Ram “Anak ka ng tatay mo, pwede ba pumirmi ka kahit saglit? Animal na ’to.” pailing iling na ipinagpatuloy ng kinginang sexually transmitted disease laden na si Liam Ryelle Sy ang panunuod ng NBA sa loob ng kwarto ko. Tingnan mo? Araw ng kasal ko mas inaatupag pa niya ang panunuod ng laban ng Miami Heat at San Antonio Spurs imbis na tulungan akong kumalma dito. Maling mali talaga ’ko na siya ang pinayagan kong maging bestman ng kasal ko. Walang silbi! Walang kwentang kaibigan! Walang kwentang nilalang! I blew out an exasperated breath and continued pacing around my room. Ilang beses akong tumingin sa salamin upang tingnan kung nasa ayos ang buhok ko o ang bow ng tuxedo na suot ko. All’s in its place. Maayos ang lahat. But I just couldn’t seem to relax! Heck! It was my wedding day! Ni hi

