Anak Ng Callboy Chapter 48 "Raddix, totoo ba ang chismiss na kumakalat ngayon?" usisang tanong ni Jamison. Kararating lang ni Jamison dito sa bahay ng kanyang Kuya Eduardo. Bumisita siya rito dahil wala naman siyang booking ngayong araw na ito. Ang tinutukoy niya ang kumakalat na chismiss sa Malawi Compound. May nakapagsabi sa kanya na kinuha raw ni Jagger ang gang leader ng Black Tiger Gang ang serbisyo ni Raddix? Ayaw niyang maniwala dahil hindi pa niya nakukumpirma ito sa kanyang kinakapatid na si Raddix. Isa rin ito sa rason niya kung bakit gusto niyang pumunta sa bahay ng Kuya Eduardo niya. "Huh? Anong chismiss? Hindi pa kasi ako nakakalabas ng bahay Kuya Jamison. Day off ko ngayong araw na ito," kunot na sabi ni Raddix. Medyo nagulat si Raddix sa tanong sa kanya ng kanyang K

