NAWALAN NG MALAY-TAO si Josie matapos sambitin iyon. Isinugod agad ni Noah sa ospital ang asawa. Sumunod naman ang buong miyembro ng Red Phoenix sa kanila. Nagtagal pa sila ng ilang araw sa Florida dahil kailangan ni Josie na manatili sa ospital ng ilang araw. Nailigtas ng mga tauhan ni Noah sina Cherry at Wade. Pinahatid naman agad ni Noah ang magkapatid sa New York kina Ramiro at Zion. Tiyak na magkakatrauma ang dalawa dahil sa nangyari. Makailang ulit ng tumatawag si Cherry kay Josie subalit hindi ito sumasagot. Sinubukan niyang mag-online baka sakaling naroon ang kaibigan sa Ominous Solstice. Ngunit nabigo rin siya. Hindi nakatiis si Cherry pinuntahan nito ang kaibigan sa bahay ni Noah. Subalit wala roon ang kaibigan. Isang babaeng ‘di kilala ni Cherry ang nakita niya roon na may k

