Anak Ng Callboy Chapter 40 _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ "Ang sarap ng cheesecake na ito!" masayang sabi ni Raddix. Napatakip na lang siya ng kanyang bibig dahil napalakas ang kanyang pagsasalita. Ngayon lang kasi siya nakatikim ng cheesecake. Naririnig lang niya ito sa ibang tao. Masarap na maasim daw ang cheesecake. Ibang-iba siya sa lasa ng orginaryong cake. Napaisip siya siguro dahil mahal ito dahil sobrang sarap nito. "Its ok Raddix. Wag mo silang pansinin. Ipagpatuloy mo lang ang pagkain mo," ngiting sabi ni Gunner. Natutuwa si Gunner na nakatingin kay Raddix. Para itong batang ngayon lang nakakain ng cake? Sobrang naaliw siya sa pagnamnam nito ng cake na kinakain niya ngayon. Kanina ay sabay silang nagpun

