Anak ng Callboy Chapter 14 "Stress yata ang baby ko?" mapang-akit na sabi ni Ariadne Velasco. Ang matagal na kasintahan ni Gunner. Habang abala si Ariadne, na nagpapa-facial sa sikat na salon sa Chavez Mall sa Bayan ng Prado. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kaibigan na si Faizah Cornejo. Sinabi nito na pinapapunta sila ni Pierce, sa bahay ng mga Chua. Kung saan doon nakatira ang kanyang napakakisig at napakaguwapong kasintahan na si Gunner Chua. High school sweetheart niya si Gunner, at noong pormal siyang niligawan nito ay hindi na siya nagpakipot pa. Sinagot agad niya ito at doon na nagbago ang takbo ng buhay niya. Sobrang mahal na mahal niya ito. Noong malaman ng kanilang pamilya na magkasintahan sila ay sumaya ang mga ito dahil plano pala ng mga ito na ipagkasinundo sila

