Anak ng Callboy Chapter 20 "Raddix, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala dyan" kunot noo tanong ni Jamison. Kakauwi lang ni Jamison, galing sa dalawang araw na booking. Isang especial na tao ang kumuha sa kanyang serbisyo. Malaki-laki rin ang nakuha niyang bayad. Sinigurado talaga niyang masisiyahan ang kanyang customer. Ngayon araw na ito ay magpapahinga siya sa hospital ng St. Claire. Sobra siyang napagod pero sulit naman ang pagod niya. Nadatnan nga niya si Raddix, na kanina pa nakatulala sa may bintana. "Oh? Wala Kuya Jamison, ayos lang ako. Siguro ay puyat lang ako kaya napapatulala ako. Hahaha!" birong sabi ni Raddix. Dinaan na lang ni Raddix, sa biro ang tanong sa kanya ng kanyang Kuya Jamison. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Tatlong araw na rin ang n

