Anak Ng Callboy Chapter 35 "Dude ang tagal yata magyosi ni Gunner?" takang tanong ni Zenon. Naubos na nila lahat-lahat ng inorder nitong pagkain hindi pa rin ito bumabalik. "Parang hindi mo kilala ang kaibigan natin?" ngising sabi ni Pierce. Hindi na niya inabala na tignan pa ang kanyanv kaibigan na si Zenon. Abala pa rin siya sa pakikipag-text kay Jamison. Kanina pa siya nag-iinit ang katawan niya dahil sa pinag-uusapan nila ni Jamison. "Tinakasan na naman tayo ng gag*. Wala ka bang napansin sa kanya?" tanong ni Zenon. Napakunot noo si Zenon dahil hindi siya pinapansin ng kanyang kaibigan na si Pierce. Napansin niyang kanina pa ito abala sa cellphone nito. Kilala niya ang kanyang kaibigan na si Pierce kapag may kinalolokohan ito ay abala ito sa cellphone nito. Tulad na lang ngayo

