NAPATAYO SA KINAUUPUAN ang nagtutulog-tulogan na si Ethan. May hihilingin ito kay Noah kaya hindi pa natutulog. Gusto niyang sumama sa year end Asian tour ng pribadong akademya na kaniyang pinapasukan. Subalit sa Japan iyon. Alam niyang dahil sa nangyari sa kanilang pamilya noong bata pa siya sa Osaka, malabong payagan siya ng kaniyang ama. Nangako naman si Josie na tutulongan siyang magpaalam sa ama at sasamahan ito sa Japan sa ekspedition nito. “May kapatid na ako, Mama?” Biglang balikwas nito. Napatili si Ethan sa sobrang tuwa. Nagpatalon-talon pa ito at makailang ulit na sumigaw ng ‘Yes! Yes!’ dinaig pa nito ang ama na tahimik lamang sa harapan ni Josie. “Sa wakas kuya na ako!” hiyaw pa nito. Kapagdaka’y niyakap ng mahigpit ang ina-inahan. Matapos hinalikan agad ang imp

