Anak 7

3316 Words
Anak Ng Callboy Chapter 7 "Wow Kuya X, may dala kang cake?!" masayang sabi ni Lexus.  Tuwang-tuwa si Lexus, nang makita niya ang kanyang Kuya X, na pumasok sa loob ng bahay nila. Agad niyang nakita ang dala nitong isang familiar na itim na kahon na may kulay green na ribbon. Alam agad niya ang laman nito ng kahon. Minsan na kasi nagdala ang kanyang nakakatandang kapatid nang ganun uri ng kahon. "Oo pero hindi sa atin ito." isang tipid na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Raddix.  Planong lokohin ni Raddix, ang kanyang bunsong kapatid. Kitang-kita niya ang pagkawala ng ngiti at kumikislap nitong mata dahil sa kanyang sinabi. Ibinili siya ng isang buong dark chocolate cake Sir Hector, kanina. Ang kanilang manager kasi ang nagbayad ng inorder niyang cake. Nagpumilit itong bayaran ang inoder niyang cake. Hinayaan na lang niya ito para hindi na humaba ang usapan nila kanina.  "K-kanino 'yan Kuya X?" usisa ni Lexus. Biglang lumungkot ang guwapong mukha ni Lexus, dahil hindi naman pala sa kanila ang cake na dala ng kanyang Kuya X. "Pinabili lang sa akin ito ng kaibigan ko. Mamaya-maya ay kukunin niya ang cake na ito." sabi ni Raddix.  Meron pang naisip na kalokohan si Raddix. Ipinakita pa niya sa kanyang bunsong kapatid ang laman ng box. Gusto niya itong matakam lalo na paborito nito ang chocolate. Noong ibinili siya ni Calum, ng classic dark chocolate cake na inuwi niya rito sa bahay. Para pasalubong kay Lexus, ay tuwang-tuwa ang kanyang bunsong kapatid. Bihira lang naman kasi sila makakain ng cake.  "Ang sarap naman 'yan Kuya X. Hindi nga ako nagkamali na cake ang laman 'yan. Pumunta ka ba ulit doon? Para lang bumili ng cake?" usisa ni Lexus. Ang tinutukoy niyang lugar ay ang Rald's Box Café. Minsan na naikuwento sa kanya ng Kuya X, niya na pumunta ito sa sikat na kapehan sa Bayan ng Prado.  "Sa Rald's Box Café ako pumunta. Isinama lang ako ng aming manager. Nagpatulong lang siya roon. Sa susunod ay mag-iipon ako pera para makabili ulit ako ng cake. Medyo may kamahalan kasi itong cake na ito pero sulit naman 'di ba?" ngiting sabi ni Raddix. Nakita niyang sunod-sunod ang pagtanggo ng kanyang nakakabatang kapatid na si Lexus, sa kanyang katanungan.  "Oo naman Kuya X! Sobrang sarap kaya 'yan! 'Di ba muntikan ko na maubos ang isang cake na katulad ng dala mo ngayon." ngiting sabi ni Lexus. Napalunok na lang ng laway si Lexus, habang nakatingin sa chocolate cake na nasa box. Naalala niya noong nagdala ng cake ang kanyang Kuya X. Sobra siyang nasarapan sa chocolate cake na iyon.  "Sige na Lexus. Ipapasok ko na muna ito sa ref natin. Mamaya-maya ay pupunta na ang kaibigan ko para kunin ang cake na ito." ngiting sabi ni Raddix. Biglang napakunot noo si Lexus, sa sinabi ng kanyang nakakatandang kapatid. Wala naman sila refrigerator sa bahay? Bakit nasabi iyon ng kanyang kuya?  "Kuya X, wala naman tayong refrigerator." kunot noo sabi ni Lexus. Lalo siyang napakunot ng makita niyang biglang tumawa ang kanyang Kuya X.  "Hahaha! Its a prank! Sa atin talaga itong cake na ito. Binili 'yan ng manager namin para sa akin para raw may pasalubong ako sa'yo." ngiting sabi ni Raddix.  Tawa nang tawa si Raddix, dahil sa reaksyon ng kanyang nakakabatang kapatid na si Lexus. Niyakap niya ito ng mahigpit dahil nakita niyang malapit na itong umiyak. Iyakin pa naman ang kanyang bunsong kapatid.  "Sige na kainin mo na itong cake na ito." ngiting sabi ni Raddix.  "T-totoo ba Kuya X, na sa atin itong cake na ito? Baka biglang may pumunta rito at hanapin itong masarap na cake na ito?" pag-aalalang tanong ni Lexus. Nag-aalangan siyang kainin ang cake na nasa harapan niya dahil baka may pumunta rito sa bahay nila at hanapin ang cake. Ang mahal-mahal pa naman daw ng cake na ito.  "Binibiro lang kita kanina. Gusto lang kita lokohin. Paiyak ka na nga eh! Hahaha!" tuksong sabi ni Raddix. Napatingin siya sa loob ng paligid ng bahay nila. Wala na naman yata ang kanilang ama?  "Kuya X, naman! Nakakainis ka! Alam mo bang sobra akonh nadismaya dahil akala ko pasalubong mo sa akin itong cake na ito? Tsaka nagtaka bigla ako dahil sinabi mo. Wala naman tayo refrigerator eh." sabi ni Lexus.  "Kitang-kita ko nga kanina ang pagkanot noo mo kanina. Parang nagdalawang isip ka pa kung meron o wala ba tayong refrigerator! Hahaha! Hay naku Lexus! Nakakatawa ka talaga kanina!" natatawang sabi ni Raddix.  Tinanong ni Raddix, sa kanyang kapatid kung wala ba ang kanilang ama? Kung umuwi ba ito? Dahil nagpaalam ito kaninang umaga na aalis ito. Hindi nga lang nito sinabi sa kanila kung saan ito pupunta?  "Hindi pa siya bumabalik Kuya X. Bumili ako ng ulam at kanin sa tindahan ni Mang Thomas, kaninang tanghali. Ginamit ko ang binigay mong pera sa akin kanina. Meron pa akong sukli." ngiting sabi ni Lexus.  Hindi na hinintay pa ni Lexus, na makabalik ang kanilang ama. Dahil palagi naman itong hindi umuuwi sa bahay. Kung uuwian man ito ay lasing o kaya mainit ang ulo. Tsaka laging sinasabi ng kanyang Kuya X, na wag na wag niyang hihintayin ang kanilang ama. Dahil bihira lang naman itong magbigay ng pera para pambili ng pagkain. Lagi naman siyang binibigyan ng pera ng kanyang nakakatandang kapatid tuwing naiiwan siya sa bahay. Sa edad niyang walong taong gulang ay masasabi niya sa kanyang sarili na kaya niyang alagaan ang kanyang sarili. Alam na niya ang kailangan niyang gawin kapag naiiwan siya sa bahay. Kapag nagtratrabaho ang kanyang Kuya X at wala ang kanilang ama. Lagi siyang naglilinis ng bahay pagkatapos ay makikipaglaro na siya sa mga kalaro niya. Bibili siya ng pagkain kapag nakakaramdam siya ng gutom. Hindi naman siya madamot nagbibigay naman siya ng pagkain sa mga kalaro niya. Minsan ay pinapakain na siya ng mga magulang ng kalaro niya. Pero laging sinasabi ng kanyang Kuya X, na wag siyang aasa o maghihintay na yayayain o papakainin siya ng mga magulang ng kalaro niya. May pera naman siyang pambili ng pagkain.  "Ipunin mo ang mga sukli para kung nagkulang ang perang binibigay ko sa'yo ay may magagamit ka." ngiting sabi ni Raddix.  Natutuwa si Raddix, sa kanyang nakakabatang kapatid. Sa murang edad nito ay alam na nito ang gagawin nito. Maaga pa lang ay tinuturuan na niya ito sa mga gawaing bahay at lagi niya itong sinasabihan kung ano ang dapat nitong gawin kapag naiiwan ito sa bahay. Kapag nagtratrabaho siya ay naiiwan si Lexus. Noon ay hinahabilin niya ito sa mga kapitbahay nila. Pero ngayon ay natuto na si Lexus, kung ano ang dapat nitong gawin kapag naiiwan ito sa bahay. Hindi naman niya maasahan ang kanilang ama dahil palagi itong wala sa bahay nila. Nagpaalam na muna ito sa kanyang nakakabatang kapatid para makaligo na siya dahil kailangan pa niya makipagkita ulit kay Sir Hector. Pumayag na siya sa kagustuhan nito na makuha ang serbisyo niya. Nagpag-usapan nila kanina sa loob ng kotse na magkikita sila sa tapat ng isang convinient store na malapit sa Malawi Compound. Hindi na niya kailangan pang pumunta sa huling kanto ng compound para mag-abang ng customer. Si Sir Hector, na ang magiging customer niya ngayong gabi na ito. Pumasok na siya sa maliit na banyo nila para maligo. Nilinis niyang mabuti ang kanyang katawan dahil masyado siyang pinagpawisan kanina sa kanyang ginawa. Bilib siya sa kanilang manager dahil natiis nitong hindi siya nito sunggaban. Hindi niya maiwasan na mapangisi habang sinasabunan na niya ang kanyang katawan. Kitang-kita niya kanina na sobrang nagpipigil ng sarili si Sir Hector. Ilang beses na niya ginawa iyon sa mga naging customer niya. Balak nga niyang gawin iyon kay Calum. Umaasa siya na tawagan siya nito ulit at kunin ulit nito ang serbisyo niya. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na siya ng banyo. Napangiti siya dahil nakita niya ang kanyang nakakabatang kapatid na si Lexus, na nakakalahati na nito ang chocolate cake. Nakita pa niyang may bahid na chocolate sa gilid ng labi nito.  "Lexus! Tama na 'yan! Maligo ka na at wag mong kalimutan na mag-tooth brush." seryosong sabi ni Raddix. Ayaw lang niyang sumakit ang tiyan ng kanyang nakakabatang kapatid. Masyado na kasi madami ang nakain nitong cake. Gabi na pa naman. Masamang matulog na sobrang busog.  "Ang sarap Kuya X! Sobrang sarap talaga ng cake na ito! Salamat sa cake na ito kuya! Pakisabi na lang sa manager ninyo Kuya X, na salamat sa uulitin!" masayang sabi ni Lexus. Hindi na siya nagpumilit pang kumain dahil sobrang busog na busog na siya kinain niyang chocolate cake. Inayos niya muna ang pinagkainan niya. At ibinalik niya ulit ang cake sa box. "Sasabihin ko mamaya sa kanya na nagpapasalamat ka sa cake na binigay niya. Uminom ka na muna ng tubig bago ka maligo." sabi ni Raddix. Papasok na sana siya sa loob ng kuwarto nila ng biglang magsalita ang kanyang nakakabatang kapatid na ikinatigil niya.  "Magkikita kayo ngayon ng manager ninyo Kuya X? Aalis ka na naman ba ngayon?" takang tanong ni Lexus. Madalas kasi lumalabas ng gabi ang kanyang Kuya X. Kaya minsan ay siya lang ang natutulog sa loob ng kuwarto. Hindi naman siya natatakot dahil wala naman dapat naikatakot. Sanay na rin naman siyang matulog na mag-isa. Gigising na lang siya na nasa tabi na niya ang Kuya X, niya.  "O-ooo susunduin niya ako dahil birthday ng katrabaho ko na nakatira malapit sa compound natin." ngiting sabi ni Raddix.  Sinabihan ni Raddix, ang kanyang kapatid na maligo na para makatulog na ito ng maaga. Sinabihan din niya ito na isara mabuti ang bahay. Pumasok na siya sa loob ng kuwarto. Inalis niya ang kanyang towel na nakatapis sa kanyang beywang. Kitang-kita niya ang ganda ng katawan niya at ang natutulog niyang alaga na kinababaliwan ng kanyang naging customer. Minsan napapatanong siya sa kanyang sarili kung bakit malaki ang kanyang alaga? Pagkatapos niyang magpunas ng katawan ay kumuha na siya ng brief sa isang maliit na damitan nila. Isang puting brief ang napili niyang isuot at kinuha rin niya ang kanyang pantalon na nakasabit sa likod ng pintuan ng kuwarto nila. Hindi pa niya nilalabhan ito dahil naniniwala kasi siya na kapag matagal na hindi nilalabhan ang isang maong na pantalon ay lalo itong tumitibay at hindi mabilis na masira.  "Kuya X, magtatagal ka ba? Wala na naman ako kasamang matulog." malungkot na sabi ni Lexus. Kahit na sanay siyang matulog na mag-isa ay iba pa rin naman na kasama niyang natutulog ang kanyang nakakatandang kapatid.  "Hmm… Hindi ko alam? Hintayin mo na ako umalis bago ka matulog. Tandaan mo ang hinahabilin ko sa'yo ah." ngiting sabi ni Raddix.  Binuksan ulit ni Raddix, ang cabinet nila upang kumuha ng isang plain white t-shirt. Kahit na napakasimple lang ang suot niya ay litaw at lutang na lutang pa rin ang kakisigan at kaguwapuhan nito. Kahit na ano naman isuot nito ay bagay at marunong itong magdala ng damit. Hindi na siya nag-abala pang magpabango dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi na niya kailangan magpabango. Wala naman siyang amoy sa katawan. Ultimong deodorant ay hindi siya naglalagay. Baka kasi umitim ang kanyanv kili-kili dahil na rin wala siya amoy sa kili-kili. Sabon lang talaga ang ginagamit niya para mabango siya lagi. Natapos na siya magbihis. Tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin para tignan ang kanyang sarili kung ayos ba ang kanyang porma. Kinuha niya rin ang kanyang buhok at naglagay siya ng konting wax para lalo siyang maging guwapo. Nagpaalam na siya sa kanyang nakakabatang kapatid na si Lexus.  "Lexus, isara mo mabuti itong bahay natin ah. Baka pagnakawan tayo. Mahirap na. Kung may marinig kang kumakatok tanungin mo muna kung sino iyon. Wag kang basta-basta magbukas ng pintuan ah." seryosong sabi ni Raddix.  Lagi talagang sinasabi ni Raddix, ang mga iyon kay Lexus. Para hindi nito makalimutan. Maghirap na kasi sa panahon ngayon.  "Kuya X, kung may magnanakaw man ay baka umuwi lang itong luhaan. Dahil wala naman nanakawin sa bahay natin." ngiting sabi ni Lexus. Ikinatawa naman ng kanyanv Kuya X, ang kanyang sinabi   "Hahaha! Puro ka kalokohan. Sige na alis na ako ah. Matulog ka na at wag ka na manuod ng telebisyon. Gabi na Lexus." ngising sabi ni Raddix.  Noong umuwi siya galing sa isang booking ay minsan na kasing naabutan ni Raddix, na nanonood pa ang kanyang nakakabatang kapatid ng telebisyon. Hating gabi na iyon nanonood pa si Lexus, sa telebisyon. Pinagsabihan niya ito para hindi ito mapuyat at masanay. Nakita niyang napatango ang kanyang nakakabatang kapatid na si Lexus. Naglakad na siya papalabas sa eskinita kung saan lagi niya ito dinadaanan araw-araw. Araw-araw din na may bumabati at may mga nang-aasar sa kanyang mga tambay.  "Uy! Raddix, tangin* may hahanap ka na naman yata ng customer sa huling kanto sa compound natin?!" ngising sabi ni Meng. Isa sa mga tambay sa eskinitang nilalakaran ni Raddix. Kasama nito ang kanyang mga kabarkadang sila Pat, Tan at Mike. Nag-iinuman na naman sila. Wala na yata silang ginawa kundi mag-inuman at sumugal. Wala silang mahanap na trabaho dahil hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil sa kahirapan ng buhay.  "Ang bata mo pa laspag ka na! Hahaha!" asar na sabi ni Pat. Nakipag-apir pa ito sa kanyanv tropa.  "Magkano ka ba? Chup*in mo kaming apat. Tangin* kakapanalo ko pa lang sugal!" ngising sabi ni Tan.  "Gag* mo pare! Ikaw na lang. Hindi ako pumapatol sa bakla! Ok na ang asawa ko! Hahaha!" natatatawang sabi ni Mike. Kinuha niya ang isang bote ng beer at ininom niya ito.  Napapailing na lang si Raddix, sa kanyang narinig. Sanay na siya sa mga sinasabi sa kanya ng mga tambay sa eskinita nila. Ni minsan ay hindi niya ito pinatulan para na rin walang gulo. Hinahayaan na lang niya ang mga ito. Basta alam niyang nagtratrabaho siya ng legal at hindi illegal na katulad ng mga ibang nakatira sa Malawi Compound. Hindi lingid sa kaalaman niya ay may mga magnanakaw, drug addict, drug pusher at kung anu-ano pang masamang trabaho. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Madadaan na naman niya ang isang parlon na lagi niyang pinupuntahan tuwing gusto niyang magpagupit ng buhok. Doon sa parlon na iyon ay namulat siya sa kamunduhan. Doon kasi siya naunang na ch*pa. Hinding-hindi niya makakalimutan iyon. Naagaw ang pansin niya ng marinig niyang may tumawag sa kanya.  "Hi! Raddix! Kamusta ka na? Hindi ka ba magpapagupit? Mukhang humahaba na ang buhok mo." mapang-akit na sabi ni Brenda. Isa sa nagtratrabaho sa parlon. Kasama niyang nakatambay sa labas ng parlon ay sila Barbie, Dyosa.  Inaabangan talaga nila si Raddix, na dumaan ngayong gabi. Alam naman kasi nila na gabi-gabi ito dumadaan para pumunta sa huling kanto ng Malawi Compound. Ilang beses na rin nila na booking ang makisig na binata na si Raddix.  "Ok naman ako. Gabi-gabi niyo na lang ako kinakamusta girls." ngiting sabi ni Raddix. Huminto na muna siya sa paglalakad para makipag-usap saglit sa mga magagandang dilag na nasa harapan niya.  Ginagamit ngayon ni Raddix, ang kanyang karisma habang nakikipag-usap siya sa tatlong magagandang dilag na nasa harapan niya. Alam naman niyang bakla ang mga ito ngunit tinuturing niya ang mga ito na tunay na babae. Kumbaga isa iyon pagrespeto sa mga ito.  "Beke nemen makaisa kami dyan?" malanding pakiusap na sabi ni Dyosa. Isa itong trans gender. Halos makumpleto na ang kanyang pagiging babae. Kulang na lang ay ang pagpapagawa niya ng p*ki. Medyo may kamahalan kasi iyon. Kaya kailangan na muna niyang mag-ipon. Mukha at katawan ay babaeng-babae na siya. Siya rin ang may ari ng parlon na pinagtratrabahuhan nila Barbie at Brenda. Sa kanilanh tatlo siya ang pinakamaganda at pinaka-sexy.  "Oo nga naman Raddix. Ang tagal na noong huli ka namin natikman. Jusko! Miss ko na makipaglaplapan sa'yo." kinikilig na sabi ni Brenda.  "Chaka ka talaga Brenda! Raddix, baka puwede mo kami pagbigyan. Si Madam Dyosa, ang magbabayad 'di ba madam." ngiting sabi ni Brabie.  Kung si Dyosa, ay malapit na maging ganap na babae. Si Barbie, naman ay kasing edad lang ni Raddix. Kababata niya ito at matagal na niyang crush si Raddix. Nakasuot ito ngayon ng isang fitted na crop top na kulay pink. At nakaipit sa kanyang maiksing buhok ang maraming hair clip na kulay pink din. Suot din niya ang pekpek short na pink. Dahil paborito nitong kulay ay pink. Natural ang puti at kinis nito dahil na rin amerikano ang tatay nito. Samantalang si Brenda, ang masasabing chaka sa tatlo dahil maitim at kulot na patay ang blondie nitong buhok. Aminado naman itong chaka siya ngunit pinagmamalaki niyang malinis siya sa katawan. Kaya napapayag niyang makipaglaplap sila ni Raddix, dahil mabango ang bunganga nito. "Ako na naman taya! Baka gusto niyo rin mag-share-share tayo. Mahal na ang talent fee ni Raddix. Hindi katulad noon na keri pa natin magbayad." masungit na sabi ni Dyosa. Inilabas niya ang kanyang itim na pamaypay at pinaypay niya ang kanyang sarili dahil na rin sobrang init ng panahon ngayon.  "Sorry girls hindi ako puwede ngayon dahil may booking ngayon." ngising sabi ni Raddix. Hinawakan ni Raddix, ang kamay ng kanyang kababata na si Bardon aka Barbie. At hinalikan niya ito na ikinilig naman nito. Naisip nga niya na kung naging lalaki lang talaga si Bardon, ay siguradong maraming magkakagustong mga babae at bakla dahil guwapo ito. Pero ngayong nagladlad na ito ay napakaganda ni Bardon. Bagay na bagay ang pangalang napili niya na Barbie. Napakaamo ng mukha nito at napakinis ng maputi nitong balat. Kahit hindi ito maglagay ng make up ay maganda si Bardon.  "Ay! Bakit siya lang! Dapat ako rin!" sabi ni Dyosa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ng makisig na binata at hinihintay nitong halikan din ni Raddix, ang kamay nito.  Kinuha ni Raddix, ang kamay ni Dyosa, na kasing edad at kababata ng kanyang ama. Imbes na halikan niya ang kamay nito ay dinala na lang niya ito sa kanyanv harapan. At hinayaan niya si Dyosa, na haplusin ang b*rat niya na nasa loob ng suot niyang maong na kupas. "Jusko Raddix! Kumpleto na araw ko!" kilig na sabi ni Dyosa. Hinaplos niya ang harapan ng makisig na binata. Kahit malambot pa ito ay masasabi niyang malaki na ito. Minsan na niya itong nasubo at pumasok sa kanyang butas na puwetan ang malaking b*rat ni Raddix.  "Teka! Teka! Ako rin Papa Raddix!" masaya na kinikilig na pakiusap ni Brenda. Inilahad din ni Brensa ang kamay nito at napapapikit na lang siyang kinikilig kung ano ang gagawin ni Raddix. Naramdaman niyang hinawakan nang makisigna binata ang kamay niya kaya halos himatayin na siya sa sobrang kilig. Iminulat na niya ang kanyang mata at laking dismaya niya dahil biglang nagmano sa kanya si Raddix, na ikinatawa nila Barbie at Dyosa.  "Sige na girls alis na ako! Bye!" ngiting sabi ni Raddix.  "Ginawa mo ko matanda Raddix!" inis na sabi ni Brenda.  "Hahaha! Chaka ka kasi. Kami lang talaga ni Madam Dyosa ang maganda sa Malawi Compound." natatawang sabi ni Barbie. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya sa ginawang paghalik sa kanya ni Raddix.  "I know right!" taas kilay pang sabi ni Dyosa. Tinatanaw niya ang paalis na si Raddix. Bigla siyang nalibugan sa ginawang paghaplos sa harapan ni Raddix.  "Ang sakit ninyo magsalita. Dapat si Madam Dyosa, nagmano si Raddix. Thunder na eh!" sabi ni Brenda. Nakita niyang napatingin ng masama sa kanya ang amo nila.  "Ano sabi mo Brenda? Baka gusto mong bawasan ko ang sweldo mo ngayong buwan." mataray na sabi ni Dyosa.  "Charot lang 'yun Madam Dyosa! Hindi ka naman mabiro. Sa ating tatlo ikaw ang pinakamaganda at sexy." ngiting sabi ni Brenda.  "I know right! Sige na maglinis na kayo sa loob at isasara na natin ang parlor. Para makapagpahinga na rin tayong tatlo." utos ni Dyosa. Nagsipasukan na sila sa loob. Bigla niyang naalala kung paano nila nakuha si Raddix. Bigla tuloy siyang nalibugan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD