Chapter 28 MARAHANG hinaplos ni Liberty and buhok ni Theo. Malalim na ang pagkatulog nito dahil na rin sa bigat ng kanyang paghinga. He looked so stressed and tired. Nangingitim ang ilalim ng kanyang mag mata na halatang walang matinong tulog. "What have you done to yourself?" mahinang tanong niya. Alam niyang hindi siya nito naririnig. She leaned down to kiss his temple. Agad niyang naamoy ang alak sa hininga ng binata. Mukhang nakatulog ito dahil sa kalasingan. Siya pa nga ang nag-ayos ng pagkakahiga nito dahil naabutan niyang may suot pang sapatos habang natutulog. Hindi rin nakabihis pantulog. Mukhang binuhat lang ng dalawang asungot ito pahiga sa kama. Natigilan siya nang maalala ang mga nakasalubong niya kanina sa hagdan. Pagkatapos niyang interogahin ang dalawa ay wala man lang

