MAZE’S POV Ang init! Tinignan ko ang napakataas na araw sa kalangitan habang umiinom ako ng mango shake na kabibili ko pa lang. Pare-parehong nagsi-suguran na sila Kyle, yuan at Zyne sa dagat kaya naman naiwan na lang ako mag-isa sa hut at nagmistulang taga bantay ng gamit nila. Dapat gawain ito ni Zyne eh! Nilabas ko na lang yung Ipad ko at nag laro ng games doon pampalipas ng oras. Ni hindi man lang ako makapag sun bathing sa lagay na ito. Bwiset! Habang busy ako sa paglalaro ng Zombie Tsunami sa Ipad ko, medyo naaninag ng peripheral vision ko na may parating kaya naman napaangat yung ulo ko para tignan kung sino ito. I saw Zyne approaching our hut kaya naman napatayo ako bigla para salubungin siya. Hay salamat! Dumating narin isang to! Siya naman ngayon ang mag bantay ng gamit and

