KYLE’S POV "Welcome home," naka-ngiting sabi ko kay Zyne pagkarating na pagkarating namin sa condo unit namin. "Woooow! Na-miss ko 'to!" dali-dali namang nag tungo si Zyne sa sofa at humilata rito. "Na-miss ko umupo at humiga rito! Na-miss ko ang bawat sulok ng bahay na 'to!" dagdag pa niya. Natatawa-tawa na lang ako na naiiling-iling habang tinitignan ko si Zyne . Pinayagan na kami ni ninong na umalis ng ospital. Sabi niya, sa ngayon, stable pa naman si Zyne . Tinuruan na rin niya ako ng mga pwede kong gawin kung sakaling atakihin si Zyne . Lalo na't next week, pareho kaming babyahe dalawa. Tinabihan ko siya sa sofa at niyakap ng mahigpit na mahigpit. "Zyne .." "Hmmm?" "Maligo ka na. Ang baho mo na," sabi ko sa kanya habang hinahalikan ko ang buhok niya. "Ang sama mo! Eto na ma

