Sixteen

2559 Words
NANININGKIT ANG MATANG TINIGNAN ni Nyttea ang kumatok sa pintuan ng kanilang penthouse. Abala ang mga ranggo sa pagaayos ng sarili para sa party ngayong gabi. Siya lang ang may libreng oras kaya siya ang nagbukas ng pintuan. There were supposed to be guards, but the first rank requested not to have any. "You are?" Pamilyar ang babae sa kaniya, ang pangalan nito ang hindi. "Ahnia..." the girl seems so shy to talk to her. Maybe because she's a rank. "And? Anong sadya mo?" she asked. "A-ano..." Mapagpasensiya siya kaya naman kahit na nauubos ang oras sa tagal nitong magsalita ay nanatili siyang kalmado. She wonders if Yrrana or Laxy are the one who open the door. Baka mas lalong nanginig ang babae. "She's my date." Sandaling nanlaki ang mata niya bago nilingon ang unang ranggo. The first rank looks so ravishing tonight. He's wearing a black fitted well-designed suit and a dark red tie. His hair fits him well, mysterious and cold at the same time that also fits his deep black plain mask. At the acquaintance party they are still required to wear their cloak but they are free to let down their hoods, but a mask should cover their faces unless they would want to announce their unauthority. The rules for the ranks and regular students were revised, but this rule remains mainly for their safety as the future agents; The cloak is your veil, revealing your identity and taking off of the cloak infront of anyone is declaration of your unauthority. Kailangan nilang maging maingat. Once their faces were unveiled hindi na sila idedeklara na ranggo. Ganoon kahigpit ang batas sa kanilang ranggo pagdating sa pagpapakita ng mukha. Napapangiwi niyang itinagilid ang mukha. Hindi siya makapaniwalang ito ang napiling date ng unang ranggo. Nakikita niya na itong humahabol at nagbibigay ng regalo sa unang ranggo. Well... maybe she's just use to see the first rank with Yrrana. Napailing siya. It was obvious that the first rank likes Yrrana at harap harapang inalok ni Yrrana ang ikalawang ranggo na makapareha. Para wala nang magawa ang unang ranggo. Yrrana is really cruel. "Oh..." palakaibigan niyang tinignan si Ahnia at sinenyasan na pumasok. "Come in." Sandali niyang tinignan ang unang ranggo bago inakyat ang date na si Juszine. Pinasok niya ang kuwarto nito. Kasalukuyan nitong isinusuot ang cloak. Handa na rin para sa party. Pinigilan niya ang pamumula ng pisngi. "You look good." He smiled at her with humbleness. Kung wala ang unang ranggo... para sa kaniya mas bumabagay sa puwestong iyon si Juszine. Honestly even if Ashton exists, si Juszine ang nakikita niyang karapat dapat. Pero ang mga opisyales ang nagdesisyon. Alam niyang hindi iyon dahil sa Yomashi ang unang ranggo, but because among them Ashton is the strongest but lacks on leadership and Juszine could fulfill that part. There's a re-ranking every year, hindi naaalis sa puwesto ang unang ranggo. Because no one could beat him. Sa paanong training kaya dumaan ito bago mapili para sa sampung batang iraranggo bago ang regular na enrolment? Galing ito sa angkan ng mga Yomashi, siguradong tinutukan nang mabuti. What exactly is their secret to stay at the top? ILANG ULIT NANG GINISING ni X si Simeon ngunit nanatili ito sa kama. Tila ayaw talagang bumangon. Mag-a-alasais na at hindi pa ito naghahanda. Alas siyete ay kailangan na nilang umalis para makadalo nang tama sa oras. Matagal niyang tinitigan ang nakatalukbong ng kumot na si Simeon. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito sa pagiging pain ng ikatlong ranggo. "Fine. I'll go alone." Tinalikuran niya ang kama nito. Hindi naman kabawasan kung wala siyang date at mag-isang pupunta roon. Hindi naman ang mag-aliw ang kaniyang pakay - kundi ang misyon. Pabagsak niyang sinarado ang pintuan nito. "Why would he insisted to be my date if he'll just let me attend all by myself?" Hindi niya alam kung paano maglagay ng kolorete sa mukha kaya naman inayos niya na lang ang sarili at sinuot ang gown na napili. It was a royal blue tube-top ball gown. It's not too much. Simple and minimal yet pretty and feminine. Sandali niyang tinignan ang pintuan ni Simeon bago tinahak ang daan palabas. She's expecting that the party would be awesome but isn't it too much? The party was on the field. There's a stage infront of the venue. Classy royal blue tables and chairs that matches her gown. The sky is open. There's plenty of steady blue lanterns scattered above that gives the venue a magical look. There's also artificial trees with blue christmas lights. Does Simeon knows about the theme? Tumugma pa ang suot niya. Magmumukha siyang display. Dumadami na rin ang mga estudyanteng naroroon. Wala pa ang mga opisyales maging ang mga ranggo. Hindi rin naman siya nakaagaw ng pansin sa mga naroroon na dahil de hamak na mas simple siya sa mga naroroon. May iilan na pinaguusapan siya pero wala doon ang kaniyang utak. Pero hindi maiiwasang hindi niya marinig ang mga ito sa kabila ng malakas at sopistikadang musika. "Wala bang date si X?" "Ang alam ko, inalok siya ng pangalawang ranggo. Tinanggihan niya." "How about the Simeon boy?" anang naman ng isa. Walang gana niyang ipinako ang paningin sa entrance nang dumating na ang mga opisyales. Pamilyar ang nga ito sa kaniya dahil bago pumasok sa unibersidad ay pinag aralan niya nang mabuti ang bawat character at mahahalagang tao na naririto. Hindi kagaya ng nagdaang dekada, ang mga opisyales ngayon ay talagang mukhang mga bata. Their faces shows authority, sophistication and strictness. So, who among them is Sharein's parent? "Why are you alone?" Taka niyang nilingon ang nagsalita. It was Blue. Simula nang mangyari ang ginawa sa kaniya ni Blan ay hindi niya na nakitang magkasama ang dalawang ito. Una pa lang, nakikita niya nang mas gugustuhing mapag-isa ni Blue. Kung bakit ito sumasama kay Blan ay hindi niya alam. Their set-up seems peaceful even if their friendship was ruined. Blue always choose to be alone while Blan has his circle of friends. Hindi niya ito sinagot. Ibinalik niya ang paningin sa mga opisyales na hinahatid ng mga guard. Even the guards are well dressed - they always wear this black suit and black shades even on normal days. "Nice gown. I thought you are one of the tables." Unti-unting kumunot ang noo niya. Dahil hindi niya ito pinansin, kaya naman nagpapapansin ito sa kaniya ngayon? "I thought your hair was one of the lanterns," she firedback. Originally, Blue's hair is attractive and gorgeous, but because she get teased by Blue ginantihan niya ito. Revenge is everything. Kapag hindi ka gumanti, talo ka. Tinignan niya ito mula sa kaniyang gilid. He was quiet but doesn't look that offended. Honestly, Blue is one of the handsome students he saw in this university, pero dahil sa mga pinaggagagawa nito sa kaniya noon along with Blan ay nabura ang papuring iyon sa isip niya. "Where's the ranks..." she whispered. Naramdaman niya ang ginawang paglingon sa kaniya ni Blue. "Ganoon naman ang mga matataas dito, they always want a grand entrance." Why is he even talking to her? As far as she remember, noong nakaraan lang ay magkaaway sila. "Do you wanna have a table over there? Hindi ka nangangalay tumayo? Or you are waiting for your date? But it's better if you do it while sitting. 'Cause right now, you look pitiful." He seem's friendly right now, but still frank. "Sit if you want. Bakayarou." Nagkibit balikat ito at tinalikuran siya, siguro'y naghanap na ng mauupuan. Akala niya'y matatagalan pa ang mga ranggo, pero nang makita niyang tumayo na ang mga estudyante para salubungin ang pagdating kanilang mga hari at reyna napawi ang pagkainip niya. All of them are really tall, it adds to their powerful appearance. Their suit and gown are unique as expected dahil hindi naman talaga nagpapatalo ang mga ranggo. Unlike the officials they aren't guarded. Do they even need them? She twist her lips when she saw that they still wears their cloaks - unhooded but still wearing half-face masks. What would she expect when that's their tightest rule? To not to show their faces? Sa ganoong paraan ay magiging ligtas ang buhay ng mga ranggo kapag naging ganap na mga Ejento na may mga matataas ding katungkulang nakaabang. That way, mahihirapan ang mga kalaban nilang association sa pagpatay sa mataas na ranggo sa korporasiyon dahil ni minsan ay hindi nagpakita ng mukha sa labas ng lugar ng mga tokuyu. The tokuyu's are really loyal to their leaders even if there is a competition inside, hinding hindi nila ilalaglag ang mga ito sa kalaban. That's why they are one of the strongest association, they are united. She wonders why Simeon helps her. Hindi imposibleng ito ang pagmulan ng angkan ng mga traydor sa Tokuyu. Hindi pa man nangyayari ay natutuwa na siya. She loaths them. Especially this rank. Mariin niyang tinignan ang pinakamatangkad sa mga ito. Sumasabay ang mga papuri ng mga estudyante rito sa bawat paglakad nito. Hindi niya inaasahang dadapo sa kaniya ang paningin nito. The way he look is really sharp. There's no evidence of fright on her face but she flinched inside. She started to feel cold and she doesn't know why. It feels like she was hypnotized to look at him. Only him. That eyes are as peculiar as him. It's silver, sparkling with the lights adding to a more intense glare. Nang makalagpas ito ay natiim niya ang kaniyang panga. She shouldn't feel this way. "What? Bakit si Ahnia Castello ang date ng unang ranggo?" dinig niya naman ang isa sa babaeng estudyante sa malapit sa gawi niya. "And the third rank is with the second rank?" Hindi naman na siya nagulat sa nakita niyang iba ang kapareha nito dahil narinig niya na ang usapan ng ikatlo at ikalawang ranggo kasama si Simeon. There's still no traces of Simeon. Pinanood niya ang ginawang pagbati ng mga opisyales sa mga ranggo. Maging ang mga opisyales ay mataas ang tingin sa mga ranggo. They hold their hands like they are really a precious gems. Dumaan ang ilang minuto at nagsimula na ang party. Para hindi magmukhang kahinahinala ay pinili niyang maupo sa table kung saan naroon si Blue. Tinignan lang siya nito at hindi na nagsalita. She watches the first rank without being distracted. Tahimik ito habang kinukulit ng date na si Ahnia kung tawagin ng mag estudyante. That's it. Naaalala niya na ang babae. The day when she almost stab Blan. Ito ang babaeng humarang sa kaniya at hindi nagpatinag. Now the girl is looking at her with her same stare from the last time. "Do you wanna dance?" "No," sinagot niya si Blue nang hindi inaalis ang paningin sa unang ranggo. Hindi naging hadlang ang mga sumasayaw na mga estudyante para hindi niya matanggal ang paningin sa unang ranggo. Nangibot ang kaniyang daliring may hawak ng baso nang bumaling na sa kaniya ang unang ranggo. His eyes is really something. Iba pa rin kapag nakikita ang mata at hugis ng mukha nito. Hindi niya kayang matagalan. Sa huli ay siya ang nag-iwas ng paningin. "Kuso," she cursed using her native language. Nang ibalik niya ang paningin dito, hindi pa rin naaalis ang tingin nito sa kaniya. His stare that screams effortless danger. Wala siyang nagawa kundi ang tignan pabalik ang baso at inumin ang alak na naroroon. Natigilan siya nang maramdaman ang tela na pumatong sa kaniyang balikat. She thought for a second that finally it was Simeon, but it isn't. Ang taong naglagay ng coat sa kaniyang likod ay ang batang instructor. Narinig niya ang ginawang pagsipol ni Blue na katapat niya. Blangko ang mukha niyang tinignan ang guro. "Mukhang nilalamig ka. I'll let you borrow my coat-" Hindi na nito naituloy ang sanang sasabihin nang walang pagdadalawang isip niyang ibinalik iyon. Really. Kakaiba ang pakiramdam na ibinibigay ni Mr. Tolentino sa kaniya. "I'm cold, Sir. Lemme borrow that instead." Nakakalokong tumawa si Blue. Tipid itong nginitian ni Mr. Tolentino bago siya muling binalingan. "Where's your date?" Hindi niya sinagot ang tanong nito. She gave him a casual stare. Dalawang beses nang may nagtanong niyon, hindi niya alam kung bakit unti-unti siyang binabalot ng inis. "A round of applause for our third rank!" Naagaw ng tao sa entablado ang kaniyang atensiyon. Naroon ang nagsisilbing host ng party at ang ikatlong ranggo hawak ang violin nito. She see... kaya madalas niya itong makitang magensayo ay para rito. Habang nasasalita ang ikatlong ranggo bilang panimula para sa pagtatanghal ay kinuha niya ang tiyansang iyon para tignan ang unang ranggo, umaasang wala na sa kaniya ang paningin nito ngunit nabigo siya. What's with him? Why he's still staring at her? Malabo naman sigurong malaman agad nito ang katauhan niya. Dahil kung oo, wala nang maaaksayang minuto para dakpin siya. She pity him. Alam ba nito ang mga pinagsasabi ng ikatlong ranggo tungkol rito? While looking at him... she realized that he really looks strong and dangerous, but when she remembers how the first rank is always alone it just shows how lonely he is. No. Hindi niya dapat ito nararamdaman. Lahat ay namangha sa pagtugtog ng ikatlong ranggo. Magaling ito, pero iba ang pandinig niya. Metikuloso siya pagdating sa pagtugtog ng violin. Everything sounds wrong, harsh and impatient. Hindi na nakatakas ang pagkunot ng noo niya habang pinapanood ang ikatlong ranggo. Sigurado siyang kinakabahan ito, pinipilit na hindi ipakita. It was a hard piece from Paganini. It's very difficult already, and the harsh sound makes it more difficult to listen to. Even the original-bowing at the begining is unsteady. Napailing siya. The third rank is tensed. Walang nagbago sa unang dinig niyang practice nito sa performance nito ngayong gabi. At the middle every note seems unclear. The piece was fast and playful at the end the tempo refrain like the begining and it's still unsteady. Nagpalakpakan ang mga naroon. Maliban sa kaniya. She isn't impressed that much. The third rank was about to went off the stage when unexpectedly an envelope was handed to the host from one of the guards and he vanished quiclky. It's strange. "It was a request!" sa masiglang tono ay sinabi iyon ng host. "Another performance from one of the students! To play the same piece that the third rank played..." maging ang host ay nalanta ang tinig. Nagingay ang mga nasa baba ng entablado. Nakita niya naman ang pagkagulat at ang mayabang na pagtawa ng ikatlong ranggo na tila ba hindi makapaniwala na may gustong lumaban sa ranggong kagaya niya sa larangang ito. The host was about to walk down the stage probably to cancel the request - cause apparently it doesn't feels right but a voice stopped her. "Continue." It was the first rank. Natahimik ang maingay na estudyante. Nandoon naman ang nangunguwestiyon na mga kapwa nito ranggo. Samantalang nanatiling walang kibo ang mga opisyales. Mahihimigan ang pagtutol ng host ngunit walang magawa kundi ipagpatuloy ang pagbasa nito. "It was a request... to play the same piece played by the third rank, from Miss Xionne Ishihara." What. It's her name, but... "Beat the third rank..." she heard a familiar voice in her mind. Simeon! She wandered her eyes, but she didn't even saw Simeon's shadow. Huminto ang kaniyang mata sa taong humigop ng kaniyang paningin. The first rank is smiling devilishly at her. Itutuloy. . 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD