KYLE'S POV "Hindi ako makapaniwala. Hindi talaga ako makapaniwala. Ikakasal ka na kuya? Hindi talaga ako makapaniwala," sabi ng kapatid kong si Kyla na kasalukuyan kong kausap sa Skype ngayon. "At ano naman ang hindi kapani-paniwala doon?! Sa gwapo kong 'to?!" "Kung malalanding higad na gold digger ang niyaya mo, hindi na ako magugulat. Pero si Zyne ? Papakasalan ka ni Zyne ? I can't believe it!" "At bakit ha?! Eh sadyang mahal niya ako eh kaya pumayag siya!" "I still can't believe it!" Tinignan ko ng masama ang kapatid ko mula sa screen ng laptop ko. "Hindi mo lang matanggap kasi hanggang ngayon, wala kang syota diyan!" "Oy hindi 'no! May nanliligaw kaya sa'kin dito." Tinaasan ko siya ng kilay, "nanliligaw? Uso ba 'yan diyan?" "He's a Filipino at sobrang bait at gentleman niya,"

