sa Malawi Compound alam din ng mga taga rito na callboy siya at wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao. Lagi niyang naririnig sa mga taga rito na like father like son daw sila ng kanyang ama. Natatawa na lang siya sa mga iba pang sinasabi ng ibang tao sa kanya. Ngayon ay nakapila na siya para makasakay siya sa jeepney. Meron pa naman siyang isang oras bago ang kanyang duty sa fastfood chain na pinagtratrabahuhan niya.
"Boy! Sakay ka na! Para makaalis na itong jeepney." sabi ng driver ng jeepney. Meron pa kasi puwesto sa bandang kaliwang upuan. Tig sampo katao ang puwedeng umupo sa magkabilang upuan.
Napatingin si Raddix, sa loob ng jeepney. Napangiwi siya dahil sobrang siksikan na ang mga taong nakasakay sa loob ng jeepney. Napaisip siya na paano siya makakasakay sa loob kung sobrang puno na?
"Kuya sa susunod na lang ako sasakay. Puno na kasi." ngiting sabi ni Raddix.
"Sakay ka! Meron pa 'yan isang puwesto!" sabi ng driver ng jeepney. Tumingin siya sa mga taong nasa loob ng jeepney at sinabiha niya ang mga ito na umayos ng upuan para makasakay na si pogi at makaalis na sila.
"Ayos na tayo! Para makasakay na itong si Pogi. Ang guwapo at kisig nito. Ayaw niyo ba itong makasama sa loob ng jeepney. Para maalis-alis ang stress ninyo sa buhay!" ngising sabi ng jeepney driver.
"Galing mo kuya! Pati ako dinadamay mo pa ako sa kalokohan mo." ngising sabi ni Raddix. Sumakay na siya sa loob ng jeepney. Buti na lang talaga ay umayos ng upo ang mga pasaherong katabi niya. Nakaupo naman siya ng maayos kahit na sobrang sikip at mainit sa loob ng jeepney. Napatingin siya sa mga kapareho niyang pasahero. May mga nakatingin sa kanya. May ibang nakangiting nakatingin sa kanya.
Hindi na bago kay Raddix, ang mga ganun pangyayari. Hindi sa pagmamalaki ay guwapo at makisig siya. Iniingatan niya ang kanyang sarili dahil ito ang puhunan niya sa isa niyang trabaho bilang callboy. Nakarating na siya sa kanyang trabaho. Dumaan siya sa back door ng fast food chain na pinagtratrabahuhan niya. Pumunta agad siya sa locker area nila. Sa pagpasok niya sa loob ay nadatnan niya si Giel, ang isa sa mga katrabaho niya.
"Oh! Pare! Aga mo na naman pumasok. 'Di ba mamaya pa ang duty mo?" takang tanong ni Giel. Isa si Raddix, sa mga nakasundo niya dito sa traabaho nila. Mabait at masipag ito hindi tulad ng mga kasamahan nila na masyadong mayayabang pare-pareho lang naman silang mahihirap at nakatira sa Malawi Compound.
"Hayaan mo para na rin makapagpahinga ako. Hintay ko lang ang oras ko dito sa locker." ngiting sabi ni Raddix.
Laging maaga si Raddix, sa pagpasok sa trabaho niya dahil wala naman siyang ginagawa sa bahay. At para na rin makapagpahinga rin siya madalas ay hinihintay lang niya ang oras sa loob ng locker area. Nagpaalam na sa kanya si Giel, dahil oras na ng duty nito. Samantalang siya ay naghubad na muna siya ng kanyang damit para hindi siya masyadong pagpawisan. Nakasuot lang siya ng isang puting sando at suot na rin niya ang kanyang uniform na isang cream na kulay na pantalon. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at tinignan niya kung meron bang magtext, message o nag missed called sa kanya? Napangisi siya dahil nakatanggap siya ng maraming text mula sa mga taong hindi niya kilala. Iyong mga taong nagtatanong kung magkano ba ang serbisyo niya? Nagtatanong din ang mga ito kung ano ang kaya nitong gawin? Magaling ba siya? Top o bottom o versa ba siya? Hindi siya basta-basta nagrereply sa mga text sa kanya. Namimili lang siya sa mga nakikita niyang potential na magiging customer niya. Minsan naiinis din siya sa mga makukulit na nag-tetext sa kanya. 'Yung iba ay tumatawad pa sa presyong binibigay niya kaya hindi na niya ito nirereplyan. Ang ginagawa niya ay bina-block na niya ito.
"Mr. Arizabal, ang aga mo naman." ngising sabi ni Hector. Ang manager ng pinagtratrabahuhan ni Raddix.
"Sir Hector, kayo po pala. Para mapagpahinga rin po ako." ngiting sabi ni Raddix. Medyo umiiwas siya sa kanyang manager dahil nalaman na kasi nito ang kanyang pagiging callboy.
Isang buwan na ang nakakaraan nang malaman ni Hector, ang pagiging callboy ni Raddix. Isa sa mga empleyado niya sa fast food chain na hinahawakan niya. Kahit may asawa at anak na siya ay hinahanap pa rin niya ang tawag ng laman sa pakikipagtalik sa kapwa niya lalaki. Mahal niya ang kanyang asawa pero hindi niya talaga mapigilan o maiwasan na hanap-hanapin na makipagtalik sa kapwa niyang lalaki. Lihim siyang pumunta sa huling kanto sa Malawi Compound. Marami na kasi siyang nababalitaan na marami raw doon na mga lalaking nagbebenta ng laman. Gamit ang kanyang kotse ay binaybay niya ang daan papunta sa huling kanto ng Malawi Compound kahit na sobrang delikado at nakakatakot. Doon daw nakatira ang mga masasamang tao tulad ng snatcher, magnanakaw, drug addict at iba pang masasamang trabaho. Pero pagdating niya sa huling kanto ng Malawi Compound ay lumiwanag ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nakita. Ang daming mga guwapo at makikisig na lalaking nakakalat sa lugar na iyon. Hindi siya bumaba dahil nahihiya siya na baka may makakilala sa kanya. Nanatili lang siya sa kanyang kotse habang nagmamasid siya sa labas ay meron siyang nakitang familiar na mukha. Isang matangkad, guwapo at makisig na lalaki. Hindi niya akalain na isa pa lang bayaran na lalaki ang isa sa mga staff niya sa fast food chain na pinagtratrabahuhan niya bilang isang manager. Pagkatapos ng gabi na iyon ay kinausap niya si Raddix, tinanong niya kung totoo ba ang nakita niya na roon ito at nag-aabang ng customer. Natuwa siya dahil hindi man ito nagsinunggaling o tumanggi na callboy ito.
"Hanggang ngayon pa ba Raddix, naiilang ka pa rin ba sa akin?" ngising sabi ni Hector. Matagal na niyang napansin na simulang nalaman niyang callboy si Raddix, ay parang iwas ito sa kanya. Sinusubukan niya itong mapalapit sa kanya pero ito ang lumalayo sa kanya.
"Naku Sir Hector, paano mo naman 'yan nasabi?" ngiting sabi ni Raddix.
Hindi lingid sa kaalaman ni Raddix, na gusto siyang i-booking ni Sir Hector. Ok lang sana na hindi niya ito kakilala at katrabaho. Lalo na may asawa at anak ito. Mabait ang asawa nito sa kanya. Magkakilala silang dalawa kaya hindi niya kayang makipagtalik kay Sir Hector. Baka siya pa ang dahilan sa pagkasira ng relasyon ng mag-asawa. Nakita niyang napatingin si Sir Hector, sa labas ng locker room at ngumising tumingin ito sa kanya.
"Matagal ko na sana nais gawin ito ngunit nahihiya ako sa'yo. Pero ngayon ay lalakasan ko ang loob ko para sa sabihin sa'yo na nais kong kunin ang serbisyo mo." ngising sabi ni Hector. Matagal na siyang natatakam kay Raddix, kahit noon pa man na hindi niya alam na callboy ito. Sa tangkad nitong 5'9, sa guwapo at kisig nito ay siguradong mabibighani ang makakakita kay Raddix. Nakita niyang napailing ang guwapong binata sa kanyang sinabi.
"Sir Hector, pasensya na kung tatanggihan ko ang alok ninyo sa akin. Sobrang bait ng asawa ninyo sa akin. Ayokong ako ang maging dahilan sa kasiraan ng maganda ninyong pagsasama ng asawa ninyo." seryosong sabi ni Raddix. Tumalikod na siya kay Sir Hector, upang makapagbihis na siya. Oras na para sa duty niya.
"Hindi malalaman ng asawa ko kung hindi mo sasabihin sa kanya Raddix. Sana ay pagbigyan mo ako sa hiling ko. Magbabayad ako kahit gaano kalaking halaga para lang makuha ko ang serbisyo mo." desperadong sabi ni Hector. Napapalunok siya sa nakikitang matipunong likuran ni Raddix. Hindi niya akalain na 18 years old pa lang ito dahil malaking bulas ito at makisig ang pangangatawan nito. Kumbaga sa madaling salita ay mature ito sa edad nitong 18 years old.
Nagpatuloy lang sa pagbibihis ng uniform si Raddix. Hindi niya pinansin ang sinabi sa kanya ni Sir Hector, hindi niya talaga kaya na makipagtalik ito sa kanya. Guwapo at matipuno si Sir Hector, hindi naman siya masyado nagulat nang malaman niya na silais ito. Marami na rin kasi siyang maging customer na tulad ni Sir Hector. Napiglad na lang siya ng maramdaman niyang hinaplos nito ang likuran nito. Bigla siyang napaharap sa kanyang manager at seryosong tumingin siya kay Sir Hector.
"Sir Hector, wag mong hayaan maalis ang respeto ko sa inyo." seryosong sabi ni Raddix. Kitang-kita niya ang pagkapahiya sa guwapong mukha nito.
"P-pasensya na." nahihiyang sabi ni Hector. Pinanuod niyang nagbihis ang guwapong binata. Kahit sa ganitong paraan ay makita at ma solo niya si Raddix. Hindi na niya mabilang kung ilang besea niya itong pinagj*ckulan.
Tinapos na lang ni Raddix, ang kanyang pagbibihis niya. Pagkatapos ay iniwan na niya si Sir Hector, sa loob ng locker area. Pumunta na siya sa dinning area at pinalitan na niya ang isa niyang katrabaho dahil tapos na ang duty nito.
"Pare, pinuntahan ka yata ulit ni Sir Hector, sa locker?" mahinang tanong ni Giel.
Hindi lingid sa kaalaman ni Giel, na silais ang kanilang manager. Hindi lang siya ang nakakaalam kundi lahat yata ng lalaking staff ay alam nila na silais ito. Dahil bali-balita noong bago pa siya dito sa pinagtratrabahuhan niya ay marami na raw nakatalik na staff na lalaki si Sir Hector. Akala niya ay biruan lang mga katrabaho niya iyon. Ngunit nasaksihan niya sa mismong dalawang mata niya na chinuch*pa ni Sir Hector, si Draven, isa sa mga waiter na katrabaho nila sa locker area. Sobra siyang nagulat at nandiri. Hindi niya akalain na totoo ang chismiss.
"Gag* mo pare ang ingay mo!" ngising sabi ni Raddix. Hindi niya sinagot ang tanong sa kanya ni Giel. Iniwan na niya ito dahil naglinis na lang siya ng mga lamesa at inayos niya ang mga upuan.
Araw-araw ay maraming mga customer na pumupunta dito sa fast food chain na pinagtratrabahuhan ni Raddix. Madalas na pumupunta dito ay mga magkapamilya. Hindi niya maiwasan na maiinggit dahil kumpleto ang mga ito. Hindi tulad niya na wala siyang nanay dahil na rin namatay ito sa pagkapanganak nito sa kanya. Nalaman niya ang impormasyon na iyon dahil sinabi iyon ng kanyang ama. Sobrang nakakapagod magtrabaho bilang waiter o crew sa fast food chain. Lahat yata ng trabaho ay nagawa na niya. Tulad na lang pagluluto ng fries, cashier at waiter ay naranasan niya.
"Pare tawag ka ni Sir Hector." ngising sabi ni Giel. Nakatanggap tuloy siya ng mahinang suntok sa braso galing kay Raddix. Kahit na mas matanda siya kay Raddix, ay mas malaking bulas ito kaysa sa kanyang payat ang katawan sa tangkad nitong 5'7.
"Tangin* pare ano na nanaman kagag*han ito?" ngising sabi ni Raddix. Minsan na kasi siya niloko ni Giel. Sinabihan siya nito na tinatawag siya ni Sir Hector, ngunit paglapit niya sa kanilanh manager ay hindi pala siya pinapatawag.
"Seryoso pare tinatawag ka niya. Ayun nasa cashier siya." ngising sabi ni Giel. Ninguso pa niya ang direksyon ng kanilang manager na seryosong nakatingin sa kinaroroonan nila.
Nakita ni Raddix, na tinatawag nga siya ni Sir Hector. Kaya wala na siyang nagawa kundi puntahan ang kanilang manager. Pumasok siya sa kitchen area at nakarating siya sa kinaroroonan ni Sir Hector, na malapit sa cashier.
"Sir Hector, pinapatawag po raw ninyo ako?" magalang na tanong ni Raddix. Kapag nasa mismong trabaho siya ay gumagamit siyang po at opo.
"Tama ka pinapatawah nga kita. Kailangan ko ng isang cashier ngayon. Masyadong maraming customer ngayon at mahaba na ang pila kailangan ay magbukas tayo ng isang linya. Gamitin mo itong counter na ito para magkaroon pa ng isang cashier." seryosong sabi ni Hector. Kailangan talaga nilang magbukas ng isa pang counter para mapabilis ang pag-order ng mga customer nila. Si Raddix, lang kasi ang may alam sa pagiging cashier bukod kay Draven, na mamaya pa ang duty nito. Natuwa siya dahil nakita niyang tumango ito sa utos niya. Masasabi talaga niyang masipag magtrabaho at walang reklamo sa trabaho si Raddix.
Nagsimula nga ang duty ni Raddix, bilang isang cashier. Papansin niya na para bang hindi siya nauubusan ng customer. Hindi nga niya alam kung ilang oras na siyang nasa harap ng counter para kunin ang order ng mga customer. Napatingin siya sa mga kasamahan niyang cashier, na nakangiting nakatingin sa kanya. Napakunot noo na lang siya dahil napansin niyang iilan lang ang nakapilang customer sa lane ng mga ito. Samantalang siya ay napakahaba ng pila ng lane niya.
"Go! Raddix! Kaya mo 'yan!" ngiting sabi ni Darshell. Isa sa mga cashier na babae at katrabaho ni Raddix.
"Ang guwapo mo kasi kaya 'yan halos lahat ng mga customer natin nasa lane mo." ngiting sabi naman ni Anne, isa rin sa mga cashier.
Napabuntong hininga na lang si Raddix. Wala naman siyang magawa kundi tapusin niya ang duty niya bilang isang cashier. Hindi lang naman ito ang unang beses na nangyari sa kanya ito. Kapag nasa cashier talaga siya ay maraming nakapila sa lane niya kaysa sa mga ibang counter.
"Good job Raddix." ngiting sabi ni Hector.
"Salamat po Sir Hector." ngiting sabi ni Raddix. Tapos na ang dutu niya kanina pero kailangan pa niyang mag overtime ng dalawang oras. Ngayon ay pinapauwi na siya ng kanilang manager. Sobrang pagod siya dahil maghapon siyang nakatayo at kumukuha ng order ng mga customer. Ngayon ay papunta na siya sa locker room para makapagpahinga ng konti at magpapalit siya ng damit. Uuwi na muna siya para makaligo para mabango naman siya mamayang pupunta siya sa huling kanto ng Malawi Compound. Sa pagdating niya sa locker area ay nadatnan niya si Draven, isa sa mga matagal ng nagtratrabaho dito sa fast food chain.
"Uy! Pare kamusta?" ngiting pagbati ni Raddix.
"Ok lang naman pare. Tangin* ikaw yata ang apple of the eye ngayon ni Sir Hector?" ngising sabi ni Draven. Napapansin kasi niya na madalas na mag-usap at laging inuutusan ng kanilang manager si Raddix. Ibig sabihin ay kursonada ni Sir Hector, ang makisig na binata.
"Hindi ko alam 'yang pinagsasabi mo pare." ngiting sabi ni Raddix. Hinubad niya ang kanyang pulang polo uniform niya at natira lang ang isang puting sando. Para siyang napreskuhan sa pag-alis ng uniform niya. Umupo at sumandal muna siya sa pader para makapagpahinga siya.
"Wag mo na itanggi pare. Alam naman namin lahat na ikaw na ang gusto ni Sir Hector. Nagsawa na siguro sa t***d ko ang manager natin? Hahaha!" birong sabi ni Draven. Nagulat na lang siya ng bigla na lang tumayo si Raddix, at masamang tumingin ito sa kanya.
"Wag mo naman bastusin ang tao!" galit na sabi ni Raddix. Ang ayaw niya sa lahat ay ang mga taong walang respeto sa kapwa tao.