Anak Ng Callboy Chapter 54 "Punyeta!" galit na sigaw na sabi ni Jagger. Galit na galit si Jagger. Kagabi pa mainit ang kanyang ulo dahil hindi siya pinuntahan ni Raddix sa bahay niya. Ilang oras siyang nanghintay sa loob ng bahay niya hanggang umabot siya ng pagsikat ng araw. Walang Raddix na kumatok sa kanyang pintuan. Walang Raddix na dumating sa kanyang bahay. Ni anino ni Raddix ay hindi niya nasilayan. Para siyang tangang naghintay sa wala. At malalaman niya ngayon umaga na may kasama pala si Raddix kagabi. Kararating lang niya sa warehouse kung saan nandito ang headquarters ng Black Tiger Gang. Ibinalita sa kanya ng kanyang kaibigan na si Benz na nakita nito si Raddix na bihis na bihis at sumakay daw ito sa isang mamahaling na itim na kotse. Kaya naman lalong uminit ang kanyang u

