Vince POV
Seaside, Mall of Asia. Kasalukuyan kaming naglalakad lakad ni Katniss sa seaside. Wala masyadong tao. At karamihan ay mga magkakaibigan o magtrotropa lang. Tuwing dadaan kami sa mga kumpulan ng tao ay hindi maaring hindi mapalingon ang mga ito lalo na ang mga kalalakihan. Paano ba naman ay napakasexy ng suot ni Katniss. Tinanggal niya ang blazer niya. At ang natitira lang ay pang loob nito na isang black halter crop top. At kahit gabi na at medyo madilim ay angat na angat pa din siya dahil sa kaputian nito. Nang makakita ako ng lugar sa seaside walk na hindi matao ay hinawakan ko ang pupulsuhan ni Katniss at hinila siya papunta doon. Pinaupo ko siya sa sea wall na nakaharap sa Manila Bay view. Nang masigurong komportable na ito sa pagkakaupo doon ay umupo na din ako sa tabi niya.
"Nagugutom ako. Bibili muna akong makakain." anito.
"Ako na lang. Ano bang gusto mo?" tanong ko. At tumayo na habang hinahantay ang sagot niya.
Luminga linga ito sa paligid. "Shawarma na lang saka Cookies & Cream Milktea. Parang bigla ko nag crave e." aniya.
"Sige. Bibili lang ako." saad ko. Nakita ko ang food stall na bilihan ng shawarma. Umorder ako ng apat na order dahil alam kong kulang kay Katniss ang isa. Payat lang ito at hindi nataba pero sa totoo lang ay matakaw ito. Katabi naman nito ang milktea stall kaya umorder na din ako ng cookies & cream, isang brown sugar at dalawang bottled water. Bumili na din ako ng cheese corn sa katabi ding stall nito. Naaalala ko kasi noong kolehiyo kami ay paborito itong kainin ni Katniss. Pagkakuha ko ng mga pagkain ay mabilis akong naglakad papunta sa pwesto namin ni Katniss. Nakita kong may kausap itong lalaki.
Ang hirap mong iwanan. Malinga lang ako saglit may poporma na agad. Tsk.
Nang makalapit ako ay lumingon sila sa akin. "Babe." tawag ni Katniss sa akin. "Mister siya ang asawa ko. Naniniwala ka na?" baling nito sa lalaking kausap nito.
"Pre' may problema ba?" tanong ko sa lalaki.
"Wala pre' alis na ko." sagot nito. Mabilis itong lumakad palayo sa pwesto namin.
Iniabot ko kay Katniss ang shawarma at milktea nito. Inilapag ko ang ibang pagkain sa tabi nito at umupo sa tabi nito. "Sino iyon?" tanong ko pagkaupo ko sa tabi niya.
"Biglang lumapit. Gusto daw magpakilala. Nong sinabi kong may asawa na ko ayaw maniwala. G*nggong din e. Ang kulit." aniya habang kumakain ng shawarma.
"Hmm. Baka type ka lang talaga."
"Pwes ako hindi ko siya type. Maghanap siya ng ibang mabobola niya." anito.
"Sungit." biro ko.
"Matagal na." aniya. Busy siya sa pagkain. Walang kaarte arte. Kaya naging magkasundo kami agad noon ay dahil nasasabayan ni Katniss ang mga trip ko sa buhay lalo na ang pagkain. Sa ganda at pagka feminine ng awra ng nito ay hindi mo iisipin na one of the boys ito.
"Ano nga palang gusto mong pag usapan natin?" tanong nito. Nabigla ako dahil nahuli niyang nakatitig ako sa kaniya. Bigla akong nag iwas ng tingin.
Bakit ko nga ba siya gusto makausap? tanong ko sa isip ko.
"About us. The past. What happen two years ago." sagot ko.
"Kailangan pa ba talaga nating pag usapan ang nakaraan na?" tanong nito. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa malawak na karagatan.
"For closure i guess. Naging girlfriend pa din naman kita." sagot ko. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kaniya. Gusto kong makita ang bawa't reaksyon ng mukha niya. "Bakit ka umalis?"
Naging malalim ang pagbuntong hininga ni Katniss. At ngumiti ng mapait. "To move on, I think."
"Nang ganoon katagal?" tanong ko ulit.
"Oo. Because i promise to myself na susunod na magkita tayo ay ibang Katniss na ang makikita mo. Saka sa tagal ng panahon ng pagkainlove ko sayo. Hindi iyon basta basta mawawala. Hindi iyon ganoon kadali katulad ng inaasahan ko."
"Pero nagawa mo ba?"
"Ang alin?" balik tanong nito.
"Ang kalimutan ako." Kitang kita ko ang pagrehistro ng lungkot sa mga mata niya. Saglit lang pero alam kong iyon ang nakita ko bago pa ito mapalitan ng blangkong emosyon niya ngayon.
"I guess. Siguro? Dahil nakaya kong hindi ka hanapin at magpakita saiyo. Saka bago ako umalis tinanggap ko na sa sarili ko na hindi pwedeng maging tayo. Na kailangan na kitang kalimutan para mas mahalin ko iyong sarili ko. Saka alam kong andiyan naman si Bea di ba?"
"Noong umalis ka, hindi naman kami nagkabalikan ni Bea. Gusto niya pero hindi ko nagawang balikan siya. Oo, mahal ko pa siya. Ramdam kong meron pa. Pero hindi na iyon kasing tindi noong una. Kaya naisip ko na baka hindi na pagmamahal iyong nararamdaman ko sa kaniya kundi pag aalala. Dahil ayoko mang aminin sa sarili. Alam kong may iba ng nakapasok sa puso ko. Ang tanga ko lang dahil pinakawalan ko siya. Na pati pagiging magkaibigan namin ay nawala dahil sa katangahan at kaduwagan ko." mahabang paliwanag ko. Umiwas siya ng tingin sa akin. Nakita kong pinunasan niya ang mga mata nitong nagsisimula ng lumuha.
Hanggang ngayon. Wala na akong ginawa kundi paiyakin ka.
"Hinanap kita noon. Naghire pa nga ako ng private investigator para lang hanapin ka. Nahanap naman kita. Pinuntahan pa nga kita e. Sa school na pinaglipatan mo. Sa tagaytay. Sa Café na pinagtrabahuhan mo. Pero hindi ko nagawang lapitan ka. Kasi naisip ko. Baka mas iyon ang tamang gawin. Ang lumayo ka. At layuan kita."
Pero hindi ko kaya. Hindi ko kinaya. Dahil sa twing namimiss kita ay pinupuntahan kita ng palihim. Kapag stress ako sa trabaho. Ikaw lang ang hinahanap ko. Dahil ikaw lang ang nagpapakalma sakin. Makita lang kita ay magiging maayos na ako. saad ko sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maisatinig sa kaniya.
"Salamat. Salamat at hinayaan mo ko. Look at me. Mas naging maayos naman ako sa paglayo ko. Mas minahal ko ang sarili ko. Mas gumanda. Pati negosyo ni Mommy napalago ko pa lalo." aniya.
"Pero masaya ka ba?" tanong ko. Alam kong alam ko ang sagot. Kitang kita ko iyon sa mga mata niya ngayon. At hindi niya iyon maitatago.
"I'am." she said. Sinungaling.
"Hindi mo na ba ko mahal?" lakas loob na tanong ko.
Tumingin siya sa akin. Mataman. Malalim. Kitang kita ko ang pagdaan ng sakit. Lungkot. At pagkabahala sa mga mata niya. Unti unti na ding nagbabagsakan ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
"Mahal kita, Katniss." pag amin ko. Iniangat ko ang kamay ko para sana punasan ang mga luha niya. Ngunit mabilis niyang iniiwas ang mukha niya.
"Bilang kapatid." aniya.
"Bilang babae. Katniss, I love you as a woman. Hindi bilang bestfriend. Hindi bilang kaibigan. I love you more than that. Maniwala ka man o sa hindi. Mahal kita. Mahal na Mahal." Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa mga hita niya. Gusto niyang bawiin ito ngunit nagmatigas ako.
"I wanted to believe you. But I can't. I've had enough Vince. Sobrang nasaktan na ako. Kaya mahirap maniwala. Mahirap ulit magtiwala." saad niya.
"Kung nahihirapan kang maniwala, patutunayan ko sa iyong totoo ang sinasabi ko. Ang nararamdaman ko. Ipapakita ko. Ipaparamdam ko saiyo. Lahat gagawin ko para maniwala ka. at maramdaman mo mismo. Alam ko nasaktan kita ng sobra. Pero sana bigyan mo ako ng chance."
"Bakit hindi na lang tayo bumalik sa pagiging mag bestfriend?" aniya.
"Kaya mo ba? Di ba hindi din naman. At mas lalong hindi ko kaya. Dahil maisip ko lang na may ibang lalaking nag mamay ari na sa iyo. Sobrang sakit na dito." sabay turo ko sa dibdib ko. Sa parte kung nasaan ang puso ko.
"Vince ayoko sumagal. And I don't think na ganoon pa kita kamahal katulad ng dati. Hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko para sa iyo. I've moved on. And you know, I'm trying to live a new life now. And that's new life doesn't include you." aniya.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Na para bang anumang oras na bitawan ko iyon ay mawawala siya. Naninikip na ang dibdib ko. At bumabagal ang paghinga ko.
Did i really hurt you that much that you are able to move on from me?
"Hindi mo na ba ako mahal kahit konti?" tanong ko. Kahit parang hirap na hirap ko ng ibuka ang bibig ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"I don't know. Hindi ko alam." aniya.
"Kahit konti? Kahit kaibigan lang?"
"Konti, siguro. Per--"
"Okay na iyon. Sapat na iyon." putol ko sa sasabihin niya. "Kahit konti lang panghahawakan ko iyon. Iyang konting iyan ma sinasabi mong nararamdaman mo, palalaguin ko iyan. I'll make you fall in love with me again. Mark my word, Katniss. You'll be my girlfriend. And soon to be my wife."
"Per---" Hindi niya na natapos ang gusto niyang sabihin dahil hinila ko ang kamay niya at hinawakan ang likod ng ulo niya. I kissed her. Magkalapat ang mga labi namin. Pumikit ako at unti unti kong ginalaw ang mga labi ko sa ibabaw ng mga labi niya. Dahan dahan na ninanamnam ang kalambutan 'non. Nang unti unting lumalim. Naghahanap. Naramdaman kong gumalaw ang mga labi ni Katniss at unti unting tumutugon sa mga halik ko. Mas lalo nong pinatindi ang pagnanais kong lalong palalimin ang halik.
F*cked! I wanted more. Pero really Vince? In a public place? Are you nuts?
Kahit mahirap ay unti unti kong inilayo ang mga labi ko sa mga labi niya. Humigop ako ng hangin bago magsalita.
"Alam kong sarap na sarap ka sa halik ko. Pero nasa public place kasi tayo. Madaming nanonood." pabirong saad ko sa kaniya. Kitang kita ko kung papaano siya pamulahan ng husto ng mukha. Nang siguro ay mag sink in sa isip niya ang mga sinabi ko ay bigla niya akong pinaghahampas ng shoulder bag niya.
"Bwisit ka! Bwisit ka talaga! Anong nasarapan? Feelingero ka talaga!" galit na litanya niya. Dali dali itong tumayo. Bumaba sa sea wall at nagmamadaling naglakad papalayo. Mabilis din akong tumayo at sinundan siya.
"Babe! Sorry na." tawag ko sa kaniya.
"Babe mo iyang mukha mo! Umasa ka hanggat gusto mo." wika niya habang patuloy pa din sa paglalakad palayo. Nakukuha na namin ang ibang atensyon ng mga taong andoon. Kaya mas lalo pang binibilisan ni Katniss ang paglalakad.
"Babe!" tawag ko ulit sa kanya. Pero hindi na niya ako pinapansin. "Babe! Yuhooo! I'm sorry na please." ngunit dire diretso pa din ito sa paglalakad. "Babe!" mas malakas na tawag ko dito.
Galit na lumingon siya. "Ano ba!"
"Saranghe. I love you. Mahal kita!" sigaw ko. At nag finger heart sign pa. Nagpalakpakan ang mga taong naagaw na namin ang atensyon. Ang iba ay kinikilig. At ang iba ay mukhang naiinggit.
Nawala ang inis ni Katniss at unti unting napalitan iyon ng hiya. Mabilis siyang lumapit sa akin. "What do you think your doing? CEO ka ng malaking kumpanya naggaganyan ka diyan. Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo ha?"
"We are in a democratic country, babe. Kaya malaya akong gawin ang gusto ko." sagot ko.
"Baliw ka na nga." aniya. Hinawakan niya ang braso ko at kinaladkad ako papalayo sa lugar na iyon.
"Ang sweet nong lalaki no? Ang gwapo pa." saad ng babaeng nadaanan namin.
"Kaya nga ang swerte ni ate girl. Sana lahat." wika naman ng babaeng kasama nito.
Lumawak ang pagkakangiti ko sa narinig. "Babe narinig mo iyon? Ang swerte mo daw?"
"Shut up! Bilisan mo maglakad. Ang laki laking tao liliit ng hakbang." naiinis na wika nito.
"Eto na nga. Binibilisan na!" Di man lang kiligin. Hanep! sumbat ko dito sa loob loob ko. I'll make you mine Katniss. I'll make you mine.