Eighteen

2751 Words
MABIGAT MAN SA DIBDIB AY PINILIT pa rin ni X na gumising. It's better to forget about what happened to only focus on her mission. She feels strange also, like she was mad to Simeon. Maybe he is sick... kaya hindi ito nakapunta. Itinanim niya sa kaniyang utak iyon, ang dahilan ng hindi nito pagdalo. Ngunit ang pakiramdam na iyon ay hindi mawala. "Goodmorning!" Nang makalabas siya sa kuwarto matapos maghanda para sa pagpasok ay kaagad siyang binati ni Simeon na nakaupo sa kanilang sofa, mukhang handa na rin. Tinanguhan niya ito. "Uh..." nakita niya kung paanong naglaho ang ngiti nito. She pretend everthing is normal so she headed to the door. Kaagad naman siyang sinundan ni Simeon na naging malaki ang bawat paghakbang para maabutan siya. "I'm sorry..." mabagal ang pagkakasabi nito, sinseryo. Bagama't narinig na iyon ay hindi siya huminto sa paglalakad. Bakit nang humingi ito ng tawad ay mas tumindi pa ang inis niya? Sa kabila ng nararamdaman ay nanatili siyang kalmado. "The third rank got pissed." Imbis na tanggapin ang paumanhin nito ay nilihis niya ang usapan. "And I can sense that your future leader got pissed too. We didn't fought, but I know we're close to cut his thread of patience." "I said I'm sorry..." Pero tila wala itong pakialam sa resulta. She was about to fired back at Simeon because she's getting pissed too, but a sight stopped them from walking. A group of university guards are infront of the instructor's units. Nagkalat din ang mga estudyanteng nakikiusyoso. Hindi rin nawala ang mga ranggo na kausap ang sa tingin niya'y pinaka nakatataas sa mga bantay. Simeon's face changed into a serious face from his guilty face earlier. "You know Mr. Tolentino? He's shot until he die kagabi nang may party." Her eyes widened as she hears that while a body covered by a black thin cloth is carried by the guards. It was the instructor's body. "Sayang naman 'no? Ang bait pa naman ni Mr. Tolentino." Hindi niya nagustuhan ang narinig, pero sa itsura ni Simeon ay mas galit pa kaysa sa kaniya. Nang makita nitong nakatingin siya ay naglaho ang pagkakakunot ng noo nito. "What happened?" he asked. "This is... sudden." Or maybe just because he really have no idea. Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa klase. HINARANGAN NI JUSZINE ANG PUNONG guwardiya. An instuctor died while the party is held just last night and it's fishy. Pinagpapawisan ito, marahang pinunasan ang pawis na nagmumula sa noo. "Anong nangyari? Who killed him?" He asked. Sumunod na rin ang mga ranggo sa kaniya para marahil makinig sa usapan dahil pareparehas lang naman silang nabigla at nahihiwagaan. That instructor is known to be the most kind and youngest, but really a skilled instructor. So who will have the guts to kill him? "We're still under an investigation, fourth rank." "Saan ang tama ng bala?" It was Laxy who asked. "We're under an investigation," inulit lang nito ang sinabi kanina. Isa-isa silang tinignan ng punong guwardiya. Huminto ito sa isang bandang malayo sa kanila. Pinigilan niya ang sarili na hindi iyon lingunin para hindi makita ang paghihinala niya. It feels like... everything was covered up. Wala silang makukuhang sagot dito. Nagpaalam ito sa kanila. Sinenyasan nito ang mga guwardiya na kaagad sumunod rito paalis dala ang bangkay ng instructor. "What do you think, Juszine?" It's Nyttea. Hindi siya kumibo at unti-unting nilingon ang kaninang tinignan ng punong guwardiya. Wala siyang ibang nakita kundi ang mga estudyanteng unti-unti nang humuhupa paalis sa senaryo. "Sino naman ang magkakaroon ng motibo na patayin si Mr. Tolentino?" anang pa ni Laxy. "I don't have an idea either, hindi ako under peculiar in body kaya hindi ko nakakasalamuha si Mr. Tolentino. Ang kuwento ng mga estudyante, mabait talaga ang instructor na 'yon." It's Ian Chen, ikaanim na ranggo. Kadalasang makulit, ngunit marunong sumeryoso sa mga pangyayaring kagaya nito. "In a snap, gumulo ang lahat," si Laxy ang ikawalong ranggo. "Exactly!" Nandoon ang sarkastiko at magaspang na tono ni Ruhence, ang ikalimang ranggo. "It's because of that X! From the very first day that she appeared in this school, nagsunod sunod na ang gulo. Plus she was always involved!" Nakita niya kung paanong nilingon ni Yrrana si Ruhence, simula umaga ay hindi pa ito nagsasalita. Ofcouse, it was about that night. Nang mapahiya ito kay X. X is really mysterious. Mahalaga ang privacy sa kanilang mga tokuyu, kaya kahit na gugustuhin nilang ma-backround check si X, wala silang karapatan hangga't walang consent nito. Ayaw niyang ibintang ang mga nangyayari sa mga baguhang iyon - si X at ang taga-pagligtas nitong si Simeon, pero sa nangyayari mukhang tama si Ruhence. Maaari. "How about we investigate?" suhestiyon naman ni Hazethe. "It's not our job to conclude and to investigate," ang ika-siyam na ranggong si Paiver. "Leave it to the officials and their people." Mayabang na tumawa si Ruhence. "You always side with X, you're getting fishy." "Ruhence," mariin itong sinaway ni Nyttea. "Mali na naman ako?" Muli itong lumikha nang nakakainis na halakhak. "Mali rin bang sabihin ko na walang kuwenta ang unang ranggo? Nasaan siya ngayon? He's gone! Sa tuwing may ganitong nangyayari, wala siyang ginagawa kundi ang manahimik-" "Enough..." maging ang ikalawang ranggo ay nauubusan na rin ng pasensiya. Ruhence serves as their lighter, to light the fire between them. A black sheep. Hindi niya kailanman nagustuhan ang ugali nito. "And you also," sa ikalawang ranggo naman napunta ang galit ni Ruhence na wala namang pinagmulan. "Ang ikalawang ranggong umaya sa salot na 'yon, to be her date? I don't get it. Hindi pa tinanggap ang alok mo-" "Enough!" Umere ang katahimikan nang magsalita si Yrrana. Sa lahat ng ranggo, sa ikatlong ranggo lang hindi makalaban si Ruhence. Bagama't napatahimik ay hindi nawala ang kayabangan sa asta ni Ruhence. "There's no evidence, so don't point fingers," dugtong pa ni Yrrana. "Another thing, hindi basta-bastang nakakakuha ang mga estudyante ng armas. There's no use to fight over this. Ang mga opisyales na ang bahala sa kasong ito. Let's dismissed." Sabay-sabay nilang pinanood ang paglalakad ni Yrrana. Nandoon pa rin ang kakaibang mababang awra. Sinundan iyon ni Quuor. Ilang segundo ay mag-isa silang tinalikuran ni Paiver. "I don't wanna say this, but it feels like you are the only man here." Hindi siya makapaniwalang pinupuri siya ni Ruhence. "Hindi ba't ikaw na ang nagsabi? Kung hindi aagapan, mas lalala sa susunod." Nanatili siyang tahimik. Nagiisip. "We don't know that b***h, hindi tayo sigurado kung hanggang saan ang limitasiyon niya." Matapos ng nakakalong ngisi nito ay naglaho na ito paalis. Naramdaman niya ang ginawang paglingon ni Nyttea sa kaniya. "Don't trust him," tutol naman ni Laxy. "Juszine." Umiling siya. "He's right..." "Juszine?" Tutol din si Nyttea. "It's unfair to conclude this fast." Naguguluhan siya, pero ito ang tamang gawin. Hindi pinapalagpas ang mga ganitong bagay. Malakas din ang kutob niya. Simeon... wasn't in the party last night. Naglaho rin si X matapos mawala ng unang ranggo na sinundan si Yrrana... "Investigate," he said in a low voice. "Xionne Ishihara?" si Hazethe. "Lahat ng wala at nawala sa party. I am ordering all of you as the fourth rank." MABILIS NA NATAPOS ANG ARAW. X wants to finally take a rest. Hindi niya maipakita kay Simeon na hindi siya apektado sa hindi pagdalo sa party, pero nagkukusa. Hanggang ngayon ay kinukulit pa rin siya nito. "I need to take a rest," she said. Hindi niya nakita ang unang ranggo kanina. Maybe tomorrow... Umaasa siyang lalabanan na siya nito. All that she needs is patience. The first rank said that she is his prey. What should the predator do to a prey? Labanan para makain. So a duel is possible. She's enjoying this. Tumindi ang pagkakasalubong ng kilay niya nang hindi niya mabuksan ang pintuan ng kanilang unit. Kaagad niyang nilingon si Simeon nang may masamang tingin. He looked at her with his famous forced innocent smile. Really. "I think I broke it-" "Then, how will we get in?" "It's already six-thirty, sarado na ang maintenance-" Kalmado siyang tumawa bagama't naiinis. Hindi niya inimikan si Simeon, bagkus tinalikuran para umalis. Hindi niya naman naramdaman ang pagsunod nito hanggang sa makarating siya sa parke, ang pinaka tahimik na lugar sa unibersidad. Umupo siya sa lumang duyan. She can smell the rust and the grass, combined by the cold wind. It's peaceful in here. And a smell of... what is it? Noodles? Kaagad niyang nilingon ang nasa likuran niya. Again, it was Simeon. "Hindi tayo kumain sa canteen ng dinner. Sarado na ang canteen and it's important to eat so we'll be having noodles!" Ipinakita nito ang tray na pinagpapatungan ng cup noodles. Simeon... reminds her of someone. The same bright naturally sparkling eyes and his smile. "Where did you get that?" she asked pretending not to sound pleased. "I cooked it!" She tilted her head. "In your cooker?" "No," nakanguso itong umupo sa katabi niyang swing sa kanan. "In my microwave-" "M-micro what?!" She really can't believe this boy. Lalong lalala ang violation nila! "Nag-ingat ako! I promise!" Gutom na siya. Kahit na alanganin ang ginawa nito, wala na siyang magagawa. They already violate the rules. Maingat na ibinigay sa kaniya ni Simeon ang unang cup. Base on its smell and appearance... "It isn't spicy?" she asked. Tumango si Simeon na nagsisimula nang kumain. "Japanese don't like spicy food that much, right?" "Good thing you knew." "A thank you is enough," he said like he's so done with her for not saying thanks. "You break the door on purpose?" she asked. "Because you won't accept my sorry. And this is exactly what I wanted to happen!" Hindi na siya nagsalita at sinimulan nang kumain. They were quiet the entire time they're having their simple dinner. This thing... seems heart-warming. Napangiti siya sa kaniyang isip. "You still mad at me?" Tapos nang kumain ito nang tanungin siya. Finally, she finished her cup. "I know you're sick so it's fine." "It isn't." Talagang hindi na mawawala ang kulit nito. "Let me do something instead..." Tinignan niya ito. Hindi siya nakaangal nang tumayo ito at marahang inalis ang kaniyang salamin na ipinatong sa inalisan nitong bakal na duyan. "Take my hand..." inilahad nito ang palad sa harapan niya. "What are you doing?" "I'm asking my date for a dance." His face is sincere so as his voice. Hindi siya kaagad na nakagalaw. Sa huli ay kinuha na ni Simeon ang kamay niya at marahang hinila patayo. Nang hawakan nito kaniyang beywang, bumalik ang nakakakuryenteng sensasyon sa kaniyang balat. He gave her a mischievous smile. Napalunok siya nang magtama ang kanilang mata. Those eyes always makes her feel confused. "What is this..." she unintentionally asked. "We're dancing." He stated what's obvious. "I'm doing you a favor to feel what it's like to dance with me." Sarkastiko siyang natawa. Nakita niya kung paanong nawala ang mapaglarong ngisi ni Simeon. Mas lumalim ang titig nito sa kaniya. "What?" matapang niyang itinanong. "N-nothing..." Napabuntong hininga ito. Hindi niya inalis ang titig sa mukha nito. "W-what?" Ito naman ang nagtanong sa kaniya. "I just wanna know why you loath the first rank this much that you decided to be a traitor." Natigilan ito sa itinanong niya. "Because... he's useless. He's spoiled, a brat and... childish." Useless. Her lips formed a small smile. "Like how the third rank described him?" Marahan itong tumango. Nahinto sila sa pagsayaw. "From the very first day that I arrived here... I already watched your future leader." Ang mga mata nito, tila inaabangan ang sasabihin niya. "I loath him too, but I'm against your reasons. Maybe you know him morethan I do, ofcourse, but for me your first rank seems useless... but he isn't." She licked her lip. She really doesn't wants to say this. "He feels lonely and unloved." "How can you say so?" Lumamlam ang mga mata nito. "I don't think he is unloved, everybody adores him-" "But not genuinely. I know he could feel that too, because he's from the clan of Yomashi's it's given that everyone would get interested with him. But, does he have any idea how those people treat him from behind? Maybe he does, that's why he always choose to be alone. Why does he have his own room and stuff gifts inside that huge cabinet? Why does he isn't even thinking of open even one? Because he feels like he doesn't deserve the presents and worst the feelings of the givers are fake." Umawang ang labi nito. "He always gives way not because he is useless, but because he's untrusted because of his character," pagpapatuloy niya. "He's strong, but weak at heart." She remembers how the first rank always staying low and how the other ranks takes his place. "He looks like he doesn't care, but I know he is kind." Muli niyang inalala ang ginawa nitong pagligtas sa kaniya. Alam niyang galit ito sa kaniya at sa mga ginawa niya, kaya kabutihan na ring maituturing ang pagligtas nito sa kaniya kahit na may kasama pang banta. Tuluyan na siyang bumitaw kay Simeon. Tinalikuran niya ito para sana damputin ang salamin at umalis na. "Then... why do you still want to kill him?" Sandali siyang natigilan at palihim na napangiti. "Aside from the fact that I hate him and it's my mission... I also know he really wants to die by now, but he doesn't have the courage to ditch his obligation as the first rank even if he can't play his role right." Naging mabagal ang ginawa niyang paglingon kay Simeon. Why does his eyes looks so confused and weary, but little by little getting hopeful as he looks at her? Kumalat ang gulat sa mata nito. Nagmamadali nitong hinakbang ang layo nila at nilagpasan siya. The familiar smell pass through her nose. Kinuha nito ang kaniyang salamin sa at kaagad na ibinulsa sa kaniyang coat na tila may inaalala. SA MALAWAK AT MADILIM NA ESPASIYO prente siyang nakaupo. His age doesn't fit his face 'cause he looks younger but he's already in his 40's. Tumatama ang ilaw sa usok na nililikha ng kaniyang tobacco. Sa malapad na lamesa nakalagay ang hilera ng monitor kung saan pinapanood niya ang lahat ng nakikita ng kaniyang alaga na nasa unibersidad. Napapadalas ang hindi nito pagsusuot ng salamin. The glasses contains a small camera, nagsisilbing mata niya sa loob para mabantayan si Xionne Ishihara. He knows everything... so Xionne is quite popular in the university? Napapailing niyang hinithit ang sigarilyo. That's how you'll train a kid. Kung hindi tago ang kanilang korporasiyon, kalaban na nila ang korporasiyon ng mga tokuyu. Pasasaan pa't mangyayari rin naman iyon - kapag napagtagumpayan ang plano. He trusts Xionne. Hindi lamang ang ability at ang pakikipaglaban nito ang hinasa niya, even her loyalty. Hawak niya ang ikalalambot ng puso nito, hindi ito puwedeng pumalpak. But the existance of this Simeon bothers him. Every tokuyu is loyal to their ranks and corporation kahit na ang kaunti ay nakakaramdam ng inggit sa mga iyon. So why this boy helps Xionne? Bakit nga ba hindi niya naisipang lagyan ng transmitter audio ang salamin, para masabi niya ang saloobin niya sa alaga. Tonight he can see the perspective of the glasses placed above the swing. Pinanood niya ang ginawang pagsasayaw at paguusap ng dalawa. No. Hinanda niya na ito sa kung ano mang bagay na maaaring gumulo sa emosiyon nito. "Kuso!" napamura siya nang kunin ng lalaking iyon ang salamin. Sa isang iglap ay nawala sa paningin niya ang dalawa. "Doctor..." mula sa pinto ay pumasok ang kaniyang sekretarya. "Come in," sa wikang nihonggo ay nag-usap sila. Sandali nitong iniyuko ang ulo bilang paggalang bago tuluyang pumasok sa loob. "Nandito ang ilan sa mga opinyon at suhestiyon ng mga sangay ng organisasyon." Inabot nito ang mga papeles sa kaniya. Awtomatikong kumunot ang noo niya habang binabasa ang mga iyon, pare-parehas ang sinasabi. They want to abduct the plan. "No!" Tumaas ang kaniyang boses. Mas bumaba ang pagkakatungo ng kaniyang lalaking sekretarya, suot ang pormal na amerikana. "My order is to kill the first ranks in every tokuyu universities globally!" he said. It was the original plan; to scare tokuyu's global organization that a huge organization, as powerful as them is ahead. "They want to move quietly..." anang nito. Naningkit ang kaniyang mata. Muling binasa ang hawak. Hindi lang siya ang nakakapanood sa ginagawa ni X, lumabas ang mga suhestiyon na ito marahil nang makita ang nangyayari. Taliwas sa inaasahan. Itutuloy. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD