Nagising ako kinaumagahan na may marinig na mahinang katok na nagmumula sa aking pintuan. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at papikit pikit pa ako na tumingin sa aking alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bed side table. It’s already 8:03am in the morning. Bumangon ako at pinagbuksan ang kung sinuman ang kumakatok sa labas ng aking pintuan. Bumungad sa akin si Flora at napadako ang tingin ko sa dala nitong bulaklak. “Flowers for you Ma’am Monique. Ang swerte niyo talaga Ma’am. Sana biyayaan rin ako ng magandang lovelife!” pagtitili nito saka nilahad sa akin ang napakagandang bulaklak. Namangha ako sa pagkaka-arrange nito. “K-anino galing to?” Posible bang si Sly ang nagpadala nito? T-eka! Bat siya naman ang unang naisipan ko na pagdalhan ako ng ganito? Tsk “Hindi ko po alam

