KYLE’S POV Limang araw na kapayapaan kasama si Zyne . Limang araw kaming nag-tago sa Siquijor matapos ang eksenang aminan na ginawa namin sa harap ng mga kapwa ko artista at sandamukal na reporters. Sa loob ng limang araw na yun, aware akong kaming dalawa ang laman ng balita sa tv, trending topic sa twitter at f*******:, at maging sa mga dyaryo. Superstar Kyle Montefalcon, currently in a relationship with his personal maid. Kabilin-bilinan ni Maze at Yuan sa akin na wag na wag akong sisilip sa mga social media sites. Pero syempre dahil curious ako, sumisilip ako. May mga nag sasabing mala-fairy tale ang love story namin. Pero marami rin ang may negative feedbacks. Karamihan, sila yung shipper naming dalawa ni Maze. Ang dami nilang hindi magagandang sinabi about kay Zyne . Gumagawa pa s

