Monique POV Hayy mabuti nalang at nakasabay ko si Daddy kanina sa breakfast! Ang sabi rin nito sa akin ay hindi na matutuloy ang pagkikita nilang dalawa ni Sly dahil may importante itong meeting mamaya at hindi raw ito pwede basta ikansela ang meeting. He knows his dad is really good when it comes to business. Kahit nagkaka edad na ang daddy niya ay hindi pa rin naaalis ang salitang determinasyon at dedikasyon sa kompanya nito. Napapalago nito nang maayos mag-isa ang kanilang negosyo. Well, may mga kamag-anak rin naman sila at may kanya-kanyang posisyon rin ang mga pinsan niya sa side ng kanyang mommy sa kompanya ng daddy niya which is hindi niya rin masyadong close ang mga ito. Maaga akong umalis sa bahay dahil ngayong araw darating yung mga new arrivals ng stocks sa boutique at mag i-i

