Anak Ng Callboy Chapter 37 "Gunner, puwede ba tayo mag-usap?" seryosong tanong ni Henry. Kanina pa niya hinihintay ang kanyang nag-iisang anak na si Gunner. May gusto lang siyang linawin tungkol sa gang na hinahawakan ng kanyang anak. "Ano iyon?" kunot noo tanong ni Gunner. Kakauwi lang ni Gunner sa bahay nila. Galing siya sa bayan ng Prado sa condo unit niya sa Chavez Tower. Paakyat na sana siya sa hagdanan ng bahay nila papunta sa kuwarto niya para magpahinga. Dalawang araw din siyang nanatili sa kanyang condo unit. Dalawang araw siyang hindi pumasok sa klase niya. Dalawang araw niyang ipinamahala sa kanyang dalawang kaibigan na sila Zenon at Pierce ang Blue Flynns Gang. Alam naman niyang kayang-kaya ng dalawang kaibigan niya ang hawakan ang gang nila. Nagre-report naman sa kanya

