BAHAGYANG NAESTATWA SI X nang mapagtanto kung sino ang kaharap. Kakaiba ang kaniyang naramdaman nang dumapo ang tela ng suot nito sa kaniyang kaliwang tenga kaya agad siyang napaatras at doon niya na nga nagtama ang mata niya at ang badge nito, na nagpapakilala sa kaniyang nakabangga.
Ang unang ranggo.
Dumaan ang dalawang segundong katahimikan.
Bago pa man siya nakaiwas ay nahawakan na ng ranggo ang kaniyang uniporme. Nagmistula siyang isang magaan na bagay nang tangayin siya ng ranggo palabas ng silid. Pahagis siyang binitawan nito sa hallway.
Thank, God. She was able to balanced herself up kaya hindi siya tuluyang natumba.
Nagawa niya pang tignan ang saiko ranku mula ulo hanggang paa. Napangisi siya.
This is it. The first rank is mad.
Walang ni isang salitang pinakawalan ang unang ranggo, tutok ang atensiyon nito sa kaniya na akala mo'y tatakasan niya. No way. She was waiting for this to happen, why would she run? Isa pa, wala 'yon sa kaniyang bokabularyo.
Awtomatikong lumabas ang mga estudyante sa kaniya kaniyang silid-aralan, pinalibutan sila munit malayo pa rin ang distansiya sa kanila. Takot na madamay sa nagbabadyang gulo.
Ngayon palang naririnig niya na ang magkakasunod na hakbang ng mga papalapit na ranggo, at bago pa nga sila magsimula, dalawang ranggo na ang lumitaw sa pagitan nila. Ang ikalawa at ikaapat, si Quuor at Juszine. Nasundan naman ito ng kadarating lang mula sa pagtakbo na ang ikatlong ranggo na si Yrrana.
"Ashton, control yourself. This won't fix anything. Bumalik na tayo sa opisina ng mga opisyales," anang ikalawang ranggo.
Nanatiling tahimik ang ikatlo. Umatras, tila ba gustong pumigil pero gusto rin silang magpatuloy.
Fishy.
Tuluyan nang dumating ang ilan pang ranggo na huminto sa likuran ng unang ranggo.
"Ishihara, just apologize." Mahinahon na pakiusap naman ng ikaapat.
Nabura ang pagkasabik na kaniyang nararamdaman. Napalitan iyon ng inis.
"Why would I?"
Halos nawala ng tuluyan ang ingay nang sabihin niya iyon. Hinanap ng kaniyang paningin si Simeon. He is leaning on the wall, his face is facing their direction. His position is not too far from the ranks behind but she can see him clearly rolling his eyes, seems that disappointed.
"Ishihara-"
"Shut up. You're just wasting your voice. I'm not sorry so I won't say sorry," matigas niyang sinabi iyon sa ikalawang ranggo pero ang titig ay na kay Simeon.
Humakbang ang unang ranggo papalapit sa kaniya. Handa na sana siyang salubungin nito ngunit naging mabilis ang pangyayari.
Simeon teleported. Hinarang ang unang ranggo. Nakipagtinginan ito na tila ba walang takot sa mataas na ranggo.
"Don't dare to disobey me," iyon lamang ang tangi nitong sinabi sa unang ranggo.
Bumalik ang katahimikan sa paligid dahil sa ginawang pagbabanta ni Simeon sa saiko ranku.
Mula sa likod ng unang ranggo ay nagmamadaling lumapit ang ikasampung ranggo na may maikling buhok, si Hazethe.
"How dare you to speak to him like that!" Handa na sana itong kuwelyuhan si Simeon pero kaagad na hinarang ng unang ranggo ang braso nito nang hindi umaalis sa puwesto para hindi na tuluyang makalapit ang ikasampung ranggo kay Simeon. "But..."
Nang kumalma ang ikasampung ranggo ay ibinaba na ng unang ranggo ang kaniyang braso at walang alinlangang tumalikod na nagpalaglag ng panga ng lahat.
Sinunod nito ang ordinaryong estudyante.
Siya ang pinakamataas na ranggo, dapat lamang na hindi siya sumusunod sa utos ng iba. Ngunit...
Kaagad namang sinundan ng ikaanim na ranggong si Ian ang saiko ranku.
"Who are you?" Hindi na nakapagpigil ang ikawalong ranggo na si Laxy. Kitang kita niya ang kaba at pagkalito sa kilos nito.
Maging siya naguguluhan na rin sa pagkatao ng lalaking ito.
"Maybe he's ready to die right now. Let him be," ika naman ng ikalimang ranggo na si Ruhence, naglaho ito matapos sabihin iyon.
"Juszine. What are we going to do?" Ang ikapitong ranggong si Nyttea.
"I don't know either." Na kaagad na sinagot ng ikaapat.
Nanatili namang nakatitig ang ikalawang ranggo kay Simeon.
"The chaos is over. Go back to your places. This won't help you improve your skills."
Kamangha mangha na kahit nagtataka ang mga estudyante ay para silang nahihipnotismong sumunod dito.
"And even you, ranks," walang kagatol gatol nitong sinabi.
HAZETHE STORMED IN THE front door of the penthouse. Naiinis pa rin sa lalaking iyon. Anong lakas ng loob meron siya para utusan ng ganoon ang unang ranggo? Sa harapan pa talaga ng mga estudyante. Isa pa, hindi niya rin makuha kung bakit sumunod ang unang ranggo sa lalaking iyon.
"What's his name again?"
"Simeon," si Laxy ang sumagot.
"How dare him?!" Banat niya pa. Wala na ang unang ranggo sa sala dahil dumiretso na ito sa kaniyang silid. "Nakakailan na siya sa ating mga ranggo!"
Umupo ang walong ranggo sa sofa samantalang siya ay nanatiling nakatayo at nakapameywang.
"Tangina. Hindi pa rin ako makapaniwala." Ian laughed, annoyed. "Ano bang meron sa dalawa na 'yon?"
Indeed. Hindi lang ang Simeon na iyon ang kinaiinisan niya. Maging ang X na iyon.
"Calm down your asses." And here's Yrrana again. She's really doubting the third rank's behavior right now. Seems excited everyday.
"Lalaki ang ulo niya kung hahayaan natin siya sa asta niya. Can't you all see? He's over powering the first rank!" kaagad niya namang sinagot si Yrrana.
Napailing na lang ito sa kaniya. "Yeah. But look, 'di niyo nakikita? Our school has the thrill right now, finally after those years of bore."
"You're sick," she hopelessly said.
"But accept it or not. Do you feel somewhat frightened when he spoke? Kakaiba. I felt like I needed to obey him." Nang sabihin ni Juszine iyon ay napaisip din siya.
Yes. She felt the fright earlier too.
"That's because you are a coward," Ruhence insulted Juszine again. But because Juszine doesn't mind that kind of stuffs they didn't hear any feedback.
Because the living room begins to embraced by the awkwardness, naglakad na siya paakyat sa hagdanan para katukin at kamustahin ang unang ranggo.
"Saiko ranku."
Ilang beses niyang tinawag at kinatok ang pinto nito, pero wala siyang narinig na kahit na ano. Pinihit niya ang doorknob. Hindi naka-lock.
And when she opened the door she saw a bit familiar man looking at him. Bago pa man siya makapagsalita ay tuluyan na itong tumalon pababa mula sa bintana. Kaagad siyang tumakbo para mahabol sana ang lalaki pero tumatakbo na ito papunta sa gubat mula sa binabaang gusali ng penthouse mula sa likod.
Kinain siya ng kaba.
What the hell is that guy doing in the first rank's room?
Dumapo ang mata niya sa bandang gilid kung saan niya nakita ang bahagyang nakabukas na cabinet ng unang ranggo.
She opened the cabinet and the terror filled her body when she figured out it's content.
HALOS ILANG MINUTO YATA siyang nakipagtitigan sa lalaki. Bakayarou. Ilang ulit niya na nga bang nasabi iyon sa isip niya? Tapos na sana, konti na lang sana. But then, this boy ruined everything.
After a second, tinalikuran na siya nito na mas ikinainis niya.
"Are you really playing with me?"
Kaagad na napahinto ang lalaki nang marinig ang sinabi niya. Nilingon siya nito. She felt the creep. Ang seryoso nitong mukha ay nauwi sa nakakaloko.
"No." Tuluyan na siya nitong hinarap. "That's because you didn't accept my invitation."
Tuluyan nang nalaglag ang panga niya.
"Bakayaro-"
"Yes. I am, Ishihara."
Really? Is he that desperate para siya ang makapareha nito sa ball na iyon?
"You're crazy."
"Didn't I tell you? If you want a real revenge you should do it slowly."
Sumaludo sa kaniya si Simeon bago nagpatuloy sa paglalakad. Pinagmasdan niya kung paano ito tilian ng mga babaeng estudyante na madaanan nito. Hinihangaan at pinaguusapan.
It's not just a simple revenge she is commanded to do. The order is to kill the first rank.
If only this Simeon doesn't exist then there's no hindrance.
Ngayon, hindi niya na alam ang gagawin niya. Sa banta ni Simeon at reaksiyon ng unang ranggo kanina, maliwanag na hindi na siya muling gagalawin nito.
Itutuloy. .