Anak ng Callboy Chapter 23 "Mr. Chua!" "Mr. Chua!" "Mr. Gunner Chua!" malakas at madiin na sigaw ni Prof. Hayes Dacau. Napapailing na lang si Hayes, na nakatingin kay Gunner. Isa sa mga estudyante niya sa Literature na hinahawakan niyang subject. Anim na taon na rin aiyang nagtratrabaho sa West View University sa Bayan ng Isidro bilang isang guro. Taba pa lang ay pangarap na niyang maging guro. Kaya nagsumikap siyang mag-aral para makapagtapos ng pag-aaral. Ito ang ikalawanv university na pinasukan niya. Masasabi niyang maganda ang environment. Malaki ang pasahod. Okey naman ang mga katrabaho niya. Stress lang siya sa mga mayayaman at spoiled brat na estudyante. Tulad na lang kay Mr. Gunner Chua, isa sa maimpluwensyang at isa sa mga mayamang estudyante sa West View University. Grad

