Anak Ng Callboy Chapter 30 "Raddix, sino iyong lalaki na iyon?" seryosong tanong ni Jamison. Hindi niya inaasahan na may darating na bisita ang kanyang kinakapatid na si Raddix. "Ah? Si Calum, kaibigan ko," ngiting sabi ni Raddix. Kakaalis lang ni Calum at sa pagpasok niya sa loob ng kuwarto ay sinalubong agad siya ng kanyang Kuya Jamison. Nakaramdam siya ng kaba dahil seryosong nakatingin ito sa kanya. "Wag mo ko lokohin Raddix," seryosong sabi ni Jamison. "C-customer ko siya," sagot ni Raddix. Napayuko na lang siya dahil ayaw niyang makita na magalit ang kanyang Kuya Jamison. "Ano ang sinasabi ko sa'yo lagi? Wag na wag mong kakalimutan iyon Raddix," pagpapaalalang sabi ni Jamison. Ayaw lang mapahamak ang kanyang kinakapatid na si Raddix. Noon pa man ay sinasabihan na niya ito

