Kinabukasan, Naalimpungatan si Monique na maramdaman niyang may taong nakamasid sakanya.Ayaw niyang imulat ang mga mata niya.Isa lang naman ang taong alam niya nandidito eh.Naramdaman niya na gumalaw ang kama niya at may taong humiga sa tabi niya.Alam niya na agad ang pabangong naaamoy niya.Nakatalikod pa naman siya kaya maya maya naramdaman ni Monique na niyakap siya nito sa likuran.
Hinihintay nalang ni Monique ang sasabihin nito.
“Wake up Princess.” Malambing nitong sabi habang nakayakap sakanya.Napangiti naman si Monique.Humarap siya rito sa pagkakahiga niya.
“Goodmorning.” Bungad nito sakanya.Ang ganda ng gising niya. Paano ba naman si Sly agad nakita niya.hahaha Para talaga kaming mag asawa noh?
“G-oodmorning too.”Inaantok kong sabi. “Ang aga mo ah.Bat ka nandito? May trabaho ka pa diba?.”Saka bumangon ako at napasandal sa headboard ng kama ko.
“Pinagbabawalan mo na ba ako pumunta rito Monique?.”Nakasimangot na sabi ni sly.
“Hindi noh.” Ang laki ring adik ng lalaking to eh. Mas gusto ko nga araw araw ko siya nakikita eh. Kung ganito ba naman kagwapo ang bungad ng araw mo, gaganahan ka talagang bumangod agad at baka maipagtimpla mo pa ito ng kape.
“Mamaya na ako papasok.Sinabi ko naman sa secretary ko na baka mali-late ako.Lunch tayo sa hotel later.”Nakangiti nitong sabi. Hindi ko naman kasi mahindian ang isang to eh panigurado magwawala to pag hindi ako pumayag.
“Are you inviting me for lunch?”
“Ayaw mo?”
“No it’s not. Naninibago lang ako sayo.hahaha. Anong meron?” tanong ko sakanya at bumangon na ako sa kama ko.
Habang nag iinat ako hindi ko na narinig sumagot si Sly.Nang lingunin ko siya nakatingin na rin pala siya sakin.Parang doon ko rin napansin kong saan siya nakatingin,kundi sa buong katawan ko ,napansin ko pang gumalaw iyong adam’s apple niya na parang nilulunok iyong laway niya. Tiningnan ko sarili ko.
Nakasuot lang pala ako ng maikling shorts at nakaputing sando lang ako na fit sa katawan ko.Hindi na ako magtataka sa sarili ko na ang sexy ko nga pala talaga.
“Oh.I’m s-orry.”sabi ko nalang at agad ako lumapit sa pinagsampayan ko ng aking roba.Alam kong sa mga sandaling iyon nakatingin siya sakin habang sinusuot ko ang roba ko.Ganito talaga iyong outfit ko pag hindi ko binubuksan iyong aircon sa kwarto ko.Mas prefer ko kasi na nakabukas iyong mga bintana at pintuan doon sa terrace.Mas gusto ko kasi ang sariwang hangin na pumapasok sa kwarto ko.
“Sly?”pukaw ko sakanya.
Doon naman na parang siyang natauhan.
“Y-es?”
“Tara? Let’s have breakfast downstairs.Baka maabutan natin si Daddy na kumakain sa baba.” Sabi ko naman.Ayoko na kasi magtagal dito sa kwarto. Ewan ko ba ang bilis bilis kasi ng pintig ng puso ko.
“Ah oo sige.”Tumayo naman si Sly.Nasa likod ko na siya. Akmang hahawakan ko na sana iyong door knob ko na biglang hawakan ni sly iyong magkabilang balikat ko.
“You’re so beautiful Monique.” Bulong niya sa tenga ko.
Hindi nalang ako nagpahalata na sasabog na iyong puso ko sa sobrang kaba.
“Hahahahaha alam ko naman na matagal ka ng nagagandahan sakin eh.”Sabi ko. s**t! Plastic ba iyong tawa ko?
Saka dali dali kong binuksan iyong pintuan ko sa kwarto ko. Lumabas naman ako at sumunod naman si Sly sakin.Para tuloy akong pinagpawisan kanina eh.
Agad naman siyang binati ng kanilang mga katulong na makita siya. Nginitian niya lang ang mga ito.Nakita niya rin agad ang Daddy nito na mag-isa na kumakain ng breakfast.Akmang hihigopin na nito ang iinumin na kape na bigla siya makita ni Don Ricard.
“Oh gising na pala ang aking anak.Sabayan mo ako Monique.”
“Goodmorning dad.”bati niya rito na makalapit sa daddy niya at hinalikan niya ito sa pisngi.
“Goodmorning Tito ric.”Bati naman ni Sly sa ama ni Monique.
“Oh Goodmorning Patrick.Kanina ka pa dumating?” Tanong nito sakanya. Nakita naman ni Sly na naupo na si Monique sa pwesto nito.
“A while ago Tito Ric. I just came here to wake up Monique and i also invited her to take lunch with me later at Buenavista Royal Hotel.”Ito ang hotel na pag mamay-ari na ngayon ni Sly. Nailipat na kasi ng Daddy nito ang pangalan niya sa Hotel.
“Oh I see.did you already accept the invitation iha?”
“Unless he will sit beside me and join us in breakfast dad.”Nakangiting sabi ni Monique habang nilalagyan niya ang kanyang plato ng bacon and egg.
“Have a seat Patrick. Bat nakatayo ka lang diyan.”Natatawang sabi ni Don Ricard.Napakamot naman si Sly at naupo sa tabi ni Monique.Nilagyan rin siya ni Monique ng pagkain sa plato niya.
“Don’t you two have any plans yet to get married?” Tanong ng daddy niya.Sabay naman sila naubo ni Patrick sa tinanong nito. Sila ba dalawa ang tinutukoy ng Daddy niya?
“Ah D-ad. Sino ho ang tinutukoy mo?” tanong naman ni Monique.
“Kayong dalawa.Aba ang tagal niyo na hindi pa ba kayo magpapakasal? Baka hindi niyo na ako mabigyan ng apo niyan.” Seryoso ba tong daddy niya? Hindi naman kasi sila ni Sly eh! Mag kaibigan lang silang dalawa! Bestfriends silang dalawa at magkababata!
Magsasalita sana siya para sabihin sa daddy niya na Hindi sila mag jowa ni Sly dahil kailan man walang sparks ang namagitan sa kanilang dalawa pero hinawakan ni Sly ang kamay niya at nagsalita ito.
“Don’t worry Tito.You’ll be a Grandfather soon.”
Huh? Pinandilatan ko nga ng mata si sly! Hindi sana niya sinabi iyon! Paano nalang pag umasa ang daddy niya? Nagkakamali lang ang daddy niya sa pag intindi kung anong meron sakanila ni sly.
Sly naman kasi! Pinapahamak ako ngayon eh!
“Great. I will look forward to that.” Sabi ng Daddy niya at tinapos na nito ang kinakaing mansanas.
Sabi ko na nga ba! Sabi ko na nga! Sly naman kasi eh!
Tumayo naman ang Daddy niya at nagpaalam dahil papasok na ito sa opisina. Hinalikan naman siya nito sa ulo niya.
Nang makaalis na ang daddy niya bigla naman pinaghahampas ni Monique si sly.
“Kyaaaaaaaaaaaaah! Hindi mo talaga alam kung anong pinagsasabi mo sa harap ni Daddy! Gong gong ka talaga Sly!” sabi ko habang hinahampas siya. Nakakainis kasi.
“HAHAHAHAHA a-ray! Oy! Ah! A-no ba HAHAHAH Ano ba Monique. T-ama na! Oy!” natatawang sabi ni Sly.
“May sira talaga iyang ulo mo ipa welding mo nga iyan! Nakakainis ka!” inis kong sabi. Kasi naman itong si Sly eh! Kung anu-ano ang isinasagot!
“Hahaha sorry na nga.joke ko lang iyon.” at kinurot pa nito ang pisngi niya.
“Oy! A-no ba masakit iyon ah!” sabi ko habang inaalis ko iyong kamay niya.Huminto naman siya. Sinipa ko sa tuhod eh, akala niya ha!
Pagkatapos namin kumain dalawa.pumunta na ako ulit ng kwarto para maligo.Nang matapos na ako maligo at makapagbihis bumaba na ako mula sa kwarto ko.Lumabas ako sa main door ng bahay at ipinarada agad ni Sly ang kotse niya sa harap ko at sumakay na ako.
Nakarating naman agad kami sa Buenavista Royal Hotel.Nang makapasok sa hotel agad kami binati ng mga empleyado ni Sly sa hotel.Kilala na kasi ako ng ibang empleyado niya dahil nga halos araw araw kami magkasama nitong si sly.
“Sa office ako didiretso. You’ll stay there until my meeting ends.May gusto kasi mag invest ng project dito sa hotel kaya titingnan ko kung pasado baka kasi it won’t work out sa mga guest.”
Tumango lang ako.Nakarating naman kami sa opisina niya. Nasa fifth floor and Private floor ito dahil nga nandito ang suite at opisina niya at isa pa hindi ka rin basta basta makakapasok dahil bawat pinto ng floor na ito naka door code.
Nasa kalagitnaan ng meeting si Sly na tumunog ang cellphone niya. Nakalimutan niya nga pala ito i-silent kanina. Napatingin naman siya kay Mr.Guerrero.
“May I take this call?” paalam niya kay Mr. Guerrero.
“I bet it’s important Mr. Buenavista. Please take the call.” Nakangiti nitong sabi.Tumayo naman siya at lumabas ng conference room.
Tiningnan niya ang caller. Si Elina ang tumatawag!
Nakaramdam naman siya ng tuwa na mabasa nito ang pangalan ni Elina.Agad naman niya ito sinagot.
“Hello Patrick!” tuwang tuwa nitong sabi sa kabilang linya.She finds Elina a jolly girl! Napangiti naman siya na marinig ang boses nito. He didn’t expect Elina would call her first.
“Hi Elina. I’m glad you called.”
“Sorry did I disturb you right now?”
“Ang totoo i have a meeting right now but I must take your call first.”
“Oh my bad! I’m really sorry Patrick. Sinubukan ko lang kasi na ikaw talaga iyong superman eh.” Napahagikgik naman ito sa kabilang linya.
Natawa naman siya sa Superman na iyon!
“Hahaha it’s okay, where are you?”
“G-od! Tarantadong sasakyan iyon ah! Ay Hello? Sorry ha.May mamang nag overtake kasi. Akala niya siguro nakikipagkarera ako sakanya.”
“Hahaha nakakatuwa ka talaga. Saan ka ngayon?”
“I’m on my way at my friend’s house. It’s Ciara.Buntis kasi. Naglilihi. Dalhan ko raw siya ng minatamis.bakit?”
“Can I ask you out for lunch? Tamang tama. Ipapakilala ko sayo si Monique. It’s my bestfriend. We will be having our lunch together later.”
“Ha? Eh nakakahiya naman sa bestfriend mo. Lunch niyo pala iyan together eh. Ikaw talaga isisingit mo pa ako.hahaha.”
“No it’s okay.kaya nga ipapakilala kita.I’m sure matutuwa iyon.Pumapayag ka na.?”
“Hmmmm.”
“I will not take no for an answer.” Sabi naman ni Sly kay Elina.
“Okay yes nalang! Hahaha.kulit mo ha. Dadaanan ko muna friend ko saka ako pupunta diyan. Text mo nalang sakin ang address.”
“Sure. I’ll text it after this.”
“Sige babye muna!”
“Hey! Mag ingat ka sa pagda-drive!”
“I will. Thank you Patrick. I’ll hang up first.” at inend call na nga nito ang tawag.Napangiti naman si Sly. Sobrang gaan ng pakiramdam niya pag nakakausap niya si Elina, There’s really something about her. Agad naman tinext ni Sly ang address ng hotel at saka pumasok na ulit sa conference room.
Naiinip si Monique ng mga sandaling iyon.ang tagal kasi matapos ng meeting ni Sly. Katatapos lang niya maglaro ng poker sa laptop ni Sly.
Napagpasyahan niya nalang muna lumabas sa opisina ni Sly at tinungo ang elevator.Maglilibot muna siya sa buong hotel.Tatawag naman iyon si Sly sa kanya kung nasaan siya.
Habang naglalakad siya ay may bumangga sakanya.
“Hey tumingin ka naman sa dinadaanan mo.” Inis kong sabi.
Pinulot naman ng babae iyong bag ko.Nabitiwan ko kasi ito.
“P-asensya na miss. Hinahanap ko kasi iyong cellphone ko sa bag.Pasensya na talaga.” Tapos tumingin siya sakin.
Natigilan naman ako. She looks so familiar. Parang nakita ko na siya somewhere pero hindi ko matandaan kong saan.
“Miss?” tawag nito sakin.Napatingin naman ako sakanya.
“Ah it’s okay, Next time be careful baka kasi mamaya iyong nakabangga mo pala ubod ng sungit.” Sabi ko nalang at ngumiti sakanya. Inabot niya naman iyong bag ko at kinuha iyon.
“I’m so sorry. I’m looking for someone kasi.”
“Sino bang hinahanap mo?” tanong ko.
“I’m looking for Sl—“
“Monique!!” napalingon naman ako sa tumawag sakin.
“Oy Sly!” kaway ko sakanya.
“I’m looking everywhere for you.I tried calling you and you left your phone in my office.”Sabi ni sly sabay abot ng cellphone ko.
“Sorry naman.” Monique said smiling at Sly. Inakbayan naman siya ni Sly. Hindi pa nito napapansin na andiyan na pala si Elina.
“Sly?” tawag ni elina kay Sly.Napansin naman agad nito.
“E-lina? Oh I’m sorry. Hindi kita napansin. Kararating mo lang ba?” tanong nito sakanya.Tumango naman si Elina sakanya.
“Is she your girlfriend? She is such a lovely woman.” Papuri naman ni Elina saka nginitian si Monique.
“Hahaha Monique is my bestfriend Elina. Siya iyong sinasabi ko lately over the phone.“ sabi naman ni Sly. Sa sagot ni Sly parang may kung anong sakit na naramdaman si Monique na ngayon niya lang naramdaman,Para bang nasaktan siya pero totoo naman na bestfriend lang siya.Pilit siyang ngumiti kay Elina.
“I invited Elina for lunch Monique. Is it okay with you.?” Tanong ni sly sakanya.
“Ah oo naman.okay lang sakin.” Sagot ko.
“Good. Let’s go to the resto now. Shall we Elina?” tawag pansin naman ni Sly rito. Tumango lang si Elina.
Akala ko pa naman lunch date namin dalawa to ni Sly bakit inimbitahan niya pa si Elina? Now I remember kung saan ko siya nakita. Ito iyong tinulungan ni Sly na babae dun sa Mall. Close na pala sila ngayon? Sly didn’t mention about this to me.
Bakit si Elina lang ang tinanong niya na pupunta na ng resto? Hangin lang ba ako dito?
Papasok naman kami tatlo sa resto ng hotel. Umupo na ako kasi sinapian na ako ng katamaran. Napansin ko naman na pinaghila pa ni Sly si Elina ng upuan.
“What do you like for lunch Elina?.” Tanong ni Sly kay Elina habang busy silang dalawa tumitingin sa menu.
So si Elina nalang ang itinatanongi? Ano ba ako dito? Nakakabanas na ah!
“I’m craving for a salad and also a fresh mango shake.Pinakain na kasi ako ni Ciara sa bahay nila kaya medyo busog pa ako.”
“Ikaw monique?” tanong ni sly sakin. Mabuti naman napansin na ako ng isang to!
“Kahit ano.” Walang gana kong sabi.
“Walang kahit ano dito monique.”
“The usual please.” Sabi ko nalang sa waiter ng matahimik na tong si sly. Kainis talaga!
Nilista naman ng waiter iyong order ko. Carbonara at Pineapple juice. Alam naman nila kung ano ang lagi kong inoorder rito pag pinupuntahan ko si Sly sa office niya.
“Sly. I thought Monique is your girlfriend. Ang sweet niyo kasi kanina.” Parang kinikilig pang sabi ni Elina.
Sweet naman talaga kami ni Sly.Matagal na.
“Everybody thought she really is but it’s not.Ganito talaga kami ni Monique sa isa’t isa. We are very comfortable in each other. “saka ngumiti naman si sly. Nginitian ko nga rin siya.
“Sabi rin nila MARRIAGE CONTRACT nalang iyong kulang samin, right Sly?” saka tumingin ako kay Sly.Diniin ko talaga iyong word na MARRIAGE CONTRACT. Sa isip ko naka capslock pa iyon.
“Oh really? How cute naman.” Sabi pa ni Elina.
“Hahahah yes iyon sabi ng mga barkada namin.”Sagot naman ni sly.
“How long you’ve been together?” tanong naman ni elina sakin.
“Teka ha bibilangin ko.” Nagbilang naman ako sa daliri ko. Natawa naman si Sly sa inakto ko.Problema nito? Anong nakakatawa? Bakit ba ang badtrip ko ngayon? Problema ko?
“18 years.” sabi ko na matapos ko na ang pagbibilang.
“Oh! Ang tagal niyo na pala magkakakilala.Hindi lang man kayo nadevelop sa isa’t isa?” Ang daming tanong ng babaeng to ah! Dinaig pa reporter at nbi.
Hoy Sly! Sagutin mo nga tanong ng babaeng yan. tss
“Hmmm.Nasa sa akin na siguro iyon.” Sagot naman ni Sly.
Ako naman hindi ko na sinagot tanong ng babaeng to. Hindi matigil tigil eh.
“Alam mo Monique sobrang bait ni Superman.”
“Superman?” Alam ko naman na mabait si superman dahil siya ang tumutulong sa mga nangangailangan at nakipagbakbakan sa mga masasamang tao.
“Oo i am referring to Patrick.” Turo ni Elina kay Sly.
“Bakit naman?”
“Birthday ko kasi kahapon. Nagkita kami sa convenience store accidentally. I was alone but he made my day so memorable.” at tumingin naman si Elina kay Sly. Pa ngiti ngiti naman si Sly.
Nag mmk na ang babaeng to sa buhay niya eh pero sige lang patuloy niya lang.Nakikinig naman ako.
“Then ewan ko ba pero nag effort ang isang iyan kahit kakilala pa lang namin. He really surprised me kasi tumakbo ba naman palabas ng store then when he came back. He brought me some cake and balloons.”
Pinagseselos ba ako ng isang to?
“Alam naman kasi nitong si Monique na ayaw na ayaw ko na may nakikitang babae na nalulungkot.”sabi pa ni Sly.
“Kaya ang dami dami mong babae eh!” ewan ko ba.Hindi ko na napigilan mainis.
“Hindi naman ah!”
“Sinong pinagloloko mo?” pagtataray ko kay Sly. Sige subukan mo ako ngayon. Badtrip pa naman ako.
“Uy kayong dalawa tigilan niyo na iyan. Andito na food natin.” Nakangiting sabi ni Elina.
Natahimik naman kami dalawa ni Sly.Umayos naman kami dalawa. Nakakahiya pa rin sa harap nitong si Elina. Panay kasi ang ngiti nitong babae eh.
Nagsimula naman kami kumain ng tahimik.
“Elina.wag mo sana masasamain iyong tanong ko. Do you have a boyfriend?” tanong ni Sly kay Elina.Napatigil naman sa pagsubo si Elina sa salad nito.
Napaubo naman ako.Umiinom naman ako ng juice nun. Grabe naman kasi tong si sSy eh! Walang patawad,Pati ba naman ditto at sa harapan ko pa nagtatanong.
“A-re you okay Monique?” tanong ni Elina. Inabot niya naman sakin iyong tissue.
Binalingan naman ni Elina si Sly.
“I’m already single Patrick, May naging boyfriend naman ako but it was 2years ago.Hindi kami nagtagal nun eh. He dumped me. Dapat ako nga nakipagbreak sakanya dahil he is such a jerk and a playboy. Bastos talaga ang lalaking iyon.” Sabi pa ni Elina.ang hilig talaga nito mag kwento sa buhay.
“What is his name?”
“hmm His name is Jester.”
Napatigil naman si Sly.
“Jester?”
“Yes. Jester Hernandez.”
Naubo naman kami dalawa ni Sly. Si Jester iyon eh! Katropa ni Sly.
“Hey! Are you two okay?”Nag aalalang tanong ni Elina samin ni Sly.
Nag hand gesture naman ako na okay-lang-ako tska ininom ko juice ko.Ganun din si Sly.
Maya maya natapos na din kami tatlo mag lunch.Nagkwentuhan lang kami tatlo.Nalaman ko na only daughter lang si Elina at sobrang lungkot pala ang buhay ng babaeng to dahil walang time pareho ang parents nito sakanya.
Napatingin naman si elina sa wristwatch niya.”Ah guys. I think I have to go.” Sabi ni Elina.
“Why so sudden?” tanong naman ni Sly.
“Eh kasi..I h-ave to drink my medicines.”Nakangiti nitong sabi.
“Are you sick?” tanong ko naman kay Elina.
“H-indi naman Monique.parang vitamins lang pero kailangan kasi. I forgot to bring it.Sorry Patrick.”Paumanhin nito.
“No it’s okay.Sasamahan ka na namin ni Monique sa labas.” Suggest naman ni Sly. Tumango nalang ako.
Gaya nga ng sinabi ni Sly.Hinatid nga namin si Elina palabas sa hotel.
“Than you for the lunch Monique and Patrick.I have really a good time on you guys.” Pasasalamat ni Elina.
“Don’t bother.it’s our pleasure.” Sabi ko naman
“I guess I have to go.”Paalam ni elina samin.
“W-ait.” Pigil naman ni Sly kay Elina.Napatingin naman ako kay Sly dahil pinigilan nito si Elina.
“What is it patrick?” nagtatakang sabi ni Elina.
Bigla naman niyakap ni sly si Elina. Ewan ko ba pero parang naiinggit ako sa nakita ko.harap harapan ba naman diba? Sly hug Elina so tight.
Bumitaw naman si Sly.Ngumiti naman si Elina.
“Please take care Elina.” Hinawakan naman ni Sly si Slina sa balikat nito.
Nag tip toe naman si Elina saka pinalupot nito ang mga kamay sa leeg ni Sly at hinalikan nito si Sly sa pisngi.Mas matangkad kasi si Sly sakanya. Hanggang balikat lang kasi si Elina kay Sly.
“I will Patrick.Thank you.” Sabi naman ni Elina saka pumasok na ito sa kotse nito at umalis na.
Ewan ko ba pero bakit nasasaktan ako sa nakita ko? Nagseselos ba ako?