NAIILANG NA LUMAYO SI OSMEÑO kay Yrrana. Masiyado na siyang matanda at talagang binibigyan siya nang kilabot ng ginagawa niya ngayon. Kung hindi niya lang itinuturing na matalik na kaibigan ang unang ranggo ay hindi siya susunod sa ipinaguutos nito. "Don't you think... we should date outside after this semester?" Yrrana asked. Nahagip ng paningin ni Osmeño ang palihim na pagtawa ni Hazethe, ang ikasampung ranggo. Ibang-iba talaga ang mga kabataan ngayon. Pakiramdam niya'y mga anak niya ang mga ito. Tumango siya. Sigurado namang papayag ang unang ranggo kung ito ang nasa posisyon niya. "Really? So you are not in the mood to talk again?" anang pa nito. Mabuti na lamang at hindi talaga mahilig magsalita ang unang ranggo, hindi siya gaano mahihirapan sa pagpapanggap. "I see..." Naging

