Kinawayan ko rin si Elina at nginitian ito.Eksakto naman dumating iyong waiter para kuhanin ang order namin ni Druke kaya iyong atensiyon ko nasa menu na. Habang tinitingnan ko iyong menu bigla naman nag vibrate iyong cellphone ko na nasa loob ng bag. nasa lap ko kasi iyong bag kaya ramdam ko ang pag vibrate nito. Kinuha ko naman iyong phone ko sa loob ng bag at nabasa ko ang pangalan ni Sly sa screen ng phone ko.Medyo itinaas ko iyong menu card para hindi ako mapansin ni druke.Lihim akong napatingin kay Sly pero busy naman ito sa kinakain nito. Binuksan ko iyong text niya.. Sly: What a small world huh? Nagdadalawang isip tuloy ako kung rereplyan ko si Sly or Hindi.. Haysss. ano rereplyan ko ba to or Hindi?! Bahala ng nga. Binalik ko nalang ulit iyong phone ko sa loob ng bag at muli t

