04

1575 Words
MABILIS NIYANG TINAHAK ang masukal na kagubatan. Kailangan niyang magtago. Kailangan niya ng makalabas. Mapapatay siya ng mga humahabol sa kaniya. Pawis na pawis na siya. Nahihilo na rin siya dahil sa pagod at gutom. Hindi siya pwedeng maabutan ng mga ito. "No, Xionne. This is not your end yet." Napabalikwas siya. It was just a nightmare. Nilibot niya ang paningin sa apat na sulok ng kuwarto. Aminin niya man o hindi, kinakabahan pa rin siya. Paano kung nakapagsumbong na ito? Nanlaki ang mga mata niya, kinapa ang salamin sa mata na malapit sa dresser at agad iyong isinuot para makita ang orasan. It was already 9:00 a.m. Late na siya. Come to think of it, kung nagsumbong na nga ang lalaking iyon kagabi, malamang ay nadakip na siya kanina pa o binaril na ng isa sa ipinadalang Ejento habang natutulog siya—pero wala, buhay pa rin siya hanggang ngayon. Hindi kaya mamaya pa? Mamaya pa siya dadakipin sa oras na lumabas siya sa kaniyang unit? Iwinaksi niya ang mga naiisip. Bumangon siya sa higaan at nag-aalinlangang nagbihis ng uniporme. Kung hindi pa nagsusumbong ang lalaki, marapat lamang na ipagpatuloy niya ang pagpapanggap. Kailangan niya pa ring pumasok. Hindi niya ipinahalata ang paglinga sa paligid kahit kailangan niyang maging alisto. Kasalukuyan niyang tinatahak ang hallway papunta sa kanilang silid-aralan. Mukhang wala namang nagbago sa turing sa kaniya ng mga estudyante. Wala naman siguro silang alam tungkol sa nangyari kagabi? Wala na sigurong nakakita sa pagbabalak niya sa pagpatay sa unang ranggo? Payapa siyang nakarating sa kaniyang lamesa. Suwerte siya, wala pa si Mr. Kugu na head ng mga teacher sa peculiar in body. Nilapag niya ang kaniyang mga palad sa malapad na lamesa, kinakabahan siya. Natatakot pa rin sa maaaring mangyari sa paglipas ng mga minuto. "You're X, right?" Marahan siyang nag-angat ng paningin sa bultong nasa harapan niya. Who the hell is this again? Another stupid kid? Walang gana niyang pinagmasdan ang kabuuan nito. Hindi niya pa nakikita ito sa paaralan. Nakapusod nang mataas ang buhok nito at kulay berde iyon. Based on the sound when the girl walks towards her, she can say that the girl wears heels—and socks. What a unique girl. "I heard, you're a peculiar in body? I'm Caroline, peculiar in mind." A peculiar in mind, huh? Hindi niya ipinahalata ang daglian niyang pag-iwas ng tingin mula sa mga mata nito. Hindi nito puwedeng mabasa ang nasa isip niya. Matagal niya nang pinag-aaralan ang wikang Tagalog kaya kahit papaano, nakakaintindi siya, bagama't nahihirapan pa rin. "I'm talking to you, don't be rude and look at me!" Nagtaas na ito ng boses sa kaniya, bagay na ayaw niya sa lahat, mabilis siyang marindi. "Ikaw ba talaga ang nabanggit sa akin? Bakit mukha kang mahina?" Tuluyan nang nagpantig ang pandinig niya. "What exactly do you need from me?" Gigil niya iyong itinanong. Tumawa ang babae. "Ako ang papatay sa 'yo, dahil masyado ka nang mayabang. Simula nang dumating ka rito, wala ka nang ibang ginawa kundi isa-isahing bugbugin ang mga naunang pumasok dito. Baka nakakalimutan mong baguhan ka pa lang?" Napangisi siya pero nanatili ang kaniyang paningin sa lamesa. Mga estupido, inuubos ng mga ito ang pasensiyang mayroon siya. At kung gusto nitong maging bayani ng mga kamag-aral nito, wala siyang panahon para patulan pa ito. "Hindi ka tatayo o ako ang kakaladkad sa 'yo?" Tumagilid ito mula sa pagharap sa lamesa niya, nagbabanta na. "Dahil hindi ako aalis hangga't hindi ka nahihirapang huminga at nagmamakaawa sa aking tapusin ka na lang." Kumuyom ang mga kamao niya. Paano niya kakayaning magtimpi? Nabuo na ang tensiyon sa loob ng silid-aralan nang sipain niya ang kaniyang lamesa nang malakas, tumama ito sa pisara. Nanatili siyang nakaupo sa kabila ng ginawa niyang aksiyon. Napuno ng singhap at bulungan ang paligid. Ang kaninang nabuo na bilog ng mga estudyanteng nakikiusyoso sa usapan nila ng Caroline na iyon ay nawasak nang kusang lumayo ang mga ito mula sa kanila. "Next time, tell your schoolmates to mind their businesses." Bahagya lamang na natigilan si Caroline, ngunit napilitan agad nang malakas nitong halakhak na tunog sarkastiko ang paligid. Tila nawala ang ingay nang alisin ni Caroline ang pagkakakrus ng braso nito. "Tumayo ka na at hayaan mong masampal kita." Gaya nang sinabi nito, nanlilisik ang mga mata siyang tumayo. Ngunit nang sanang isasampal na nito ang palad sa kaliwang pisngi niya, nagawa niya nang salagin iyon. "Who told you that I will let you beat nor kill me? You are not my boss to command me anything. I will make your mouth shut first before you can do it to me, then I will burn this school together with your dear classmates." SABAY-SABAY NA NAGLAKAD ang mga ranggo papunta sa silid-aralan na itinuro ng isang lalaking estudyante kanina, may gulo raw. And X is involved again. Kailan ba titigilan ng mga estudyante nila si X? At ano ba ang problema ng nga ito? "Juszine, it was Caroline Natividad," ani Nyttea rito na peculiar in sight. Natatanaw na nito panigurado ang nangyayari. "Tokuyu's hero, huh!" Matapos iyon sabihin ni Juszine, kumaripas na nang pagtakbo ang mga ito maliban sa kaniya at kay Laxy na nag-teleport na. Naiwan doon sina Nyttea, Hazethe, at Ian dahil kanina pang naroon panigurado ang unang ranggo, si Yrrana, at Paiver na hindi nila kasama kanina. Samantalang, hindi nila malaman kung saan na napadpad sina Ruhence at Quuor. Ang nadatnan ni Juszine ay gaya ng inaasahan, pero imbis na umawat ay nakatayo lang doon ang tatlo. Prenteng nanonood si Paiver. Samantalang, tatawa-tawa si Yrrana na pinipigilan pa ang unang ranggo. What the hell? Hindi siya makapaniwala sa inaasta ni Yrrana simula nang dumating si X. "Juszine!" Sinenyasan siya ni Laxy na nagtatangkang pigilan ang senaryo, hinahabilin nito sa kaniya si Yrrana. Wala pang galos ang kahit na sinuman kina Caroline at Xionne, pero ang gulo sa silid ay hinding-hindi na kapatapatawad. "Yrrana! Ashton! What the hell?" Pinuntahan niya ang kinaroroonan ng mga ito. "Are you all crazy?" "What? Wala pa namang nagagalusan e," sarkastiko iyong sinabi ni Yrrana habang naroon pa rin ang nanunuyang pagtawa. "Crazy!" Akma sana siyang lalapit kay X pero may bulto nang humarang sa daraanan niya. Nakatalikod ito at mukhang isang ranggo. "Quuor?" sigaw niya. Tahimik lang ito at imbis na umawat, nanood lang din. "Ashton, what now?" Muli siyang humingi ng tulong sa unang ranggo pero umatras ito at yumuko lamang. "Bullshit!" Kailan pa naging walang kwenta ang mga ito? Dumating na sina Ian, Nyttea, at Hazethe na nagulat din sa nasaksihan. Itinulak niya si Quuor na hindi man lang nawala sa balanse para makadaan na siya. Tutulungan niya na sana si Laxy na akmang paghihiwalayin sina X at Caroline nang tumilapon ang apo ni Mr. Natividad dahil sa ginawang pagsipa ni X dito. Natahimik ang lahat. Maging ang kilos ng lahat ay nahinto. Inubo ng dugo si Caroline, maging ang ilong nito ay tinutuluan ng dugo. Awtomatikong naging masama ang tingin nito kay X. Apo ito ni Mr. Natividad kaya mahal na mahal ang eskuwelahan, mukhang naiintindihan niya na kung bakit ginawa ito ni Caroline. Samantalang, walang mababakasang emosyon sa mukha X. Marahan lang itong naglakad papunta sa upuan sa gitna ng silid na kaisa-isahang nanatiling nakaayos sa puwesto. Dinampot iyon ni X at hinila palapit kay Caroline, galit nitong ibinato sa pisara ang upuan at dumagundong iyon sa pandinig ng lahat. Isa-isa silang binalot ng takot at gulat kasabay nang pag-iwas nila mula sa upuang iyon na tumalbog pabalik sa kanila. "Who are you?" Kahit na nahihirapan ay nagawa pa iyong sabihin ni Caroline. "Sabi ng lolo ko, hindi ka taga-Pilipinas, then what the hell are you doing here?" Lahat ay nagimbal sa sinabi ni Caroline. Maging siya. Hindi taga-Pilipinas si Xionne? Kung ganoon paano ito nakapasok dito? Panandaliang nahinto si X mula sa akmang pagtakas sa komusiyon matapos nang ginawa, pero walang nagbago sa eskpresiyon nito. Walang emosyong mababakasan at walang galos, maliban sa nakaladlad na magulo nitong buhok. "Sino ka ba talaga?!" sigaw pa ni Caroline. Imbis na ang pokus nito ay nasa sinasabi ni Caroline, napansin niyang sa iba ito nakabaling. Nilingon niya ang tinititigan ni X. Ang unang ranggo. Samantalang, unti-unting tumayo si Caroline. Hahakbang na sana si Juszine para pigilan ang mangyayari pero muli na naman siyang napahinto. "Hinto!" Umalingawngaw ang sigaw na iyon ng ikalawang ranggo, si Quuor. Pero ang sigaw na iyon, walang nagawa para pigilan ang balisong na sanang tatarak sa likuran ni X, kung hindi lamang dumating ang hindi inaasahang bisita. Ang lalaking nagpahinto rin sa sanang komusyong mangyayari sa pagitan nina X at ng grupo na pinamumunuan ni Blan. Sa isang sipa ng lalaki, sa nakatayong lamesa dumiretso ang balisong. Kahanga-hanga na tila napakadaling gawin niyon para rito. Bumalatay ang gulat sa mukha ni Caroline. Samantalang, kahit na kapansin-pansin ang nagaganap sa likuran ni X, hindi man lang ito nag-abalang lumingon. "The action you've done deserves a punishment, shinjimae!" Alam niyang hindi lang siya ang nagulat sa tono ng pananalita ng lalaking iyon. Nagkatinginan na nga sila ni Laxy na sa hindi kalayuan ay kaharap niya lang, sabay nilang nilingon ang unang ranggo na nag-angat ng paningin. Ang tonong iyon ay minsan niya lang marinig. Minsan lang nila marinig pero napakapamilyar—may awtoridad. Ang gulat na nakita niya sa mga mata ni Quuor ay sapat na para makumpirmang hindi lang siya ang biglaang kinabahan. Biglang naging magulo ang lahat. Dumarami na ang misteryo sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD