Anak Ng Callboy Chapter 59 "Raddix, bat ngayon ka lang nakauwi? Akala ko ba uuwi ka na kanina?" seryosong tanong ni Jamison. Kanina pa hinihintay ni Jamison ang kanyang kinakapatid na si Raddix. Hindi siya mapakali hangga't hindi nakakauwi ng maayos si Raddix sa bahay. Kanina pa niyang umagang tinatawagan at ilang beses na rin niya itong pinadalhan ng text message. Ngunit wala man siyang natanggap na sagot mula kay Raddix. At ng tatawagan niya ulit ito ay nakapatay na ang cellphone nito kaya naman hindi niya maiwasan na mag-alala lalo kay Raddix. Sobrang nagulat at kinabahan si Jamison ng makatanggap siya ng text mula sa kanyang kinakapatid na si Raddix kaninang umaga. Nagtaka at nagulat siya nang mabasa niya sa text na pinadala sa kanya ni Raddix na kakausapin daw ito ni Jagger?

