“M-onique?” “ha?” sambit ko ng mapatingin kina Bettina at Crizzy. Binisita nila akong dalawa rito sa boutique. Namili rin kase ng mga damit si Crizzy dito sa boutique samantalang si Bettina naman ay isang bag at iilang sandals and flip flops ang natipohan nito. “tingnan mo nga to. Kanina pa kita kinakausap pero nasa ibang planeta ata utak mo. Like hello? Monique to Earth!” reklamong saad ni Crizzy. Napayuko naman ako. Kanina pa kasi ako nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba kina Crizzy at Bettina ang sitwasyon ko ngayon? Feeling ko kasi sasabog na ako. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. On the other side, Nagtatalo rin ang isipan ko na mananatiling tumahimik muna ako dahil hindi ko alam kung anong magiging reaction nila Bettina pag sinabi ko sakanila ang tungkol samin ni Sly

