KABANATA 15

2298 Words
*** KYLE’S POV Kinuha ko yung ulo ni Mickey Mouse na nakatingin sa akin habang Nakangiti. Anak ng kabayo naman oh! Nasaan na ba yung hinayupak na Mr. LBM na yun?! Siya dapat ang nagsuot nito eh! At hindi ako! Anak talaga ng kabayo oh! Pero anong akala niya susuotin ko ‘to?! Never! As in never! Over my dead body! Isa pa puro mga bata ang naroon sa baba. For sure madaming germs ang nagkalat sa katawan nila! Yucks! Kadiri! Kinuha ko yung gamit ko at nagplaplanong tumakas na ako ng may narinig akong pamilyar na boses. “Kuya Mascot! Ok na po ba kayo?” Bigla akong nataranta ng marinig ko ang boses ni Zyne at mga yabag niyang palapit sa may dressing room. Agad-agad kong isinuot ang ulo ni Mickey Mouse at kasabay nun ang pagbukas ng Pinto. “Wow! Si Mickey Mouse!” Sabi ni Zyne na manghang-mangha. “Kuya Mickey Mouse! Bakit di mo pa suot yung katawan mo? Gusto mo tulungan na po kita?” Umiling-iling naman ako sa kanya. Anak ng tokwa naman oh! Sa dinami-dami ng pwedeng umakyat dito sa akin, bakit ‘tong chimay ko pa?! Kaasar naman! “Sige po! Hintayin na lang po kita sa labas para sabay na tayong pumunta sa party!” Masiglang sabi ni Zyne tsaka na lumabas. Anak ng kabayo talaga! Potek! Bantay Sarado pa ako dito ngayon! Patay sa akin yung Mr. LBM na yun pag nakita ko siya! Tatanggalin ko talaga yun ng pwet para di na siya makatae pa kahit kailan! At babaliin ko naman yung mga buto ng babakla-baklang malnourished na boyfriend ng chimay ko! Bago ko tuluyang suotin yung mascot ay winisikan-wisikan ko muna ito ng alcohol. Mamaya puro germs ‘to eh! To think na si Mr. LBM ang may-ari ng mascot na ‘to! Anak ng kabayo naman talaga oh! Pakshet! Kinikilabutan ako! Nakakadiri! Nakakaasar! Nakakabadtrip! Ba’t ba ako nilagay sa ganitong sitwasyon?! Nung maisuot ko na yung letsugas na mascot na ‘to ay lumabas na ako sa dressing room at nakita ko naman si Zyne na nakatayo while naghihintay sa akin. “Wow! Ang cute-cute ni Mickey Mouse!” Sabi niya habang ngiting-ngiti. Anak ng isda! Ano ang cute dito?! Nakakadiri kaya! Nakakabakla sobra! Nakakayamot na talaga ‘to eh! Nagulat na lang ako ng bigla akong amuyin ni Zyne. “Hmmm… Bakit gano’n? Bakit amoy alcohol ni Kie?!” Sabi niya na naging dahilan para matigilan ako. Ay! Tokwa! Sana naman ay di ako mahuli ng babaeng ‘to! Pag kumalat talaga na nagsuot ako ng mascot ni Mickey Mouse sa media eh! Malamang katapusan na ng career ko! Tskkk! Ba’t ko ba kasi sinundan ‘tong chimay na ‘to?! Malas talaga si Zyne sa buhay ko! Sobrang malas talaga! Malamang may balat talaga siya sa pwet. I’m positive! “Uhmmm… Mr. Mickey Mouse! Tara na?” Pagyayaya ni Zyne sa akin. Sinundan ko naman siya papunta dun sa may function hall at nakita kong ang daming nagkalat na bata. Hindi sila mga normal na bata. Yung iba naman wheelchair, yung iba naman ay may mga bonnet sa ulo na obvious namang wala ng naturang buhok sa ulo nila. Lahat sila ay mukhang mapuputla, mapapayat at mga mukhang may mga sakit. Tinitignan ko pa lang sila ay feeling ko magkakasakit na ako eh! Badtrip naman oh! Napasuot na nga ako ng mascot, na expose pa ako sa.mga germs kids! Ang malas-malas talaga ng araw na ‘to! “Si Kuya Mickey Mouse!” Sigaw nung isang bata kaya naman sila ay napatingin st napatakbo palapit sa akin yung mga bata. Yung iba ay niyayakap ang binti ko while yung iba naman ay pilit na nagpapakalong sa akin. Kung wala lang sakit ‘tong mga batang ‘to ay pinagsisipa ko na ang mga ‘to eh! Ang kukulit! “Ang cute-cute talaga ni Kuya Mickey Mouse at magaling pa siyang sumayaw!” Sabi nung isang batang babae na nakambitin sa braso ko. Potek! Anong cute?! Pang-aso lang yun ‘no! At ako sumasayaw?! Sapakin ko kaya ‘tong batang ‘to?! “Eh! Magaling din bang magkarate si Kuya Mickey Mouse?! Parang ganito oh! Wahhhh! Yapak! Watak! Achu!” Sabi naman nung batang lalaki while nagsusuntok at nagsisipa sa ere. Kung pititikin ko kaya ang noo ng batang ‘to______ “Aray! Aray! Aray!” Daing ko. Nagtatanong ako habang hawak- hawak ko yung nasa ibabang parte ng katawan ko. Paano ba naman ‘tong makulit na batang yun ay sinipa ang sensitibong bahagi ng lalaki! Potek naman! Baka naging scramble egg na ‘to! Nakakayamot na talaga! Now wonder I hate kids. “Uy! Mga bata maupo muna kayo. Baka mamaya n’yan ay maubusan na kayo ng energy at hindi na kayo makapaglaro mamaya,” sabi ni Zyne sa mga germs kids. “Opo!” Sabay nilang sagot. Tsaka sila nagsibalikan sa kani-kanilang mga upuan while ako naman ay naiwang nakatayo doon habang hawak-hawak ko yung ‘ano’ ko. Nakatitig si Zyne sa akin tapos nagulat na lang ako ng ningitian niya ako. “Ang cute mo talaga!” After that ay masayang-masaya siyang bumalik doon kasama yung mga bata. Kaasar! “Gusto niyo bang nakitang sumayaw si Kuya Mickey Mouse?!” Tanong nung malnourished na bakla na boyfriend ni Zyne dun sa mga bata. “Opo!” Masiglang-masigla sigaw ng mga bata.”Lakasan niyo naman ang sagot mga bata. Gusto niyo bang makitang sumayaw si Kuya Mickey Mouse?!” Tanong niya pa ulit. “Opo!” Mas Masiglang tugon ng mga bata. “Ayan! Mas mukha na kayong energetic n’yan. Ngayon, binigyan tayo ng isang dance number ni Kuya Mickey Mouse!” Sigaw pa ulit ni baklang malnourished. Isa pang salitang baklitang ‘to! Sasakalin ko na talaga ‘to sa leeg niya! Anong dance number ang pinagsasabi niya?! Baka sapak gusto niya?! Never akong sasayaw sa harap ng mga germs kids na yan ‘no! Potek! Tsaka nasaan na ba yung Mr. LBM na yun?! Bakit hanggang ngayon ay di pa siya lumalaban sa C.R?! Ang tagal-tagal niya naman sa loob! Di kaya kinain na yun ng inidoro?! Badtrip talaga oh! Nakakayamot talaga! “And now Kuya Mickey Mouse will do the chicken dance!” Sabi pa nung baklang malnourished. Huh?! Napatingin ako sa kanila and they all have their eyes on me. Nilapitan naman ako ni Zyne at hinila palapit sa mga bata. “Tara na, Kuya Mickey Mouse! Don’t be shy!” Sambit niya. Ay! Anak ng kabayo naman oh! Dinala ako ni Zyne sa gitna at narinig kong nagsimula ng tumutugtog yung chicken dance. Kesa mabuko pa ako na Isa lamang akong fake na mascot ay wala akong nagawa kundi ang magwagayway na parang baliw na manok na Mickey Mouse na kahithit ng katol! Nakita ko naman na naaaliw na yung mga bata kaya tumayo sila at gumaya sa ginagawa ko! At least di na ako ang nag-iisang baliw sa lugar na ‘to! Maraming na kami kaya the more the better! Buti na lang at Nakangiti ang custome ni Mickey Mouse at di nils nakikita ang nakasimangot kong mukha. Ito na ysta ang pinakamalas na araw ko at sana lang ay wala ng susunod pa! Natapos na din ang dance number ko pinagpahinga na nila ako while busy sila sa pagkain. Inalukan pa nila ako ng pagkain pero syempre di ko yun tinanggap. Bukod sa madaming germs ang pagkain na yun ay di ko din namn magawang tanggalin ang mascot na ‘to baka mahuli pa ako eh! Mahirap na pag mabuko nila ako! Ako si Kyle Montefalcon, gwapo sikat, malinis at mabango ay ang taong nasa loob ng mascot ng baklang daga na ‘to. Tskkk! Nasaan na ba kasi yung Mr. LBM na yun eh?! After nilang kumain ay binigyan nila Zyne tsaka nung mga kasama niya yung mga bata ng loot bags. Pero sila bigyan ay dapat sabihin muna nila ang mga dreams nila. “Gusto ko pong maging artista!” Sabi nung batang lalaki na nakasuntok sa ‘ano’ ko kanina. Artista?! Magstuntman ka na lang mas bagay yun sayo. “Wahhhhhh Gusto ko pong makita si Kyle Montefalcon at pagtanda ko papakasalan ko siya!” Sabi naman nung isang batang babae na kalbo. No thanks! Takot akong magawang ng virus mo ‘no! Tsaka trip ko yung may buhok. Matapos ng bigayan ng give-aways ay sa wakas ay tapos na rin ang party. Agad-agad na naman akong umalis sa party area dahil gustong-gusto ko na talagang hubarin ‘tong nakakadiring costume na ‘to at ng makaalis na ako dito. Puro kamalasan na lang ang naranasan ko dito eh! Nakakabadtrip Talaga! Sa susunod hahayaan ko nga’ng makipagdate yang chimay ko na yan kahit kani-kanino pa. Bakit ba mahilig pumunta ‘tong babaeng ‘to sa lugar na madaming germs?! Naglakad na ako papunta sa may dressing room pero bago ako makapasok ay bigla na lang akong natisod sa isang sirang tiles na di ko napansin kaya napasubsob ako sa sahig at tumilapon ang ulo ni Mickey Mouse sa ulo ko. “Mr. Mickey Mouse! Ayos ka lang ba?” Tanong niya. Nakarinig ako ng habang palapit sa akin and the next thing I knew ay ka face to face ko na si Zyne. “K-K-Kie?!” She said. Kill me now, please! Nandito na kami ngayon ni Zyne sa kotse ko at hanggang ngayon ay tawang-tawa siya ng malaman niya ako si Mickey Mouse. Ba’t sunod-sunod yata ang kamalasan ko ngayon?! “Eh! Kasi naman Kie! Di ko naman ini-expect na ikaw pala yung mascot namin HAHAHAHAH!” siniko-siko niya pa ako. “Pero Uy! Ikaw ha! Sabi ko na eh! May ginintuang puso ka talaga at nakipagsubtitute ka doon sa dapat magsuot ng mascot!” Dagdag pa niya. “Huh?!” I asked. “Nagtext siya sa akin kanina na masama ang pakiramdam niya. Akala ko nga eh! Wala ng mag-mamascot eh! Buti na lang at pumayag kang maging sub! At ang daming mo kayang napasayang bata kanina!” She giggled. “Hmpf! Mahal ang talent fee ko ‘no!” I said. “E-Eh! Wag ka ng magpabayad Kie! Alam mo ba yung mga batang yun kanina may mga leukemia sila. Isipin mo na lang na dahil sa pagsuot mo nung mascot ay napasaya mo sila!” She said. Napalingon ako kay Zyne, “May mga leukemia? Eh! Di naman mukhang may sakit ang mga yun at isa pa ang sigla-sigla kaya nila!” I said. Yung isa nga nasuntok pa yung ‘ano’ ko eh! Masakit yun ah! Tagos na Tagos ang suntok eh! Kahit naka-mascot ako. Biglang ngumiti si Zyne sa akin. “Alam mo ba, Kie! Yung ilang mga bata kanina ay bilang na lang oras nila sa mundong ‘to? Kaya naman, kahit gano’n ay pinilit pa rin nilang maging masaya. Kanina kitang-kita ko ang saya sa mga mata nila at parang nakaramdam na rin ako ng sobrang saya nung makita ko silang gano’n,” pagsisimula niya. “Alam kong sa murang edad nila ay napakalungkot na magkaroon sila ng ganoong karandaman. Pero kahit gano’n, malakas ang loob ng mga batang yun para araw-araw na bumangon at harapan ang panibagong araw na lumalaban sila sa sakit nila,” pagpapatuloy niya pa. Bigla akong napaiwas ng tingin kay Zyne. Naalala ko naman ang kwento ni Tito Zin tungkol sa nakaraan niya. Wala mang sakit si Zyne, meron din siyang araw-araw na nilalabanan at yun ay ang kalungkutan. “B-Bakit gano’n? Bakit nakakuha pa nilang ngumiti?’ I asked. “Dahil sa kanya!” Itinuro ni Zyne ang langit. “ Dahil hindi sila pinabayaan ni God. Malapit ang mga batang yun sa Diyos kaya naman lagi silang binibigyan ng blessing!” She replied. “Tama. Pinagpala nga naman talaga ng Diyos ang mga tao malalapit sa kanya at palaging binibigyan ng blessing!” I said. Hindi katulad ko na makasalanan… Bata pa lang ako ay hindi na ako malapit sa Diyos. Going to the mass bored me to death. Tamad na tamad din akong magdasal. Kaya siguro walang ka blessing- blessing ang dumating sa buhay ko. Iniwan kami ng ama ko, nag-asawa ulit ang mommy ko. Isa akong myembro ng broken family and nag-iisa na ako sa buhay ko. Hindi na ako dumidepende sa ibang tao. I’m all alone… Kasi hindi ako malapit sa Diyos. Pinagpapala niya ang mga malalapit sa kanya, pinapaparusahan niya naman ang hindi. Buhay pa ako pero sinusunog na ang kaluluwa ko sa imperno. “Alam mo ba yung batang babae nagsabing kanina na gusto ka niyang makita? Siya si Asha. She has a leukemia and sabi nung doctor…” she trailed me off. “Konti na lang ang natitirang oras niya…” Bigla akong natigilan sa sinabi ni Zyne. Naalala ko yung mga mukha nung mga bata na naroon sa party kanina. Oo Masaya sila pero di ko masyadong napansin yun dahil sa pagkabadtrip ko. 'Wahhhhhh Gusto ko pong makita si Kyle Montefalcon at pagtanda ko papakasalan ko siya!' I feel stab of pain in my chest. Napakamot naman ako bigla sa ulo ko. Bakit ba grabe akong naiimpluwensiyahan sa mga sinasabi ni Zyne?! Hayst! Nakakaasar naman eh! “Hoy Babae!” Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot ko sa kanya, “May kailangan pa pala kong Puntahan. Mauna ka na umuwi sa condo ko at maglinis ka kong ayaw mong ihulog kita sa veranda Pagkauwi ko!” I said. “Huh?! Ay! Oo naman. Maglilinis ako. Pero saan ka naman pupunta?!” She asked. “Wag ka na nga’ng magtanong. Labas na!” I shouted. “S-Sige! Ingat ka Kie!” Pagkababang-pagkababa niya sa kotse ay agad ko rin itong pinaharurot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD