KYLE’S POV Posible palang maranasan mo na unti-unti kang namamatay kahit na alam mo sa sarili mong malakas pa ang katawan mo at humihinga ka pa rin ng tama. Posible rin palang maramdaman mong huminto na ang pag t***k ng puso mo kahit na dama mo pa rin ang kabog nito. It's been two months eversince she left me. But still, napaka-ikli pa ring panahon ng dalawang buwan para tuluyan kong makalimutan ang lahat nang nangyari sa'min. Masyadong masakit. Nakakabaliw. Halos lunurin ko ang sarili ko sa alak para makalimot. Ilang beses ko ring pinlanong tapusin ang buhay ko kasi ang sakit-sakit. Hindi ko kasi maintindihan eh. Bakit nagawa niya akong iwanan nang ganun na lang? Mababaw ba talaga ang pag mamahal niya para sa'kin? Bakit bigla na lang siyang nawala? Ang sakit-sakit pala talagang maiwa

