Earlier…. Klyde POV Matapos kong ihatid si Monique sa kanilang bahay ay dumiretso na ako sa Sweetsy Corner and Café kung saan raw ngayon nakatambay sila Max. Tinext kasi ako nito na sumama muna sakanila pansamantala habang nagmomove on ako sa ex-girlfriend ko. Yeah,alam rin nila ang tungkol doon dahil nasabi ko sakanila ng malasing ako. Wala rin naman saysay kung mananatili akong broken hearted. Mas maganda kong magpapogi ako lalo para habulin ako lalo ng mga babae at para mas malamangan ko pa lalo ang pagiging gwapo ni Max. Hininto ko ang kotse sa tapat ng Sweetsy.Bumaba ako at napangisi ako na makita agad ang pagmumukha ni max kaya pumasok na ako. “Yo guys!” bati ko sakanila at tinapik naman ako sa balikat ni david.Napakunot naman ang noo ko na mapansin na wala si Jester..Kasama kaya

