Iyong ngiti ko biglang nawala ng sagutin ni Sly ang tanong ko. Bat ka ba kasi nagtatanong ng ganun Monique?! Oh ayan tuloy! Mag eemote ka nanaman! Masasaktan ka nanaman! Hanggang kailan mo ba gustong durugin iyang puso mo? "Hanggat kaya ko. Kakayanin ko." "Anong sinasabi mo?" tanong ni Sly sakin. Nagulat naman ng magsalita si Sly. Puso ko nga hindi ko magawang kontrolin, bibig ko pa? "Ha? Eh hehe! Wala! Kinakausap ko lang iyong hangin.Medyo masakit na kasi sa balat iyong sikat ng araw kaya kinakausap ko iyong hangin na laksan niya naman ang powers niya!" weirdo kong sagot. Hindi ko alam kung saan ko napulot iyong korning pasulot ko. Waaah! Nakakainis naman! Bat ba pag ganitong kasama mo iyong taong gusto mo, Nawawala ka sa sarili mo? Tumayo ako at niyaya ko si Sly na pumasok na kami

